Chapter 1

75 5 3
                                    

Hi Bblues! Thank you very much for your patience and support. I'm happy to say that TQFL is back!! Yeyy ^^

And also, I just wanna say thank you to my bestfriend for the TQFL cover <3 AelEnixilrach
I love it!










CHAPTER 1: QUEENS OF UNDERWORLD

HULLO



"Señor Hullo"

Napalingon ako ng may tumawag sa akin,

"Pasensya na po at naabala namin ang oras ng pahinga niyo. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli nanamang umataki ang mga lobo.Marami silang napatay sa Village 9, sa silangang bahagi ng kaharian." naka bow na sabi ni Solomon.

Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito nalang kalaki ang galit ng mga lobo sa amin. Inayos ko ang damit ko bago seryosong naglakad. Agad namang sumunod sa akin si Solomon.

"Nakita mo ba ang dalawang reyna?" tanong ko.

"H-Hindi po Señor Hullo." rinig kong sabi niya.

Huminto ako at humarap sa kanya.

"Cge. Makakaalis ka na." sabi ko. Tumango naman siya at nag bow bago umalis.

Pumunta ako sa sala, library, at kung saan pwedeng mahanap ang dalawang reyna ngunit hindi ko pa din sila makita.

Napabuntong hininga naman ako ng maalala kung anong oras na. Naglakad ako agad patungo sa likod ng kaharian kung saan sila laging nagsasanay upang mahasa pa ang kanilang pakikipaglaban.

Nang makarating ako duon ay nakita ko agad ang mga bantay. Nang makita nila ako ay tumungo sila ng konti at bumati.

"Umalis na muna kayo." utos ko sa kanila.

"Masusunod po, Señor Hullo." magalang na sabi nila at umalis.

Bumungad sa akin ang dalawang reynang seryosong nage ensayo. Seryoso silang naglalaban at nasa gilid naman si Elias na seryoso din na pinapanood ang galaw ng dalawang reyna. Si Elias ang kanilang tagasanay sa pakikipag laban at sa pag gamit ng kanilang mga kapangyarihan.

Napatingin sa akin si Elias. Sumenyas ako na kailangan kong makausap ang dalawang reyna at nakuha naman agad niya iyon.

"ENOUGH!" utos ni Elias at tumigil naman ang dalawa.

Seryosong tumigil naman ang dalawa. Agad tumaas ang balahibo ko sa nakikita ko. Kahit na sino ay kikilabutan pag nakita nila ang dalawang reyna. Kahit sino ay matatakot sa presensya palang nilang dalawa.

Kakaibang lakas ang tinataglay ng dalawang reyna.

They are the Evans Twins. Ang dalawang reyna ng mundong ilalim.

Napatingin ako sa isa sa reyna na nagtataglay ng apoy na kapangyarihan. Pula ang kanyang mga mata ngunit naiiba pa din ito sa mata naming mga normal na bampira. May pagka tingkad ang pagkapula nito at nakakakilabot ang dating.

Her name is Sapphire Evans.

"May problema ba, Hullo?" seryosong tanong niya na halatang medyo nabitin sa pakilipaglaban.

"Ako'y humihingi ng paumanhin sa abala ngunit kailangan ko ng oras ninyong dalawa para sa isang seryosong pag-uusap." magalang na sabi ko.

"Tsk ganun ba yan ka importante—"

The Queens' First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon