Chapter 7

4 1 0
                                    







"Hi, Mom!" 



Bumaba kami ni Cici. Handa na siya at sinalubong na namin ang pamilya siya sa baba. Lumingon si Tita na kasalukuyang inaayos ang damit ni Tito. Nakita ko sina Shan na naglalaro ng PS4 niya at si Triton na nag tatali ng sapatos niya. Nang iangat niya ang tingin niya ay ako ang una niyang nakita imbes na ang ate niya.

"Wow, Celena! I love your look!" Manghang sabi ni Tita at lumapit sa ank niyang impit na tumitili sa kilig.

"Pangit mo po, Ate." Rinig kong sabi ni Shan 

"Kaya nga Shan Miguel panglan mo kasi gawa ka sa alak dyan sa kanto." Bawi ni Cici at sinamaan niya pa ng tingin si Shan

"Mom!" Pagmamaktol si Shan

"It's true! Mom and Dad were drinking San Miguel, got drunk, and then they made you and named after that alcohol!" Malakas sa tumawa si Cici sabay hawak pa sa tyan niya.

Natunganga ako roon, si Shan ay napikon kaagad.

"Dad oh!" Sumbong nni Shan. Namumula na ang tenga niya,

"Sorry, Son. Your Mom and I got invited by our old friends and got drunk too much." Sabi ni Tito kaya maging ako ay nahawa na sa tawa ni Cici. Napikon lalo si Shan at lumabas ng bahay.

"Kayo talaga," Mahinang tawa ni Tita sabay sunod kay Shan sa labas.

"You did that to, Ate Cici?" Nagulat ako saglit kay Triton na nasa tabi ko na pala. 

"Ah.. Oo.." Sabi ko. 

Ngumiti siya habang nakamasid sa ate niya. Dahil malapit siya saakin ay ngayon ko napansin na may maliit siyang diple kapag ngumingiti siya. 

Nang lumingon siya saakin ay nawala ang ngiti niya nangnapagtanton nakatitig ako. Namula ako sa hiya at umiwas ng tingin. Umaaktong nanonood kina Cici at Tito na nag pipicture. Lumapit pa si Ninang sakanila at pinicturan sila. 

"I appreciate you doing that for my sister. Thank you, Vanya." Nilingon namin ni Triton ang isa't isa. Ngumiti siya saakin, "My sister is very beautiful even more right now. You really have a talent." 

Lumambot ang puso. Pero parang nanghina ang mga paa ko dahil sa sinabi niya. Sa simpleng pa puri niya saakin ay nagbigay ng malaking epekto saakin. Sa huli, ngumiti lang ako pabalik sakanya. 

Bumalik ang tingin ko kay Cici na hinahayaang ausin ni Tito ang toga niya. Maya maya pumasok na si Tita at si Shan na nakabusangot parin. Lumapit si Tita kay Cici ay inayos ang buhok nito tapos pinupuri ang anak niya.

Sa tagal ng panonood ko, ang ngiti kong masaya para sakanila ay napalitan ng ngiting malungkot para sa sarili. Bigla akong nainggit at nakaramdam ng sikip sa dibdib dahil iniisip ko kung ano siguro sa pakiramdam na buhay si Tatay at masaya ang pamilya namin tulad noon. Yung mga panahon na napaka maalaga ni Nanay at mapagmahal... Siguro ganyan din ang posisyon namin sa graduation ko. 

Tatadtaran ako ni Tatay ng mga pictures sa keypad niyang cellphone tapos si Nanay ay papaulanan ako ng mga salitang maganda. Siguro masaya ang pamilya namin. 

"By the way," 

Napabalik tanaw ako nang magsalita si Triton. Tumingin ako sakanya, may inilabas siya ng kung ano sa bulsa niya tapos inabot iyon saakin. Nagtatakang kinuha ko iyon. 

"Ano ito?" Tanong ko

"It's a.. Well, a compact powder. I hope I got the right shade."

Volunteers of a LassieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon