Chapter 13

7 1 0
                                    





Sa totoo lang, ito ay nakakahiya na talaga. Tunay na mabait ang pamilya Ramigo. Binigyan nila ako at ni Lia ng tirahan, pagkain, at binihisan pa nga kami. Ngunit ang ginawa ko ay ipakita sa kanila ang mga hindi nararapat na aksyon. Sinusubukang patayin ang aking sarili, sinisira ang mga bagay na binili nila para sa akin, ipinakita sa kanila ang aking pinakamasamang bahagi, at maging ang pinakamasamang bersyon ng aking sarili.

Paano ko na sila haharapin ngayon? Paano ko muling pagsasamahin ang sarili ko? Hindi ko na kaya. Pagod na ako sa buhay.

Niyakap ko ang mga tuhod ko matapos kong punasan ang mga luha ko. Apat na araw na akong umabsent sa school. Apat na araw na rin ang lumipas mula nung nangyari ang.... gusto kong malimuan. May bahid parin ng sugat ang pulso ko ngunit salamat naman ay gumagaling na ito. Bumalik ako sa dating gawi ko nung una akong tumapak sa bahay na ito. Tulala lang at nakaupo sa sahig. Nakaharap sa bintana at nag iisip kung itutuloy ko pa ito o hinihintay ko na lang na sunduin na ako ng kamatayan.

Naka lock lang ang pinto. Hanggang ngayon ay hindi pa nalilinisan ang kwarto ko. Hinayaan nila akong ikulong ang sarili ko kahit kumakatok sila at nag sasabing nag iwan sila ng pagkain sa labas ng pinto. Pero wala talaga. Sanay na ako. Sanay na sanay na ako.

Nakukuha kong matulog pero napapanaginipan ko si Jun. At sa panaginip na iyon ay hinahabol niya ako tapos kapag tuluyan na niya akong nahabol ay huhubarin niya ako at...

Sinubukan ko naman eh. Sinubukan kongkalimutan, sinubukan kong umayos, sinubukuan kong lumaban dahil may kapatid akong aalagaan at bubuhayin. Pero sa tuwing galaw ko ay parang kailangan ko pang bantayan ang likod ko dahil baka may nakabantay sakin at hihila sakin pabalik sa kadiliman.

Kailan kaya ako papakinggan ng langit? kailan kaya Niya akong maisipang ilayo sa kasamaan at bigyan ng maayos na buhay? O kahit para na lang sa kapatid ko.

Kailangan kong tumayo para sa sarili ko. Kailangan kong lumaban dahil sarili ko lang angtutuong saakin. Hindi sa lahat ng oras ay aasa ako at nandyan ang pamilyang Ramigo. Kailangan kong buhayin ang kapatid ko, pag aralin niya, ipagtapos ang pag aaral niya tapos mag abroad... Ilalayo ko siya sa mga taong mag papahamak sakanya... Bibigyan ko ng maayos at ginhawa ng pamumuhay si Audelia.

Bagay na hindi manlang matustusan ng Nanay namin.

Pinunasan ko muli ang mga luha ko at tinulungan ang sarili upang makatayo pero nanghina lang rin ako. Pagkat wala pala akong kain ilang araw na ang nag daan.

Narinig kong may kung anong kumalikot sa pinto tapos ilang segundo ay bumukas ito. Hindi ako lumingon roon dahil sa panghihina, pamumutla, at pagkatulala na rin sa kawalan.

Dalawang tao ang tumayo sa harap ko dahilan ng pag takip ng liwanag sakin gamit ang katawan nila. Sabay silang umupo sa harap ko at tuluyan ko nang nakita ang mukha nila.

J-Jam? K-Kiko?

"Mrs. Ramigo has a spare key to this room. We watched her give the key to your servant and open this door."

Kumurap ako tapos mukha ni Rishia ang nakita ko. Naka school uniform siya, dala dala ang mga gamit niya na nilapag muna sa sahig.

May susi sila ng kwartong ito? Oo nga naman. Pero bakit hindi nila ito binuksan nung una palang akong nagkulong dito? Ang ginawa nila ay kumatok lamang at chinecheck ako kung humihinga pa ba o ano...

"Girl, Sorry ha... Nakita kasi namin yung si Poging Triton. Dahil kaibigan kayo ay naisip namin ni Rishia na baka may kontak siya sayo. Tapos ayun, walang pasabi niya kaming dinala dito... Kapitbahay ba kayo teh?"

Volunteers of a LassieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon