Chapter 16

6 1 0
                                    





"Good Morning, Students of Heleo! Welcome to the Annual Event of College Of Home Economics, In line of Collaboration with the Department of Cosmetic Science. As we formally start our Event, May we call on...."




Tinalikuran ko ang stage at tumungo sa likod kung saan naroon ang bawat Models, mga taga HE, mga iilang Instructors, at mga classmates ko. Bumisita rin kanina yung mga Seniors namin at nag bigay tips at nag goodluck saamin. Freshmen students kasi ng Department namin ang Nakakaranas tuwing contest. Kaya na experience na nila nito at ginagabayan kami.



'Angela Gwendolyn Barcelona' ang Pangalan ng Model na naka assign sakin. Hinanap ko siya kanina, nakuha ko pa ngang itanong sa mga taga HE kung nasaan siya, ang sabi saakin ay parating na. Sana naman ay Hindi siya ganoon ka-late talaga.




Tumungo ako sa pwesto ko. May table, high chair, at extension wire roon. Malaki ang space namin, parehas din naman sa iba. Nilagay ko at nilabas na ang Make Up Kit ko sa lamesa. Organized iyon, magkakatabi ang bawat produkto. Eye shadow, lipstick, foundation, concealer at iba pa.



Nanatili akong kalmado kahit ang mga kaklase ko ay halatang kinakabahan. Yung mga Model ay ganun rin naman pero kaming mga taga Cosmetic Science yung dapat mag effort talaga dito dahil grades namin ito. Fashion Event man ito sa ibang department para ma-showcase nila ang mga ginawa nilang evening gown, hindi ganon ka-apektado ang grades nila dahil tapos na ang sakanila.



"Who's Vanya Rous... How do you pronounce this?"



Nilingon ko ang babaeng kakadating lang. Naka titig siya sa cellphone niya na nakataas ang kilay. Nang nilingon niya ang paligid ay itinaas ko ang kanan kong kamay. Tumango naman siya tapos naglakad na palapit saakin.



"Rousseau po. Pero Vanya na lang. Ako po mag aayos sainyo." Sabi ko


"Nice to meet you. Angela Gwendolyn, from Third Year." Tipid siyang ngumiti saakin. Tapos ay umupo sa umupuan at humarap sa salamin.



Binaba niya sa kabilang upuan ang bag niya tapos inayos ang sarili. Hindi ko napigilan na pag masdan siya. Halos hugis Monolid ang mata niya pero nakikita pa rin ang hugis ng pagka Almond. Maganda rin ang kulay kayumanggi na mata niya, manipis na labi, maliit ngunit hugis-itlog ang mukha.



Ang nakakabighani din ay ang ang warm undertones niya. May halong morena pero pwede rin may pagka maputi. Hindi ko gaanon masabi pero ang ganda niya, gayon simple lang ang datingan.



"Pwedeng suutin ko muna yung ibang parte ng gown? baka kasi masira ang Make Up kapag huli ang pag suot ko." Sabi niya saakin at tumango lang ako.


"Quiet girl, huh." may binulong siya ng kung ano.



Rinig ko ang bawat introduction doon sa stage. Pero busy kami dito sa likod. May mga intermission din kaya may oras pa kami.


Umalis saglit ang model ko para mag palit Pag balik niya ay sinuot niya na ang gown. May sala pa siya pero mukhang mamaya na iyon niya susuutin. Napalingon sakanya ang mga iba. Maging sina Jerson ay nilingon si Angela at napa nganga pa ang kaibigan ko.



Taas noo lang at tila walang pakialam ang Model ko na lumapit sa pwesto ko. Madilim ang Awra niya sa oras na bumalik siya dito at suot ang gown. Kulay Maroon ito at yumakap miso sa katawan niya ang gown. Mula dibdib hanggang balakang. Bagsak na yung pababa.


Umupo siya sa upuan tapos tumingin sakin.



"You can't do much on this short lenght hair. Don't curl it. Basta Straight lang. You can, however, style it. As for the make up, you're freshmen, right?" Tumango lang ako sa tanong niya,



"Hmm. Baby steps. Do your best na lang. But don't make me a clown as much as possible." Walang reaksyon aniya na ikinakaba ko.




"Mabait yan, strikta lang. Model talaga kasi."



Nilingon ko ang Third Year sa BSHE na dumaan at bumulong saakin. Ngumiti siya saakin at nag thumbs up bago lumapit sa isa sa mga kaklase ko at umupo na. Nilingon ko muli si Angela na nag ce-cellphone na.



Kinati ko ang ilong ko bago huminga ng malalim at nagsimula na. Kinuha ko ang suklay at sinuklayan muna siya. Hinati sa dalawa tapos nag lagay ng clip para hindi sagabal ang buong niya pag nag make up na ako.


Una, pina hydrate ko ang mukha niya gamit ang moisturizer. Syempre sinigurado kong malinis pa sa malinis ang mga kamay ko. Tumigil na rin sa pag cellphone ni Angela at umayos na para maayos ang pag make up ko sakanya.



Matapos kong mag lagay ng iba pang produkto sa mukha niya ay kumuha na akong ng brush pang foundation at sinimulan na siyang make up-an talaga.



Pero tumigil ako bago pa man malagyan siya ng foundation. Alam kong napatingin saakin si Angela pero umiwas muna ako. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili. Kinakabahan kasi ako, baka mag kamali ako. Alam kong pinaghandaan ko ito, naroon ang lakas loob ko pero parang umaatras ako ngayon. Parang hindi ko kaya. Bahala na ang grado ko, parang hindi ko pa kaya.




"Sandali lang po, babalik lang po ako." Sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin niya.




Umalis ako sa lugar na iyon, lumabas ng hall at kumuha ng hangin para makahinga ng maayos. Napasuklay ako sa buhok ko gamit ang mga daliri at napaupo na lang sa gilid kung saan may tatlong hakbang ng hagdan.



Yumakap ako sa mga tuhod ko at sinandal ang noo roon. Para akong binagsakan ng mga ulap dahil nawalan ako ng lakas at tapang. Kung ano anong negatibong pag iisip ang sumilay sa utak ko na mas ikina baba ng lakas kong loob.



"Every person that dreams big feels failures. Hindi pa sila nag sisimula ay pakiramdam nila katapusan na. That they've convinced themselves that it's not their path, and that they will eventually ends up as... nothing.... no one."



Tinaas ko ang mga ulo ko upang makita ang taong nagsalita. Sa pamilyar na boses niya ay alam kong si Triton agad iyon.



May kung anong mainit na pakiramdam ang dumapo sa aking dibdib nang makita siyang nakatayo sa harap ko. Hindi siya nakauniform, kung hindi naka simpleng puting t-shirt at maong pants. Tapos suot niya ang madalas na suot niyang rubber shoes na kulay puti.



Nang mag tama ang paningin namin ay ngumiti siya saakin. Tapos ay dahan dahan siyang lumuhod sa harap ko upang mag pantay ang titigan naming dalawa.



"Bakit ka nandito?" Mahinang tanong ko,


"To support you." Mahinang tawa naman niya.



Kung nakatayo ako ay baka nanlambot na ako. Pero puso ko ang nanlambot ngayon matapos marinig iyon sakanya. Natahimik ang buong mundo ko. Bumilis na ang tibok ng puso ko. Dumaan pa ang ihip ng hangin na siyang ikinanindig ng mga balahibo ko saglit.

Volunteers of a LassieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon