Chapter 44

344 7 2
                                    

Vice's POV

Naiwan kami dito sa kotseng tatlo. Tumawag na ng pulis si Coleen, at papunta na daw sila dito.

"Maghihintay na lang ba tayo dito?" Tanong ko sa kanila
"Oo eh ano ba magagawa natin?" Saad ni K
"Kailangan nating tumulong." Saad ko
"Vice nahihibang kana ba? Hindi tayo trainned sa mga ganitong bagay. Sumunod na lang tayo kina Jhong at Billy. Baka lalong magkagulo pag pumasok tayo sa loob." Saad ni K
"Tama si ate K. Tumawag na ko ng pulis, papunta na daw sila." Saad ni Coleen.

Naghintay na lang kami dito sa loob ng kotse. Hinitay naming makarating ang mga pulis.

Ilang sandali pa ay dumating na din ang mga pulis.

"Sir , sir, tulungan nyo ho kami. Nasa loob po ang mga kaibigan namin. " saad ko sa mga pulis.
"Cge ho. Kami na ho ang bahala. Maghintay na lang po kayo dito. " saad naman ng Pulis na nakausap namin.

Pinagplanuhan maigi ng mga pulis ang gagawin nilang pagligtas sa mga kaibigan namin. Naghihintay lang kami ng timming para iligtas sina Vhong.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang mga pulis sa loob.

Naghintay lang kami dito sa labas, at bigla na lang kami nakarinig ng mga putok ng baril.

"Putok ng baril yun. Tara na pumasok na tayo sa loob." Aya ko sa kanila, pumayag naman silang dalawa

Nang makapasok kami sa loob, nakita namin sina Jhong at Billy na nagmamadali at paalis na sana ng tawagin ko sila.

"Jhong, Billy san kayo pupunta?" Sigaw ko
"Asan si Ate?" Tanong ni Coleen
"Pilit syang isinama ni Gel na tumakas, at sinundan naman sila ni Vhong." Saad ni Billy
"Susundan namin sina Vhong." Dagdag pa ni Jhong
"Sasama kami." Saad ni K
"Huwag na. Maiwan na kayo dito. Itetext na lang namin kayo kung ano na ang nangyari." Saad ni Jhong
"Sige. Ito ang susi oh. Gamitin nyo na yung kotse." Saad ko sa kanila

Umalis na sina Billy at Jhong. Naghintay naman kami ng text na manggagaling sa kanila.

Makalipas ang ilang oras, naka receive ako ng text mula kay Jhong na nagsasabing pumunta kami sa ospital.

Agad kaming nagpunta sa ospital na sinabi ni Jhong, at nakita namin silang tatlo na nasa labas ng OR.

"Ate!" Pagtawag ni Coleen
"Asan si Vhong?" Tanong ko sa kanila
"Nasa loob pa, tinamaan sya ng bala." Saad ni Jhong
"Ate ayos ka lang ba?" Tanong ni Coleen
"Ayos lang ako. Kasalanan ko kung bakit nalagay na naman ang buhay ni Vhong sa peligro. Kung sana nagpaalam ako bago umalis eh di sana hindi mangyayari ito at hindi mapapahamak si Vhong. Lagi na lang nya ko nililigtas." Saad ni Anne habang umiiyak
"Wag mo sisihin ang sarili mo Anne. Ganon ka lang talaga kamahal ni Vhong, kaya ka niya nililigtas." Saad ni K
"Oo nga Anne, wag kna umiyak. Hindi ba sabi ni kuys Vhong, ayaw nya na nakikita kang umiiyak? Atsaka matapang yun si Vhong. Diba nga nakailang tama na ng bala si Kuys Vhong pero nalalagpasan naman nya lahat ng yun. Kaya wag kana umiyak." Dagdag pa ni Billy
"Tama si K at Billy , Anne lumaban ka para kay Vhong." Pagpapatahan namin kay Anne

Ilang saglit lang ay lumabas na ng OR ang doctor ni Vhong. At agad kaming kinausap.

"Kayo ba ang kasama ng pasyente?" Tanong nung doktor
"Yes po doc, kumusta na po si Vhong." Tanong ni Anne
"No need to worry, The patient is okay. Mag pasalamat na lang tayo at malakas ang katawan ng pasyente at lumalaban sya, dahil hindi biro ang mga nangyari sa kanya. Ililipat na lang namin sya sa ordinary room para makapagpahinga. At hintayin na lang natin ang magising sya. Excuse me." Saad ng doctor
"Thank you ho doc." Pagpapasalamat namin sa doctor

Umalis na yung doctor at hinintay na lang namin na mailipat si Vhong sa kwarto nya.

Salamat sa dyos at okay na si Vhong. Hihintayin na lang namin na magising siya.

Thanks for reading...

Dont Forget to...
FOLLOW
VOTE
COMMENT

Follow me on...
twitter.com/Angelahermosa18
Instagram/Angelhermosa18

Fall Inlove With A Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon