Chapter 6: Gio

5 0 0
                                    

"Sha...!!!!" Sigaw ni Jopay habang kumakaway. Nakita ko sya sa may waiting shed malapit sa may tigilan ng mga sasakyan. Hinatid ako ni Adam tutal ay malapit lang naman din ang UE dito, dun sya nag-aaral. Matapos ko magpaalam ke Adam ay tumakbo na ako papunta ke Jopay.

"Di ba si Adam yun? Sayang hindi muna sya bumaba dito. 'Di man lang ako nakapag-hi sa kanya" ani Jopay na may halong pagkipit pa ng kanyang buhok sa kanang tenga. Unli-kire talaga ang kaibigan kong 'to.

"May klase na din kase sya kaya sabi ko ok lang na diretso na sya sa school nya" sabi ko.

"Ay ganun ba. Sipag talaga ng future mister ko diba future sis-in-law?" sambit ulit ni Jopay.

"Hanggang ngayon crush mo pa din si Adam? Ano bang kagusto-gusto dun? Ang putla nga oh, tingnan mo." sagot ko.

"Ayaw mo ba ako maging hipag?" tanong ni Jopay at naiiling na lang ako. Nag-umpisa na kame maglakad sa tabihan papunta sa gate dahil mejo sobra lawak din talaga ng SAU.

"Kahit naman nagka-jowa ako nung HS tayo ay si Adam pa din talaga ang end-game ko. Tatak mo yan sa bato Sha. Ako ang makakatuluyan ng kuya mo kaya magiging ate mo ako" litanya pa ni Jopay.

"Okay" pagsang-ayon ko na lang. Binuksan ko ang mini backpack na dala ko para kunin ang ponytail ko. Sanay ako na nakatali palagi ang buhok ko ng mataas. Hassle kasi sa twing humahangin ng malakas at nasusurot ang mata ko.

Busy ako sa pagtatali ng buhok ko habang naglalakad ng makasalubong namin bigla si Rayden.

"Hey. Where you going ladies?" tanong ni Rayden

Posible pala yun ano? Yung biglang di mo na crush ang isang tao. Bigla hindi na sya especial sa paningin mo. Pero as usual, gwapo pa din ha.

"Ah punta kame jan sa St. Augustine's para mag-enroll. Ikaw ba?" Balik kong tanong saknya.

"Just finished my enrollment there also. Take care ladies, see you around" paalam nya.

Nagpatuloy na kame sa paglalakad. Biglang pumapalakpak ng mabagal itong si Jopay at humarap sa akin.

"Ateng..bilib na ako sa'yo. Hindi ka nag-stutter pagsagot ke Rayden. Wow! Salute!" O.A talaga nitong si Jopay.

"Di ko na crush, Jopz. Nung nakaraang bakasyon, hindi ko nga sya naisip ei. Mas focus ako sa pag-eenroll ko. Basta di ko na lang sya gusto. Nakakatawa na nga lang kung paano ako nagseselos saknila ni Katrina nuon. Kung paano ko i-compare ang sarili ko kung bakit hindi ako ang naging crush ng crush ko. Tas na-realized ko na wala pa pala tayong 18 para sa ganun. Haha.." paliwanag ko.

"Nasan si Sha? Ibalik mo ang friend ko." Hinawakan ako ni Jopay sa dalawang balikat at inalog-alog.

"Totoo kasi. Haha" sabay saway ko ke Jopay.

Patuloy kame sa pag-lokohan ni Jopay ng makarating kame malapit sa entrance gate. May kasabay kameng grupo ng mga lalaki pagpasok. Magulo sila at nagtatawanan. Napansin ko na dire-diretso lang sila pagpasok ng Univ. Lumapit kame ni Jopay ke Manong guard at ipinakita ang aming appointment slip para katunayan na dito ang sadya namin upang i-confirm ang aming enrollment.

Nang makapasok ay nagtungo na kame sa Registrar's Office. BS Accountancy ang plano i-pursue ni Jopay samantalang ako ay BS Psychology. Natapos na ako sa aking sadya. Nagpaalam ako ke Jopay na pupunta lang saglit sa CR at babalikan ko sya.

Sabi ng napagtanungan ko ay kaliwa lang daw ako pagkatapos ng corridor tapos ay diretso bago daw sumapit ang Engineering building.

Malapit na ako sa CR at narinig kong may tumatawag ng Yza. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa dahil gusto ko na talaga makapag-toilet. Sasabog na ata ang pantog ko, kanina ko pa kasi pinipigilan.

Bago pa man ako makapasok sa may pinto papuntang CR ay may biglang humila ng ponytail ko! Bumagsak ang mahabang buhok ko na pinaghirapan kong itali kanina lang. Nakasimangot na lumingon ako sa nasa likod ko at nakita ang lalaki na hawak ang ponytail ko. Nawala ang mapaglarong ngiti nya pagkakita saken. Na-remember ko na sya yung lalaki na kausap ni Katrina nung graduation namin nung hayskul.

"Gio..." tawag nung babae na nasa likuran naman ng lalaking kaharap ko.

Mahal Kita! Okay Na?Where stories live. Discover now