Nagkita kame ni Jopay sa campus canteen. Totoo nga na wala pang klase. We were informed that professors were all busy. General rule is we can wait for 15 minutes for every class. If the professor didn't come then we are free to go.
"Frenny kamusta dun sa block mo?" tanong ni Jopay.
"Ok naman. Mukhang close na yung iba or dati na siguro sila magkakakilala." sagot ko. "Ah, diba nakwento ko sayo yung may humila ng ponytail ko?" Tumango naman si Jopay. "Akala ko dati ng estudyante dito yung babae but it turns out freshman din sya. And guess what?" sabi ko.
"What?" mabilis na tanong ni Jopay. Sabik din talaga lage sa tsismis to ei.
"We're classmates and seatmates. Tumabi sya saken kanina sa first subject namin." kwento ko pa.
"Really? Kamusta naman sya bilang seatmate? Maarte ba? Madaldal ba? Friendly ba?" daming tanong ni Jopay.
"Very curious pet? Haha actually...she's more on confident. Yung tipong alam nya gusto nya. Mapapatitig ka sakanya pag nagsasalita. She has the power to get your attention. Ganun sya para saken" totoong sagot ko. " Pero may mas shocking" dugtong ko pa.
"Oh??? Talaga?? Ano? Ano? Game." mala-tsismosang pagtatanong ni Jopay.
Wala. Malala na talaga to. Reyna talaga to ng pagiging O.A.
"Remember the guy who was talking with Katrina at our tambayan during our grad day? may pagrecall na sabi ko.
"Oo naman noh! Yung gwapo? Basta ganung tipo, nagtatagal talaga sa memory ko. Hehe." ani Jopay.
"Yung totoo. Gusto mo ba talaga si Adam?" tukso ko.
"Eto naman selos agad. Crush mo siguro noh?" Balik panunukso ni Jopay saken. "And about Adam, gusto ko talaga sya. Aware ka naman nakipagbreak ako ke Anthony nung na-meet ko si Adam. Si Adam lang para saken sis-in-law." Ngiting ngiti si Jopay na tila ba may iniimagine sya.
"Anyways. Tinawag nya akong SS". ani ko.
"SS?" Nakataas kilay na balik ni Jopay.
Kinuwento ko nga sakanya ang nangyare kanina sa Gen. Psych class namin.
"Hmm.. mukhang magkakalovelife kana Sha." Panloloko saken ni Jopz
"Ewan ko sayo. Lawak ng imagination mo. SS lang lovelife agad?" Kontra ko sa sinabi nya.
Maya-maya pa ay naghiwalay na ulit kame ni Jopay para pumunta sa kanya-kanyang classroom. Sunod kong klase ay Grammar & Composition. Pagdating ko sa classroom ay naupo ako sa may bandang gilid naman. Nakita ko si Yzabel na kasama na ang ibang grupo at masayang nakikipagkwentuhan. Hanga talaga ako sa confidence nya. Parang ang bilis nya maka-cope up. Naupo na lang ako at napansin ko na nagulo ang sintas ng sapatos ko. Yumuko ako at inayos yun. Narinig ko na ang pag-ingit ng upuan sa tabi ko.
"Hi Shara." Pamilyar ang boses. Paglingon ko ay si Rayden nga ang nakita ko.
"You're also in this class?" medyo takang tanong ko.
"Yeah. This schedule works best for me so I took this class. Nice to see you again here." sabi ni Rayden.
Ngumiti na lang ako. 15 minutes na pero wala ulit si Prof. Nagsimula ng mag-alisan ang mga kaklase ko. Tatayo na din sana ako ng lumapit si Yzabel.
"Rayden.. I didn't notice you a while ago. You're in here so I guess we're going to be classmates? Masiglang bati ni Yzabel.
"Hi Yza. You're right. Though I will be taking only this subject with your block". sagot ni Rayden.
"How's Katrina? She told me that she's feeling sick today. Are you gonna visit her after this?" ani Yzabel.
Nasa gitna nila akong dalawa at gusto ko na sana umalis pero di ko alam bakit hindi ako makapagsalita. Nakakahawa ata ang pagiging tsismosa ni Jopay. Na-curious na ako sa topic nila.
Sumagot si Rayden. "Yeah. She's getting better. I think she might be attending her class starting tom."
"That's good to hear. Maybe we can all go together? You, Gio and me." Suggest ni Yzabel.
"Okay. I'll wait for you and Gio at the parking lot." ani Rayden.
Dun lang nila napansin na andun ako sa gitna nilang dalawa.
"Oh sorry Shara." si Yzabel yun.
"Ok lang. Excuse me." Paalam ko at nagsimula ng lumabas patungo sa hallway.
Nakareceive ako ng text mula ke Adam. Wala na daw sya klase and antayin nya ako malapit sa exit gate. Naglakad na ako papunta dun at tinext ko na din si Jopay. Baka kase gustong sumilay sa nerd kong kapatid.
YOU ARE READING
Mahal Kita! Okay Na?
Roman d'amour'Di tulad ng mga highschool friends nya, hindi pa nakaranas na magkaroon ng boyfriend si Shara. Madalas nya naiimagine ang kanyang magiging love story pagdating ng araw. At sa pagpasok nya ng kolehiyo ay dalawang lalaki ang pupukaw sa kanyang damdam...