CHAPTER 4: THE QUEEN OF ICE
HULLO
"Oh my!"
"Grabeh naman!"
"Nakakatakot na sila."
"Sino kaya yan?"Gulat man ay kalmado pa din ako dahil pag nag panic ako ay maaaring mag panic din ang ibang mga bampirang nandito.
Muli kong tiningala ang lalaking walang buhay na nakabigti sa isang puno malapit sa palasyo.
Lalabas sana ako at pupunta sa bayan ng makita ko ang kumpulan dito.
May isang trahedya nanaman pala ang nangyari.
Ilang minuto lang ang lumipas ay narinig ko na ang takbo ng kabayo kaya humarap na ako sa ibang mga bampira.
"Hala nandyan si Queen Frost!"
"Naku nandyan na siya!"
"Huwag kayong maingay.""Magsibalik na kayo sa inyong mga tahanan. Kailangan imbestigahan ang nangyari. Salamat sa inyong pag-unawa." seryosong sabi ko.
Walang reklamo silang umalis habang nagbubulungan pa din. Mukhang natakot sila sa presensya ni Queen Frost na kakababa lang sa kanyang kabayo.
Tiningala niya ang lalaki at walang emosyon itong tinitigan.
Sinigurado ko munang nakaalis na ang lahat bago ako humarap kay Queen Frost.
"Sa tingin ko'y gawa nanaman ito ng mga lobo, Queen Frost."
Walang emosyon siyang tumango.
"Ang hindi ko lamang po maintindihan..." seryosong sabi ko at tiningala din ang lalaki. "Bakit sila pumatay ng kapwa nila lobo?"
"I honestly don't know the answer to that question too, Hullo. To be honest, I'm also curious." sabi niya at humarap sa akin. "That's why I have to go to the mortal world as soon as possible. Maybe Allestier know something."
Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Gusto ko din malaman ang mga tanong na tinutukoy ni Queen Frost.
Napahintong hininga na lamang ako.
"Natapos ko na po, Queen Frost."
Napatingin siya agad sa akin.
"Natapos ko na po ang gamot." seryosong sabi ko.
Ito lamang talaga ang paraan para matapos na ang gulong nangyayari sa underworld. Marami na ang nadamay at dadami pa ito kung hindi ito mapipigilan.
At ang Evans lamang ang may kakayahang tapusin ang gulong ito.
"Maaari na po kayong sumunod sa mundo ng mga mortal."
VINCENT
"Urgg"
Napahilot ako sa sentido ko ng kumirot iyon.
Anong nangyari?
Napatingin ako sa paligid. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Flix sa gilid ko na walang malay.
Kasabay non ay naalala ko ang nangyari kanina.
....FLASHBACK....
"Pumunta lang ako dun sa shop na yun. Sumunod nalang kayo after niyong bumili."
Nang makapasok ako sa isang shop ay agad akong nagtingin ng pwede kong ipanglaro tuwing practice.
BINABASA MO ANG
The Queens' First Love
FantasíaDalawang reyna ng mundong ilalim ang kinakailangang pumunta sa mundong ibabaw para sa isang misyon... Ito ay ang hanapin ang kanilang nakakatandang kapatid na lalaki dahil ito lang ang makakasagot sa kaguluhang nangyayari sa mga bampira at lobo. N...