Chapter 32

402 9 1
                                    

Vhong's POV

"Wala kang kwenta Vhong!"
"Wala na akong kilalang Vhong Ford."
"Wala kang kwenta Vhong!"
"Wala na akong kilalang Vhong Ford."

Paulit ulit tumatakbo yan sa isip ko, simula ng sinabi ko kay Anne na hindi ko na sya mahal. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun sa kanya, dala na siguro yun ng galit ko sa tatay nya.

Andito ko sa kwarto ko ngayon. Nagiisip at nagsisisi kung bakit ko nagawa yun kay Anne. Kinain ko lahat ng sinabi ko sa kanya. Lahat ng sinabi kong hindi ko sya paiiyakin at sasaktan.

Habang malalim ang pagiisip ko. Kumatok sina Billy at Jhong

Tok! Tok!

"Kuys Vhong, papasok na kami ha."

Nang makapasok sina Billy at Jhong agad silang umupo sa tapat ko.

"Kuys Vhong, ano ba talaga ang problema mo? Sabihin mo sa amin. Baka matulungan ka namin." Saad ni Jhong
"Kuys, alam ko na kung sino ang pumatay kina mama at papa." Sb ko sa kanila at mukhang nagulat sila pareho
"Si-sino? At paano mo nalaman?" Gulat na saad ni Billy
"Daddy ni Anne. Si Dave Tan ang pumatay sa mga magulang natin." Saad ko sa kanila, na syang lalong nag pagulat sa kanila dalawa.
"Paano mo naman nalaman yan ha?" Tanong ni Jhong
"Atsaka wala ka ebidensya kuys, mahirap mang bintang ng kapwa." Dagdag pa ni Billy
"Kilala nyo ko, hindi ako basta basta nagbibintang hanggat wala akong hawak na ebidensya na magpapatunay ng mga hinala ko." Matigas kong sb sa kanila

Tumayo ako at kinuha ko ang CD na nasa drawer sa gilid ng kama at iniabot ko sa kanila.

"Oh ano gagawin namin dito?" Tanong ni Jhong
"CCTV Footage yan nung gabing pinatay sina mama at papa. Panuorin nyo." Saad ko

Agad nilang plinay yung CD at pinanuod. Gulat na gulat ang dalawa sa napanuod nila.

"To-totoo nga!!" Sabi ni Billy na may lungkot sa mukha

Bakas sa mga mukha nila ang lungkot, pero wala akong nakikitang galit sa kanila. Tinitingnan ko lang sila pareho, at mukhang napansin nila ang pagtitig ko sa kanila ng seryoso.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ni Jhong
"Oo nga! Parang kakainin mo kami ng buhay." Dagdag ni Billy
"Bakit ganyan ang reaksyon nyo?" Saad ko
"Bakit ano ba dapat ang reaksyon namin?" Takang tanong ni Billy
"Bakit wala akong nakikitang galit sa inyo?"

Nagtinginan yung dalawa na para bang may gusto sabihin.

"Alam mo kasi kuys Vhong, masaya kami kasi finally natuklasan na natin kung sino yung pumatay sa mga magulang natin at syempre malungkot kc tatay nila Anne pa. Pero kuys kc matagal na namin sila napatawad. Di ba kuys Jhong" saad ni Billy
"Oo kuys, naisip namin na baka naman may dahilan kung bakit nila nagawa yun." Dagdag pa ni Jhong

Nagulat ako sa sinabi nung dalawa. Bakit ang bilis nila magpatawad? 10 years! 10 years namin hinanap ang mga suspek tas ganito lang ang mangyayari! Napatawad na nila.

"Ba-bakit ang bilis nyong mag patawad? 10 years! 10 years natin inalam at hinanap kung sino ang mga suspek! Tas ngayon na alam na natin napatawad nyo na sila." Galit kong saad sa kanila
"Kuys lahat ng tao nagkakamali. At sigurado kami na may dahilan sila kung bakit nila nagawa yun." Saad ni Billy
"At anong dahilan naman yun."
"Yan ang hindi natin alam kuys." Saad ni Jhong
"Hah!!! Wala pala kayong kwentang mga anak eh." Sarcastic kong sabi sa kanila
"A-anong sinabi mo?" Galit at matigas na sabi ni Jhong at kinuwelyuhan ako, pinipigilan naman siya ni Billy
"Ang sabi ko wala kayong kwentang mga anak! Andito na alam na natin kung sino pumatay! Tas malalaman ko napatawad nyo na sila. Ni wala akong nakitang galit sa mga mukha nyo."
"Pero kuys Vhong, tao din sila nagkakamali. Dapat matuto kang magpatawad." Saad ni Billy
"Tawad?! Sa palengke lang binibigay yun." Sarcastic kong sabi sa kanila
"Pumasok tayong mga Secret Agent dahil sa iisang hangarin natin. Yun ay ang malaman kung sino pumatay sa mga magulang natin. Tas ngayon sasabihin nyo sa akin na napatawad nyo na? Anong klase kayong mga anak?!" Galit kong saad.
"Oo pumasok tayong mga Secret Agent dahil nga sa dahilan na yan. At inaamin naman namin na nagalit din kami sa kanila. Pero napagisipan namin ni Billy na baka may mas malalim na dahilan kung bakit nila nagawa yun." Galit na saad ni Jhong
"Atsaka kuys Vhong, sa tingin mo ba matutuwa sina mama at papa sa pinaggagawa at pinagsasabi mo?" Dagdag ni Billy
"Wala na nga sina mama at papa dahil sa mga walang hiyang yan." Sigaw ko sa kanila
"At isa pa, wag mo idamay sina Anne at Coleen sa galit mo sa tatay nila. Wala silang kinalaman sa ginawa ng tatay nila." Saad ni Jhong
"Wala akong pakialam! Basta masamang tao ang tatay nila. Sya ang pumatay kina mama at papa. At kayong dalawa! (Turo kina Jhong at Billy) Wala kayong kwentang mga anak!!" Sigaw ko sa kanila.

Fall Inlove With A Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon