Chapter 1

13 2 0
                                    

"Make sure to blend the foundation very smoothly para 'di siya pangit and natural lang sa color ng skin mo. I suggest konti lang ang ilagay mo sa mukha mo para natural parin ang make-up,"

Tumango ako mag-isa habang pinapanood ang isang make-up artist sa YouTube. Mahirap makita mabuti dahil may mga basag basag na screen ang Cellphone ko pero ayos lang dahil nakakanood parin ako. Susulitin ko na lang siguro dahil malapit na ma-expired ang load ko maya-maya.

"When it comes into picking the perfect shade of lipstick for your lips, dapat din guys bagay siya sa outfit mo hindi lang sa make-up. Because to look good in make-up is to also look good in fashion! So—"

Napa-bugtong hininga ako dahil wala na akong load pang data. Nag loading na lang yung video kaya inalis ko na iyon tsaka pinatay ang Cellphone. Sumandal ako sa upuan at tumitig sa maliit kong table sa harap ko.

Balang araw, Magiging sikat na make-up artist din ako. O maging isang mayaman. Gagawa ako ng sarili kong make-up at bubuhayin ko sarili ko pati si Lia. Ako ang mag papa-aral sakanya at bibigyan ko siya ng buhay na dapat niyang maranasan.

Hindi yung... Ganitong buhay na nararanasan ko ngayon.

Napatigil na lang ako sa pag muni-muni nang biglang umiyak si Lia na kanina ay natutulog lang sa maliit kong kama. Tumayo ako saka kinuha ang hinanda kong gatas at saka lumapit sakanya

"Uhaw ka na ba? Wag na umiyak Audelia, andito na si Ate para painumin ka ng gatas," Sabi ko saka inabot niya naman iyon at ininom

"Grabe, Isang dede ka lang meron. Hindi manlang naisipan ni Nanay na bilhan ka kahit isa pang paglagyan ng gatas 'eh kaya naman sa pera. Kada oras hinuhugasan ko iyan para matimplahan kita ng bago," Sabi ko sakanya kahit alam kong hindi naman niya ako naiintindihan

Isang taong gulang palang si Lia pero parang ako na ang nag alaga sakanya sa buong taon na iyon. Labing-pitong taon gulang palang ako tapos ito ang buhay na ibigay niya saamin.

"Kung buhay lang si Tatay, siguro pati siya magagalit sa pinag gagawa ni Nanay ngayon. Pero Lia, Tandaan mo ito ha? Sisimulan ko na mag hanap ng trabaho bukas at ang unang sweldo ko ay ipang-bibili ko ng gatas mo. Promise iyan ni Ate kaya wag ka makulit ha?" Sambit ko

Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Gabing gabi na pero parang ayoko pang matulog. Baka kasi gigising ulit itong si Lia at mang-hihingi nanaman ng gatas.

Agad ako lumabas ng kwarto saka hinugasan ang lalagyan ng gatas. Mahina ang mga galawan ko dahil siguro sa takot na magising ko si Nanay pati yung... Lalake niya.

Pag balik sa kwarto ay ni-lock ko yung pinto at nakitang mahimbing na ulit ang tulog ni Lia. Ngumiti na lang ako sa sarili ko at saka lumapit sakanya.

Sa sobrang liit lang ng kama ko, sakop na niya iyon at wala nang space para sakin.

Bumugtong hininga na lang ako saka humiga sa sahig at ginawang unan ang braso ko.

Biyernes na bukas... Exam na sa susunod na buwan pero yung tuiton ko ay hindi pa nababayaran.

Pahamak parati yung tuiton ko. Isa sa rason kung bakit Grade Ten palang ako imbes na dapat... nasa kolehiyo na ako.

Grabeng buhay, gusto ko nang sumuko.




"Hindi na ito pwede Vanya, Magagalit na sakin yung Principal sa oras na malaman niyang dito mo iniiwan si Lia."

Nilagay ko ang maliit na bag na naglalaman ng mga gamit ni Lia sa table ni Ma'am Alexa saka humarap sakanya at malungkot na ngumiti

"Sorry po, W-wala si Nanay kanina pag gising ko at walang mag aalaga kay Lia." Sabi ko at tumingin naman siya sakin bago kay Lia

"Pasalamat ka mamaya pa yung klase ko. Oh siya, Wag kang mag-alala ha? Dito muna sakin yung kapatid mo at mag-aral ka ng mabuti." Sabi niya at tumango na lang ako

Volunteers of a LassieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon