Gio pala ang pangalan nya. Nakita kong lumingon sya sa babae na tumawag sa kanya. Napansin ko din na halos pareho kame ng casual wear. Nakasuot ako ng lace loose white v-neck top at maong pants na tinernuhan ko ng pure white sneakers. Samantalang ang babae na nasa harapan ko na ngayon ay nakasuot ng cotton loose v-neck white tshirt at maong pants plus dirty white sneakers na may nakasulat na Adidas. Naka-ponytail din yung babae habang nakahawak ito sa kanyang red sling bag.
"What are you doing here Gio? This is..you know.. CR for ladies?" nagtatakang tanong nung babae.
"Ahm.. I thought.. I thought.. I mistook her of you. I thought she was you. So..you know..just doing what I used to do whenever I see you." sagot nung Gio habang tinataas nya ang ponytail ko.
Right. Ponytail ko ang hawak nya. At naalala ko na naman na nakalugay ang buhok kong lampas balikat dahil sa lalaking to.
Nagsimula ng tumaas ang isa kong kilay pero biglang nagsalita ulit yung babae.
"Crazy. Tsk tsk. Look on what you did to her." comment nung babae at humarap ng tuluyan sa akin. "Sorry for what my boyfriend did, Miss..?"
"Shara. My name is Shara. Apology accepted..but please be mindful next time." sagot ko naman.
"I'm really sorry Miss. Gonna make sure it won't happen again." siit nung Gio.
Tumango na lang ako at tumalikod na sa kanilang dalawa. Pumasok na ako ng diretso sa isang cubicle dun upang makabalik na din agad ako ke Jopay. Pagtapos kong maghinaw ng mabuti at mag-spray ng alcohol ay pinagkaabalahan ko ulit na itali ng mataas ang buhok ko.
Pagbalik ko sa Office of the Registrar ay saktong kasalubong ko si Jopay. Tapos na din sya mag-enroll. We decided to go get some food outside before we go back our respective homes.
I texted Adam that I finished earlier than expected so I'll just take a cab. Ayaw ko naman na istorbohin pa sya at pahatid pa ako. Kahit naman sit in lang yung pinuntahan nya ay alam kong importante yun.
Sobrang lagkit ng aking pakiramdam kaya naman pagdating ko sa bahay ay agad akong nag-take ng shower. Pagkatapos ay chineck ko ang class schedule ko. Meron akong 9 subjects for the first semester. Inayos ko na ang mga gamit ko pang-eskwela. Isang black cover minimalist notebook, tatlong kulay ng Faber Castell super fine retractable point ballpen, isang ballpen eraser, at tig-isa ng orange at yellow green stabilo boss highlighter. May dalawang araw pa naman bago ang mismong araw ng pasukan. Gusto ko lang na nakaayos na ang mga gamit ko.
Mabilis lang na dumaan ang mga araw. First day of college. Halos parehas naman ang class schedule namin ni Adam kaya given na lage akong sabay sakanya since dalawa lang naman ang sasakyan. Isa kina tatay at nanay dahil kelangan nila yun sa shifting work schedule na meron sila. At yung sasakyan nga ni Adam na regalo ng parents namin nung 20th birthday nya. Wala kameng pang-cash ng brand new model na Toyota Land Cruiser. Installment yun pero patapos na.
"Ready on your first day?" baling saken ni Adam. "I don't know but usually the first week has no classes."
Lumingon ako sakanya. "Really? Maybe that's the case in UE."
"Well.. at most, your instructors will just ask you to introduce yourselves and then give you freshmen some time to, you know, mingle with each other. Universities usually extends their enrollment period for about a week and only after that they will proceed with regular classes." sabi ni Adam habang seryosong nakatingin sa daan pagda-drive.
"I wonder, how do you know that's how in SAU too? As far as I know, you never once enrolled there." mapagtakang tanong ko
"Silly. I know someone there. He just started teaching about a year ago." depensa nya.
Huminto kame sa paradahan ng sasakyan. Mabilis akong bumaba sapagkat busy na ang kalsada. Madaming estudyante na dumadaan.
Nagmadali na din akong pumasok sapagkat magkakaroon ng orientation para sa aming mga freshmen at after nun ay didiretso na ako sa College of Arts and Sciences or tinatawag din na CAS building.
YOU ARE READING
Mahal Kita! Okay Na?
Romansa'Di tulad ng mga highschool friends nya, hindi pa nakaranas na magkaroon ng boyfriend si Shara. Madalas nya naiimagine ang kanyang magiging love story pagdating ng araw. At sa pagpasok nya ng kolehiyo ay dalawang lalaki ang pupukaw sa kanyang damdam...