Chapter 19

7 1 0
                                    




Valentine's Day 


Heart's Day. ang araw na ang mga tao ay nagtatapat ng kanilang nararamdaman sa isang tao, magbigay ng mga bulaklak at mga regalo, dalhin sila sa isang date, ang kung ano ano pa. Ako sa sarili ko ay wala masyadong kakilala talaga sa university. Kahit may mga events ang naganap ang departments namin mula nung first year ko, batid kong sa sarili ko na ang mas kinikilala ko lang ay ang mga classmates ko lang.

Ay teka, may mga naging kaibigan naman ako sa ibang department.  Si Angela Gwendolyn Barcelona. Yung Model ko nung contest namin nooon nung first year ko. Grumaduate na siya kaya pa like like na lang ako sa mga social media niya. Yung huling update ko sa buhay niya ay nagiging sikat na siya bilang isang model. Good for her. 

And then there's Ferishianna and Jerson. Ang dalawang taong nakasama ko talaga, ang mga best friends ko. May bonding din naman akong naganap sa mga iba kong mga kaklase pero masyado yata akong kapit lang sa sarili. 

Sinasabi ko ito kasi ang buong akala ko ay isang normalna istudyante lang ako dito sa Heleo. I mean, pamilyar sa department namin, at hangin sa buong campus. Pero mukhang nag kakamali ako. 

"Another one! For Vanya daw. HAHAHA!" Sigaw ng isa kong lalakeng kaklase mula sa pintuan ng classroom. 

Lumingon ako roon at isang istudyante ang pumasok na may dalang maliit na paper bag. Tinignan ko ang I.D Lace niya at napagtanto kong taga CLA siya. Nahihiyang ngumiti siya saakin at inabot ang paper bag. Tumayo ako sa kinauupuan ko at walang nagawa kundi abutin iyon at tipid na ngumiti sakanya. 

"A-Ah... Gift sayo.. po... Happy Valentines... Idol po kasi kita. Lalo na nung contest niyo last year sa pabilisan mag makeup. Pinsan ko po yung model niyo. Tapos nakaka proud din yung mga achievements mo! nakikita ko sa page ng department niyo... Advance happy graduation na rin." Nahihiyang ngumiti siya saakin, napakamot pa sa ulo niya at umiiwas ng tingin.

"Thank you. Happy Valentines day." Ngiti ko sakanya. Namula siya sa hiya at dali dali lumabas ng classroom namin. 

How can a guy from the other building knew about me?

Napaupo ako sa upuan ko sabay lagay nung gift sa kabilang table. Sa table ni Rishia. Ngumingisi siya saakin habang iniinom ang Iced Tea. Bumugtong hininga na lang ako sa reaksyon niya habang si Jerson ay binuksan yung gift saakin ng taga CLA


"Wow naman, bracelets ate girl! in fairness, ang ganda. Mikana!" Sabi ni Jer.

Nilingon ko siya. Tapos bumaba ang tingin sa lamesa kung saan naroon yungdalawa gift sa paper bag, at tatlong rose na binigay sakin kanina ng ibang mga lalakeng istudyante. Yung dalawa sa rose ay pinaabot lang sakin bilang anonymous pero nag iwan ng maliit na letter. 

Nung first year ko ay wala naman akong natanggap, meron naman, pero galing kay Jerson, binigan niya kami ni Rishia. At, nakatanggap ako galing kay Tri. Nung second year ko ay ganun rin ang ginawa ni Jerson, at ni Tri. Third year ay ganun rin. Pero ngayon ay sobrang naninibago ako. Ang dami kong... admirers? yun ba ang tawag?

"Paano ba naman, araw araw gumaganda, araw araw tumatalino, araw araw nagiging almost perfect!" Bulaslas sakin ni Jerson kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Where's Van?" 

Nilingon ko si President na pumasok sa classroom. Napa "ooh" ang mga classmates namin nang makita naming may dala siya malaking paper bag tapos isang bouqet. Napa nganga ako roon, lalo na nung unti unti siyang lumapit saakin na mas inikahiyaw ng mga kaklase namin. Aagad akong napa tayo sa dipensa at tinignan si Eric ng may tanng ang mga mata. 

Volunteers of a LassieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon