Chapter 2

9 2 0
                                    


"Vanya! Vanya! Vanya!"


Gulat akong napabangon. Napatalon ako paalis ng kama at napalingon lingon sa kung saan. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Lia, nang malaman kong wala siya sa kwarto ko, tumuloy ako sa kwarto ni Mama at nakitang mahimbing ang tulog niya.

Nagtataka naman akong bumaba at lumabas ng bahay. Nakita ko si Jam na hirap na hirap buksan yung gate mula dito sa loob pero nung nabuksan niya, agad siyang tumakbo saakin habang naka wagayway sa ere ang isang papel.

"Tumaas ka! Tumaas ka! Nakasali ka pa sa Top ten niyo!" Malayang sabi niya sabay yakap saakin.

Nagdikit ang kilay ko at inayos muna ang gising ko. Pinakita niya saakin ang papel, grades ko iyon ngayong quarter. Nanlaki ang mga mata ko dahil tumaas ang grado ko.

"Hanep talaga! Tignan mo, Kasali ka sa top ten! Saktong top ten, pero atleast!" Tumalin sa Tuwa si Jam

"Van! Vanya! Nakasali ka sa-Ay putakte, Andito ka na pala bruha ka." Turo ni Kiko kay Jam

"Syempre! Teacher nanay ko eh. Sabay kaming pumunta kanina sa school tapos kinuha ko na grado mo. Hehe, Nanay ko talaga kumuha." Ngiti ni Jam

"At dahil dyan, May dala akong icecream!" Tinaas ni Kiko ang hawak niyang plastik.

"Pero bago ang lahat, maligo ka muna, teh. Baho mo." Tinulak ako ni Jam paloob ng bahay. Natatawa akong pumasok at umakyat sa kwarto ko para maligo.

Sabado. Kuhaan ng grades namin. Hindi ko naman ito nakalimutan, gigising naman talaga ako kaso inunahan na ako ni Jam.

Pag labas ko ng kwarto ko, ay dumeretso kaagad ako pababa. Nadatnan ko si Lia na gising na at nakikipaglaro kay Kiko. Si Jam ay kumakain na ng ice cream habang nanonood ng telebisyon namin.

Hindi umuwi si Mama kagabi. Sanay na ako. May mga oras na gusto ko siyang umuwi na dahil may anak siyang naghihintay sakanya pero ngayon, huwag na muna... Nandito ang mga kaibigan ko. Nakakahiya kung uuwi siya dito-lasing tapos baka may masabi pa siya.

"Van, sa kolehiyo, may mga kailangan. Yung mga Birth Certificate, ganun. Gusto mo ngayon palang, kumuha ka na?" Tanong ni Kiko habang sinusubuan ng ice cream si Lia. Wala pang ligo yung kapatid ko. Tsk.

"Ah... Pwede naman." Tanging nasabi ko at kumain ng ice cream

"Hoy! Alam ko yan!" Sabi bigla ni Jam,

Kunot noong tinignan ko siya. Nagtinginan kami ni Kiko, nag kibit balikat lang saakin.

"Anong alam mo?" Tanong ko

"Iyan. Iyang mukha mo, iyang itsura mo na iyan." Turo niya saakin gamit ang kutsara niya

"Anong meron sa mukha ko?"

"Vanya ah..." Sumeryoso siya at biglang naging nanay ko dahil sa boses niyang tila nag babanta.

"Mag ko-kolehiyo ka. Itutuloy at tatapusin mo pag aaral mo. Huwag mo akong bigyan ng ganyang itsura mo sa tuwing nag uusap tayo tungkol sa pag aaral." Seryosong sabi niya

"Jam, hindi ko talaga alam kung anong itsura ang mayroon ako ngayon."

"Iyang mukha mong nag iisip kung mag aaral pa ba o mag hahanap na lang ng trabaho. Huwag ako ah, Vanya." Natahimik ako roon,

Maging si Kiko ay natahimik. Hindi siya sumingit saamin ni Jam. At alam kong hindi talaga siya sisingitnkapag si Jam na ang salita.

Pinaglaruan ko ang Ice cream kong hindi ko na makuhang kainin.

Volunteers of a LassieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon