Chapter 33

420 8 1
                                    

Vhong's POV

Ilang araw na din kaming hindi nagkikita kita at naguusap usap nila Billy, Jhong at Anne. Tuwing baba kasi ako nasa garden sila, nagbobonding. Ang naaabutan ko lang minsan sina Vice, K at Coleen o minsan si Vice lang, sila na lang ang kumakausap sa akin.

Napagisip isip ko na tama nga ang sinabi nina Jhong at Billy, hindi ko dapat hinahayaang lamunin ako ng galit ko at hindi ko dapat idamay sila Anne dito dahil wala naman silang kasalanan.

Ngayon hihingi ako ng sorry kay Anne at kina Billy at Jhong dahil sa mga nasabi ko. Naghanda na ko para bumaba sa dinning room.

Habang pababa ako ng hagdan dinig ko na yung mga tawa at pagkukulitan nila. Nang andito na ko sa labas ng dinning room, huminga muna ko ng malalim bago pumasok sa loob.

Nang makapasok ako sa loob, unang bumati sa akin si Coleen.

"Oh andito na pala si Kuya Vhong. Hi kuya Vhong, come join us." Bati ni Coleen na naka smile

Nginitian ko sya pabalik, tiningnan ko ang reaksyon nina Billy, Jhong at Anne. Parang wala silang narinig. Parang hindi nila ako ramdam. Ganun pa rin silang tatlo nagtatawanan at naguusap.

"Ah hindi na Leen, busog pa ko. Kukuha lang ako ng tubig sa ref." Sagot ko kay Coleen at nag smile.
"Ok kaw bahala." Saad nya, at bumalik na sa pagkain

Ang sakit sa loob ko na makita silang ganun at ganun din yung pakikitungo nila sa akin.

Palakad na ko paputang ref nang makasalubong ko sina Vice at K

"Uy Papa Vhong kain na." Aya ni Vice
"Oo nga Vhong, halika na sumabay ka na sa amin." Dagdag pa ni K
"Hindi sige lang. Busog pa ko. Kukuha lang ako ng tubig." Saad ko sa kanila at ngumiti
"Ok, pag nagutom ka sabihin mo lang ha." saad ni Vice
"Sige."

At dumiretso na ko papuntang ref para kumuha ng tubig. Habang Kumukuha ako ng tubig, Tanaw ko pa rin sila at naririnig ko pa rin ang paguusap at tawan nila.

Naririnig ko ang boses ni Vice na may tinatanong sa kanila.

"Uy guys, andyan si Papa Vhong ah bakit hindi nyo niyayang kumain?" Tanong sa kanila ni Vice
"Oo nga. Ako niyaya ko na ayaw busog pa daw sya. Pero knowing kuya Vhong parang gusto na nga sumabay sa atin eh. Hindi nyo lang pinansin." Dagdag ni Coleen
"Oh bakit hindi nyo man lang pinansin yung tao? Kawawa naman." Dadag pa ni K
"Sinong Vhong? Wala akong kilalang Vhong. Kayo ba Jhong at Billy may kilala ba kayong Vhong ang pangalan?" Saad ni Anne

Parang may kumurot sa puso ko nung narinig ko yun. Nakalimutan na ba talaga ako ni Anne, ganun ba kasakit ang nagawa ko sa kanya para kalimutan nya ko.

Patuloy lang ako nakinig sa usapan nila.

"Vhong? Wala rin kaming kilalang Vhong. Sino ba yun ha Vice?" Tanong ni Jhong kay Vice

Nagtinginan naman sina Vice, K at Coleen, na para bang hnd nila maintindihan at takang taka sa mga kinikilos nung tatlo.

"Si Vhong Ford, yung kapatid nyo ni Billy." Takang sagot ni K
"Huh? Wala naman kaming kapatid na Vhong Ford ang pangalan. Ang alam ko dalawa lang km ni Kuys Jhong na magkapatid." Saad ni Billy
"Oo nga, may nakikita ba kayong hindi namin nakikita? Nako wag nyo sabihin may multo dito sa mansyon ha." Dagdag pa ni Jhong
"Ano to! May amnisia kayo at hindi nyo kilala si Vhong? Nakakaloka kayo." Saad ni Vice
"Eh sino ba kasi yang Vhong Ford na yan ha?" Inis na tanong ni Anne
"Ate sya yung isang bodyguard mo. At kapatid nyo Billy at Jhong. Ano ba nangyayari sa inyong tatlo? Bakit hindi nyo kilala si Kuya Vhong?" Malungkot at takang saad ni Coleen
"Alam mo Leen, dalawa lang ang bodyguard natin. Sina Billy at Jhong lang yun. Wala ng iba. Kaya pwd ba, wag nyo na kami kulitin tungkol sa Vhong Ford na yan. Dahil wala kaming kilalang nagngangalang Vhong Ford understand." Saad ni Anne ng walang emosyon ang mukha
"Oo nga wag nyo na kami kulitin tungkol sa Vhong Ford na yan." Seryosong saad ni Jhong

Fall Inlove With A Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon