Anne's POV
AFTER 1 YEAR....
Nakalipas na ang isang taon simula ng umalis ako ng pilipinas. Ok na naman ako, nakapag isip din ako ng maayos.
Hindi nawala ang contact ko sa barkada. Alam nyo bang si Vice ayun sila na ni K at lalaking lalaki na. Si Coleen at Billy na rin, at katulong ko sila na namamahala sa company na iniwan ni daddy. Si Jhong sya na ang nagpapatakbo ng AV Agency at legal na din ito. Pero si Vhong, sa tuwing tinatanong ko sya sa kanila lagi nilang iniiwas ang usapan.
Marami ng nagbago, Pero may isang bagay ang hindi pa rin nawawala at iyon ay ang pagmamahal ko kay Vhong.
Pinilit kong maging masaya at kalimutan na si Vhong pero hindi ko magawa.
Ngayon nasa eroplano na ko pabalik ng pilipinas. Kamusta na kaya si Vhong? Masaya na kaya sya ngayon? May pamilya na kaya siya?
Malapit ng lumapag ang eroplanong sinasakyan ko.
Ilang minuto pa ay lumapag na kami.
Actually sinabi kona to kina Coleen 1 week ago, at sinabi ko na didiretso na ko umuwi sa bahay. Pero ang sabi nya ay susunduin daw nila ako sa airport..
Andito ako sa arrival area hinahanap sila. Magtetext na sana ako ng may sumigaw na familiar na boses.
"Ateeeeeee?!" Sigaw ng familiar na boses, kaya napalingon ako.
Paglingon ko, nakita ko ang barkada. Except Vhong. Galit pa kaya sya sa akin dahil sa nagawa kong pagiwan sa kanya
"Hi bebe girl, how are you na?" Tanong ko kay Coleen at niyakap ko sya
"Ate i miss you so much." Saad niya pa
"Hi Anne, musta biyahe?" Tanong ni Billy at niyakap ako
"Ok lang naman, may jetlag pa. Oh kamusta na kayo ni Coleen?" Tanong ko sa kanya
"Ok naman, getting strong." Saad ni Billy
"Talaga? Mabuti, basta yung sinasabi ko sayo lagi ha. Wag mong paiiyakin ang baby girl ko kung hindi alam mo na mangyayari sayo." Pagbabanta ko sa kanya
"Oo Anne, hindi mangyayari yon. Ako pa ba?" Saad niya naman
"Hi Anne, musta na long time no see ah." Saad ni Jhong at niyakap ako.
"Oo nga eh. Ito ok naman ako."
"Hi Anne, we miss you." Saad ni Vice at niyakap ako
"Hi gurl, iba na pormahan mo ngayon ah." Saad ko sa kanya
"Correction Anne, hindi na ko girl. Bumalik na ko sa dating daan. Hindi na Vice Ganda kung hindi Vice Pogi na." Saad ni Vice
"Talaga, im happy for you. Alagaan mo yan si K ha. Pag yan pinaiyak mo, kami mismo ang makakalaban mo." Pagbabala ko sa kanya
"Hi Anne. Ganda mo pa rin ha." Saad naman ni K at niyakap ako
"Kaw talaga K. Kumusta na kayo nitong si Vice mabait ba to sayo?"
"Oo mabait naman yang si Pogi, subukan nya lang magloko ako mismo ang papatay dyan." Saad ni K
"Kaw talaga kurba. Syempre hindi ko gagawin yun. Ako pa loyal ako sayo noh." Saad naman ni VicePero may hinahanap ang mga mata ko na hindi ko makita. Kaya tinanong ko sila kung nasan sya.
"Grabe guys namiss ko kayo ng sobra." Saad ko sa kanila
"By the way, asan pala si Vhong?" Tanong ko naman sa kanilaNagtinginan muna silang lahat bago sila sumagot. And as expected iniwas na naman nila ang usapan.
"Halika na Anne, andyan na yung Van na sasakyan natin oh. Tara." Aya ni Billy
Lumakad kami papunta sa Van na sasakyan namin at pumasok na kami sa loob. Inilagay naman ng driver sa likod ang mga bagahe ko.
Hindi ako mapalagay, dahil sa patuloy nilang pag iwas na pagusapan si Vhong. Feeling ko may mali, parang may hindi sila sinasabi sa akin.
"Guys, tell me the truth!!. May hindi ba kayo sinasabi sa akin?" Seryoso kong saad sa kanila
"Ha? Anong ibig mong sabihin Anne?" Pagmamaang maangan ni Jhong
"Hindi ako manhid para hindi maradaman na may tinatago kayo sa akin. Ano yun? Sabihin nyo na." Saad ko sa kanila
"Mabuti pa guys, sabihin nyo na kay Anne lahat. Karapatan nya din malaman ang nangyari kay Vhong." Seryosong saad ni K
"A-anong nangyari kay Vhong? Ano yung dapat ko malaman." Takang tanong ko sa kanila
"Ate wag ka mabibigla, wala na si kuya Vhong." Malungkot na Saad ni Coleen
"What do you mean na wala na si Vhong? Asan sya nagpunta?" Tanong ko
"Patay na sya Anne. Matagal na." Saad ni ViceGumuho ang mundo ko sa mga narinig ko. Paano nangyari yon? Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Biglang may mga luha na pumatak sa mga mata ko.
"Hindi nakakatawa yung joke na yan ha. Hindi magandang biro yan." Saad ko sa kanila
"Totoo ang sinasabi namin Anne, wala na si kuys Vhong." Saad ni Billy
"Pe-pero pano nangyari yon? Bakit? Ano ang dahilan?" Tanong ko sa kanila
"2 days after ng umalis ka, nagising si Vhong. Agad ka niyang hinanap. Sinabi namin na umalis ka para magpakalayo layo. Tapos simula ng madischarge sya sa ospital, iniuwi namin sya sa condo nya. Akala namin okay sya, akala namin natanggap nya ang pagalis mo. Pero mali kami, maling mali. Kinabukasan pinuntahan namin sya sa condo nya para yayaing mag party. Pero ng dumating kami sa bahay nya, wala na sya. Nakita namin yung sulat na iniwan mo para sa kanya. Mukhang nabasa nya na to at lukod lukot ito ng makita namin. Hinanap namin sya sa buong bahay pero wala sya. Umalis sya ng hindi nagpapaalam sa amin. Ilang buwan din namin sya hinanap ng hinanap, pero hindi namin talaga sya makita. Pinuntahan namin sya sa bahay nya sa tagaytay pero wala sya don. Halos mawalan na kami ng pag asa na makikita pa namin sya. 6 months kaming naghanap sa kanya." Saad ni Jhong habang umiiyak na rin
"Pero isang araw may tumawag na lang sa amin at sinabing nasa ospital daw si Vhong at malala ang kalagayan. Agad kaming nagpunta sa ospital na sinabing andon si Vhong. Nang dumating kami, nakita namin si Vhong na coma. Tinanong namin ang doctor kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Ang sabi ng doctor nasangkot daw sa isang car accident si Vhong, ang malala pa ay tinakbuhan sya nang nakabanggaan nya. Nagulat kaming lahat sa nalaman namin at hindi kami makapaniwala. Hindi kami umalis sa tabi nya hanggat hindi sya gumagaling." Dagdag pa ni Billy na umiiyak na rin
"Dahil sa nangyari, naging malawak yung damage sa katawan ni Vhong. Lagi ka nyang binabanggit sa tuwing nakakaramdam sya ng sakit. Ikaw lang ang hinahanap nya. Pero isang araw, hindi na talagang nakayanan ng katawan ni Vhong ang damage sa kanya kaya bigla na lang sya binawian ng buhay." Saad ni Vice habang umiiyak.
"Bakit hindi nyo to agad sinabi sa akin?" Tanong ko sa kanila
"Bago sya mawala, mahigpit nyang pinagbilin na wag na wag namin sasabihin sa iyo ang nangyari sa kanya." Saad naman ni Coleen
"Ayaw nyang ipaalam sayo Anne. Dahil gusto nyang maging masaya kana." Saad ni K
"And he think na masaya ako sa nalaman ko na wala na sya. At huli na ang lahat." Saad ko ulit habang umiiyak pa rin
"Tama na ate, wag kana umiyak." Pagpapatahan ni ColeenLahat kami umiiyak na dito sa loob ng Van.
Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Bakit ganon? Akala ko makakabuti ang pag iwan ko sa kanya, pero mali ako. Mas nakasama pa ito sa kanya. Ngayon wala na talaga sya at iniwan na nya ako ng tuluyan.
"Nga pala Anne, may iniwan pala sya para sayo." Saad ni Billy at iniabot ang isang box.
"Nakita yan ng mga pulis sa kotse na sinasakyan nya nung araw na maaksidente sya. At yung sulat na andyan ay sinulat nya bago sya mamaalam" Dagdag pa ni JhongAgad kong binukasan ang box, nakita ko ang sulat na sinasabi ni Jhong at isang mas maliit pa na box. Agad ko naman binasa ang sulat.
Dear Anne,
Hi babe, miss na miss na kita. Masaya akong naging parte ka ng buhay ko. Kahit na maraming pagsubok ang humadlang sa atin. Pasensya kana kung hindi na kita nahintay. Wag mo sisihin ang sarili mo sa pagkawala ko. Dahil kahit kailan hindi mo kasalanan ang nangyari. Isa lang ang hihilingin ko sayo. Wag kana iiyak, alam mong ayaw na ayaw kong nakikita ka umiiyak. Wag ka mag alala hindi mo man ako kasama dito, babantayan naman kita palagi. At malay mo sa kabilang buhay magkasama na tayo at hinding hindi na tayo maghihiwalay. I love you so much Anne.
Love,
VhongBumuhos ang mga luha ko sa nabasa ko. Hindi ako makapaniwala na wala na talaga si Vhong. At kailan man ay hindi na siya babalik.
Agad kong binuksan yung mas maliit na box, at nakita ko na isa itong kwintas na may pangalan na Vhong.
Agad kong sinuot iyon, para kailan man hindi na sya mawawala sa akin.
Ang sakit sakit na iniwan ka na ng taong sobra mong mahal.
Bakit Vhong! Bakit mo ko iniwan?
A/N: Abangan nyo po ang last 3 chapters ng story na to, marami pang pakulo ang mangyayari..
Thanks for reading...
Dont Forget to...
FOLLOW
VOTE
COMMENTFollow me on...
twitter.com/Angelahermosa18
Instagram/Angelhermosa18
BINABASA MO ANG
Fall Inlove With A Secret Agent
FanfictionWhat will happen if an Ordinary Girl will fall inlove with a secret agent? will they get a happy ending? VhongAnne Fan Fiction... Hopia like it.