Chapter 10: Acquaintance Party

3 0 0
                                    

Kinabukasan. Tanghali pa ang simula ng klase ko. Kaya naman 10 am na ako bumangon. Pakiramdam ko sobrang pagod ko sa nung first day ng school kahit wala naman masyado nangyare. Adjustment is waiving. Bnisita ko ang cellphone ko at nakita ko may update si Jopay sa Jey&pets gchat. Kaklase daw nya si Katrina. Akala pa nga daw nya ay namamalik-mata sya. Akalain mo nga naman.

Kumain na ako at naghanda sa aking pagpasok. Mag-taxi lang ako ngayon dahil may dentist appointment si Adam.

Pagdating ko sa campus ay dumiretso muna ako sa CR dahil may oras pa naman.

Napansin ko na may ilang estudyante ang may kinakapit sa bulletin board. Dahil madadaanan ko naman ay binasa ko na din. Nakalagay na magkakaroon ng Acquaintance Party para sa mga freshman next week. Required ang pag-attend ng lahat dahil magkakaroon ng attendance. Hindi ko forte ang pag-attend sa mga ganito. Pero mukhang wala naman akong choice kung may katumbas na points ito.

Unti-unti nang dumami ang nagbabasa ng announcement na yun. Kaya naman umalis na ako bago pa ma-late sa aking klase.

Medyo nasasanay na ako sa ganitong set-up. Iba pala talaga pag nasa college na. Bukas na din ang party pero wala pa ako masusuot. Niyakag ako ni Jopay na tumingin daw kame ng dress. Sa SM na lang kame magkikita. Pagdating namin sa isang shop ay nakita namin si Katrina at yung Gio.

"Magkaanu-ano kaya sila?" bulong ni Jopay. "Two-timer siguro sila." bintang pa nya. "Aaaay hindi, erase-erase. Sabi ni Katrina sa intro nya ay may kapatid syang lalaki. Sya siguro yun." realized ni Jopay.

Binalik ko na lang attention ko sa pagtingin ng damit. Nagustuhan ko ang kulay black na mini dress, gothic style ba. Hindi naman talaga ako nagsusukat ng damit dahil alam ko ang size ko. But since bukas na ang party ay ayaw ko nang magpabalik balik pa kung sakali na hindi magkasya yung napili ko.

Napagdesisyunan ko na pumunta na sa fitting room. Sakto naman ang dress. Mas lumitaw ang maputi kong kutis. Tube style at hanggang hita ko. Tama lang ang sukat para saken ng damit. Medyo nahihiya ako na isuot ito kaya gusto ko sana hingin opinyon ni Jopay pero kelangan ko lumabas. Pasimple muna ako sumilip sa labas. Nakita ako ni Jopay at tuluyang hinila palabas.

"Wow! Frenny!!! Sobrang bagay! Bilhin mo na yan. Ang ganda mo sa dress na yan." malakas na boses ni Jopay.

"Sssshhh..." saway ko ke Jopay "Hinaan mo nga boses mo. Nakakahiya."

Nakita ko pa na napatingin sa dako namin si Gio habang bitbit nya ang dalawang paper bag. Nasa unahan nya si Katrina at may kausap sa cellphone.

Here comes the party.

By block ang arrangement ng table para sa mga freshman kaya naman di ko kasama si Jopay.

Pagkita ko ng space for Psychology 1 students ay naupo na ako sa may bandang likod. Itutulog ko na lang siguro to hanggang matapos.

"Hello Shara. Upo ako dito sa tabi mo ha?" tanong ni Grace, kaklase ko. May headset na nakalagay sa kanang tenga nya, habang wala naman sa kabila. Siguro hindi din nya gusto mga party tulad nito.

Ngumiti ako at sumagot. "Oo naman, sige."

Nagkwentuhan lang kme ni Grace at magaan ang loob ko skanya. Di namin napansin na magsisimula na pala. Nagsalita na ang MC. Masaya naman ang program. After ng intermission ng 4th yr students ay inannounce na simula na ang sayawan. Ang higher year ay expected na iwelcome at makipagkilala sa mga first year. Iba-iba ang background music. Kanina ay loud at upbeat. May mga nagsayawan. Masaya silang tingnan. Ngayon naman ay medyo slow at sweet ang tugtog. Madami ang lumapit na nag-invite ke Yzabel.

"Mukhang foreigner si Yza noh? Ang ganda nya. Pero alam mo mas bet ko ang ganda mo." Out of nowhere na comment ni Grace.

Natawa na lang ako at uminom ng orange juice. Nagugutom na ako. Nagpaalam ako ke Grace na kukuha lang ng pagkain sa buffet table. Tinanong ko na din kung may gusto sya.

Pabalik na ako nang may sumabay sa paglalakad ko.

"Hi. My name is Lucas. 2nd yr. From engineering department. You are?"

"Shara. Psychology student." Maikling sagot ko.

"If it is ok with you, can I walk you to your sit and chitchat?" Pagpapaalam nya.

"Hey Lucas. Here you are. Anne is looking for you. Go get your girlfriend." biglang sulpot ni Gio.

"Bastard." Naiiling na bulong ni Lucas. Lumingon muna sya sakin bago tuluyan umalis. "Nice to meet you Shara." Ngiti ni Lucas sakin sabay kindat pa.

Diretso na ako sa paglalakad. Kasabay ko si Gio. Siguro ay pupuntahan nya si Yzabel.

Tumikhim sya. "Sorry again."

Napakunot ang noo ko. Why is he apologizing? Napansin siguro nya na nagtataka ako.

"Our first meeting. I played with your hair. And this is yours." Abot nya saken ng ponytail ko na nakalimutan kong bawiin saknya nuon.

"Okay." Sabi ko.

Tahimik lang ulit kame. Malapit na ako sa table ko nung napansin ko na nakatingin samen si Yzabel. Wala naman ako ginagawa pero bakit parang I sensed something.

"Be careful with Lucas also." Sabi pa ni Gio tapos ay lumapit na sknya si Yzabel. Sinundan ko sila ng tingin. Parang niyayakag ni Yzabel si Gio na sumayaw pero nakaupo lang si Gio. Yzabel is acting like a child right now.

Di ko na sila pinansin at kumain na lang kame ni Grace.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mahal Kita! Okay Na?Where stories live. Discover now