Chapter 9

7 1 0
                                    

Inilipat si Audelia sa VIP room. Hindi naman kailangan pero nagpumilit sina Tita. Kaya naman hindi na ako nakatulog pa. Naabutan na ako ng sinag ng araw habang binabantayan ang kapatid ko. Sina Tita ay kinakailangan umuwi pero babalik kaagad. Si Triton ay nakatulog na sa sofa.

Pinilit ko siyang umuwi na lang pero ayaw niya. Wala akong nagawa dahil alam ko sa loob loob ko, kailangan ko siya sa tabi ko.

Bumukas ang pinto at bumungad roon si Cici. Hindi tulad kagabi, naka panlakad na ang itsura niya, may dalang bag at plastik sa kabila na halatang pagkain. Sinensyahan ko siyang huwag mag ingay masyado dahil natutulog si Triton at Lia.

Nilapag niya sa lamesa ang mga dala niya tapos dumeretso saakin at niyakap ako. Nakaramdam ako ng gaan sa dibdib at yumakap sakanya pabalik.

"I brought some clothes and other stuffs. Matulog ka na muna, Van. Ako na ang mag babantay kay Lia." Mahinanong sabi niya

"Hindi na, Cici..." Pagod kong sabi. Konti na lang ay sasarado na ang mga mata ko.

"Please? you can do anything you want when you wake up. Basta habaan mo ang tulog mo..."

Wala akong nagawa. Sinulyapan ko ang kapatid ko at nakaramdam ng sakit sa dibdib at awa. Tumayo na lang ako at naglakad sa sofa kung saan nasa kabila ang natutulog na si Triton. Umupo ako sa kabila at inayos ang posisyon ko at sa oras na sinarado ko ang mga mata ko, agad akong sinakop ng kadiliman.

Nagising na lang ako ng may kumot na nakabalot sa aking katawan. Himala rin at nakahiga na ako sa sofa. Kaya pala maayos kahit paano ang tulog ko at hindi gaanong kasakit ang leeg at katawan ko... Sinong nag lipat saakin rito?

Inayos ko ang aking gising at sandaling nag unat. Nang masulyapan ang kapatid ko ay napatayo ako kaagad nang makita itong gising na at nakikipag tawanan kay... Triton.

Nakahiga parin ang katapid ko at may kung anong naka dikit sa ilong niya upang makahinga siya ng maayos. Tapos si Triton ay nakayuko sa katapid ko at nakikipag laro gamit ang ekspresyon niya sa mukha. 

Lumapit ako sakanilang dalawa. Inangat ni Triton ang tingin niya saakinat ngumiti ng marahan. Sunod ko naman tinignan ang kapatid ko at hinaplos ang mukha nito at ngumiti sakanya.

"Kamusta ang Lia ko, hmm?" Ngiti ko sa kapatid ko na tila nagaalak na makita ako.

"Ate Cici, went outside for a minute. Babalik lang siya." Sabi ni Triton at tumayo, "Are you hungry? Mag dinner ka na."

Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya kaya naman tumingin ako sa bintana at napaawang ang bibig ko pagkat gabi na pala... Gaano kahaba ang aking tulog?

Nalipat ulit ang tingin ko pabalik kay Triton na naglakad sa lamesa at may kung anong hinandang pagkain. Saka naman ako napa hawak sa tyan ko at nakaramdam ng gutom. 

"Halika na't kumain, Vanya." Sulyap sakin ni Triton, "Makikipaglaro muna ako kay Lia."

Lumapit ako sakanya at umupo. Hinintay kong matapos siya sa pag lalagay ng pagkain sa harap ko. Hinayaan ko rin siyang lagyan ng tubig at baso kobago ko siya sinundan ng tingin pabalik sa kapatid ko at sinamahan ito.

Pinanood ko si Triton na abot tenga ang ngiti at marahan na kinikiliti ang kamay ng kapatid kong natatawa sa ginagawa niya. Hindi naman iyon masyado pagkat alam naman niyang kailangan ng pahinga ng kapatid ko. 

Tinuon ko ang atensyon ko sa pagkaing nasa harap ko at napangiti na lang sa sarili ko atsaka nagsimulang kumain. Saka ko na kakausapin ang doktor muli upang marinig ulit ang kondisyon ng kapatid ko.

Nang matapos kumain ay naglipit ako kaagad, Siya namang pag karating ni Cici na may dalang panibagong pagkain at maiinumin. Binati niya ako at sina Lia bago binalik ang atensyon saakin. 

Volunteers of a LassieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon