Chapter 2: Kumpas

7 1 0
                                    

Alas 10 na ng umaga bago nakapagumpisa ng practice. Magulo at maingay. Excited at masaya ang lahat dahil sa wakas ay malapit ng magsimula ang bakasyon.

Pagkatapos ng unang bahagi ay naisipan muna naming bumili ng palamig sa may canteen. Pabalik na kame ng marinig namin na tinatawag sa mikropono ng isang guro ang pangalan ko.

"Shara Santos, Shara Santos, please come up on stage" dinig ko.

Napatingin saken si Rica sabay sabi " Hala naka-paging ang pangalan mo Sha, baka ikaw ang magpa-Panatang Makabayan"

Lalo akong kinabahan sapagkat may stage freight ako. Namemental block ako kapag nasa harapan na ako ng madaming tao. Hindi ko alam ang gagawin ko. Magkukunwari ba akong masakit ang tyan, o magtatago ba ako, o uuwe ba ako. Iba-ibang dahilan ang pumasok sa isip ko. Pero bago pa man ako makaiwas ay nakita na ako ng aming class adviser at sinabi na pumunta na ako sa quadrangle at umakyat na sa stage. Sobra ang kaba ko noon. Pagdating ko dun ay sinabihan ako na umakyat sa stage at sabayan ng kumpas ang pambansang awit.
Napadasal ako sa loob-loob ko dahil first time to.

"Lord bakit po ako pa? Huhu gabayan Nyo po ako, nandito po ang crush ko. Ayaw ko pong mapahiya. Ilang araw na lang Lord, bigay mo na saken 'to" mahinang usal ko habang kagat ang ibabang labi ko.

At sinimulan ngang patugtugin ang Lupang Hinirang. Gusto kong lumubog sa aking kinatatayuan dahil hindi ko talaga alam panu sabayan ng kumpas ang tugtog. Iginagalang ko po ang ating pambansang awit, pero ewan ko ba. Kapag iba ang kumukumpas ay parang ang dali lang naman subalit nung ako na ay sala sa beat.
Sobrang hiyang hiya ako pagtapos nun. Nasa hagdan pa lang ako ng entablado ay kitang kita ko na ang tawanan ng mga kaibigan at kaklase ko. Ginaya pa nga nila. Huhu sarap nilang pektusan isa-isa, promise! Ang iba naman ay tinuturuan ako kung paano ang tamang gawin.

Laking pasalamat ko nang sinabi na ang First honorable mention talaga ang dapat na gumawa nuon. Sobrang tawang-tawa pa din ang mga kaibigan ko at hindi maka-get over sa nangyare hanggang sa magtanghalian.

"Baklaaaa.. ano bang ginawa mo dun sa stage kanina? Hahahaha If I were you, you do like this and like that" maarteng wika ni Jey habang mapilantik na kumukumpas sa hangin.

"Ay ewan ko sa'yo. Di nga kase ako marunong." Sagot ko.

Hindi ko napansin na nasa may pinto pala si Mam Ayda - ang aming class advisor.

"Shara para kang naghahalukay ng ube duon kanina ei" luko sa akin ni Mam.

"Eeee Mam, hiyang hiya na nga po ako tas nakita ko pang tumawa ang crush ko" paglapit ko pa sa teacher ko.

"Crush mo pa din ba yung si Rayden? Ay naku, gf nun si Katrina ng kabilang section ah"

"Konting crush na lang Mam, lapit nang mawala. Hehe."

"Sus lapit na daw mawala kaya pala ikaw ay bulong ng bulong pag nakikita mong magkasama ang dalawa. Saka ano bang nakita mo sa Rayden na iyon. Matangkad laang naman ei" singit ni Jopay

"Ah talaga? Ay anong nakita mo din ke Antony? Yown ka-size kayo ng braso" ganti ko.

"Sya tigil na kayo at kumain na. Maya-maya ay practice na ulit" saway sa amin ni Mam.

Mahal Kita! Okay Na?Where stories live. Discover now