Chapter 30

376 4 0
                                    

Anne's POV

Kinabukasan hindi ako ginawan ng breakfast ni Vhong. Bakit kaya? Umalis kaya na naman yun. Kaya agad akong naligo at nagbihis at bumaba na para mag breakfast gutom na rin kasi ako eh.

Pagka baba ko naririnig ko na sila Vice at K na naghahain. Nang makarating ako ng dinning room andon na rin pala sila Billy, Jhong at Coleen na nakaupo at kumakain kasabay nila Vice at K.

"Hi ate, good morning come let's have some breakfast?" Bati ni Coleen sabay aya sa akin na kumain
"Nako Coleen, wag muna ayain yang si Anne baka kumain na yan at baka nadalhan na yan ni Papa Vhong ng breakfast." Saad naman ni Vice
"Actually!! Hindi pa ako nag breakfast. Hindi kasi ako nadalhan ni Vhong eh. Umalis ata sya?" Saad ko sa kanila.

Mukha namang nagulat silang lahat sa sinabi ko at lahat sila binigyan ako ng "bakit" look.

"Bakit naman ganyan kayo makatingin sa akin ha?" Tanong ko sa kanila
"Actually Anne, hindi umalis si Kuys Vhong. Andon lang sya sa kwarto nya." Sagot naman ni Billy
"Ah andon lang pala sa kwarto nya eh. Baka naman pagod lang yun at may jetlag pa rin hanggang ngaun. Yaan muna natin syang magpahinga. Ok lang naman sa akin na wala akong breakfast ngaun." Sabi ko sa kanila with a smile
"Oo nga naman, marami pa namang araw na pwd kang gawan ng breakfast ni Vhong eh. Oh sha umupo kana dyan at kukuha lang ako ng extra plate para sayo." Saad ni K at akmang tatayo na pero pinigilan ko sya.
"Ako na lang K. Ituloy mo na yang pag kain mo." Saad ko kay K at tumayo na ko para kumuha ng plate.

Tama si K, ngaun lang naman to baka pagod lang talaga yun si Vhong at baka may jetlag pa sya. Hahayaan ko muna sya magpahinga. And besides maraming beses pa ko pwd gawan ng breakfast ni Vhong noh.

After namin mag breakfast napagdisesyunan namin na tumambay sa garden. Wala lang namiss namin to eh. Habang andito kami biglang dumating si Vhong na walang emotion ang mukha.

"Oh kuys Vhong, gising kana pala?" Tanong sa kanya ni Jhong
"Oo!" Matipid nyang sagot

Buong maghapon lang kami dito, naglaro ng kung ano ano, nag kwentuhan, nagtawanan. Pero sa buong maghapon na yun ni hindi man lang lumapit o tumabi man lang sa akin si Vhong o kahit isa sa amin malayo sya. Lagi syang nasa malayo at malayo din ang tingin. Kung kinakausap namin sya, isang tanong isang sagot lang din ang nakukuha namin sa kanya. Hindi sya nakikipag biruan sa amin, ni hindi nga sya lumalapit o tumatawa man lang. Kaya lahat kami takang taka at naninibago sa mga ikinikilos ni Vhong.

Kinagabihan, kasabay namin kumain si Vhong. But still gaya nga ng nauna kong sabi wala sya sa mood ngaung araw. Kaya lahat kami tahimik lang kumain.

Habang kumakain kami, bigla na syang tumayo.

"Oh kuys, tapos kana?" Tanong sa kanya ni Jhong
"Oo, aakyat na ko. Billy Jhong, secure the area bago kau umakyat." Sabi nya , tumango na lang yung dalawa. atsaka sya umalis

"Ano kaya nangyayari don kay kuys Vhong? Ang tahimik nya buong maghapon." Tanong ni Billy
"Oo nga, atsaka napansin nyo ba na parang lumalayo sya sa atin buong maghapon?" Dagdag pa ni Jhong
"Oo napansin ko din yan at isa pa laging tahimik at malayo ang tingin ni Vhong. Ano kaya iniisip nun?" Saad naman ni K
"Nakakapanibago naman ang ikinikilos nitong si Papa Vhong." Saad ni Vice
"Ano ba kau ang nega nyo! Baka nga may jetlag pa yun. Kaya ganon sya ngaun. Huwag nga kau magalala dyan. Hayaan muna natin sya magpahinga ngaun." Sabi ko sa kanila
"Oo nga naman, tama si Ate. Baka nga naman pagod lang si Kuya Vhong at hindi pa rin nawawala ang jetlag non. Kaya pwd ba wag nga kayo magisip ng kung ano ano dyan." Dagdag pa ni Coleen

After namin kumain, umakyat na ko sa kwarto ko. Ano kaya ang nangyayari kay Vhong? Gusto kong paniwalain ang sarili ko na pagod lang talaga sya at may jetlag pa rin hanggang ngaun. Yun na lang ang pinanghahawakan ko ngaun para hindi ako masaktan.

Thanks for reading...

Dont Forget to...
FOLLOW
VOTE
COMMENT

Follow me on...
twitter.com/Angelahermosa18
Instagram/Angelhermosa18

Fall Inlove With A Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon