Chapter 3

7 2 0
                                    


Nagising ako kinabukasan ng suot suot ko pa ang uniporme ko. Tinignan ko ang orasan sa sa cellphone ko at napatitig roon.


Alas nuwebe na. Wala na. Late na ako sa klase. Aabsent nalang ako.


Sinilip ko si Lia na natutulog parin sa kama ko. Tumayo ako at nag unat. Masakit nanaman ang likod ko dahil sa sahig nanaman ako natulog. Bumaba ako at tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Binuksan ko ang ref namin at nakitang walang laman iyon. Lumapit naman ako sa galon at napagtantong wala nang lamang tubig. 


Nilapag ko ang baso sa lababo. Napatitig ako roon at nanatili sa ganoong posisyon. Pinikit ko ang mga mata ko saka huminga ng malalim bago umalis sa kusina. Tumungo ako sa sala para sumulip sa labas ng pinto, wala ang sapatos ni Nanay at ng nobyo niya. 

Bumalik ako sa kwarto ko at naligo na lang. 


"Bakit ka wala?! Umabsent ka ba?! Nasa trabaho ka noh? Sinasabi ko na nga ba!"


Binuksan ko ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan kong nasa ganoong posisyon parin si Lia sa sala mula nung umalis ako kanina at bumili ng lugaw gamit ang sweldo ko kahapon. 


"Late akong nagising, Jam. Papasok ako mamayang hapon." Sabi ko sa cellphone ko. Tumungo ako ng kusina para maglabas ng plato at kutsara para roon ilagay yung lugaw. Bumili rin ako ng tubig sa maliit na bote. Nilagay ko iyon sa baso para kay Lia. Tinabi ko rin sa lamesa yung gamot na binili ko para sa pasa ni Lia. Ang natirang pera ko na lang ay wala na. Ubos kaagad.


May kung ano ano pa siyang sinabi. Hindi na ako nakinig at um-oo na lang saka pinatay ang tawag. Umupo ako sa tabi ni Lia at sinimulan na siyang pakainin. Sakto lang iyon para sakanya. Hindi na lang muna ako kakain o baka mamaya na lang pag nakuha ko na ang sweldo ko. Bibili na lang ako ng kahit kaunting bigas. 


"Ano ang ginawa ni Simoun sa huling kabanata kung saan nakatakas siya mula sa bihag ng mga sundalo?"


Matamlay ako. Alam ko iyon sa sarili ko. Wala akong gana ngayong araw at proweba na yung pag kakatulala ko sa notebook ko. Ang bigat bigat ng mga problema ko at parang isang problema nalang, matutumba na talaga ako at hindi na babangon muli.


"Vanya?"


Napa angat ang tingin ko sa guro kong nasa harap ko na. Naghihintay siya saakin kaya naman napaawang ang bibig ko at napasulyap sa mga kaklase kong nakatingin rin.


"Anong ginawa ni Simoun?" Tanong niya saakin


"S-Saan po?" Tanong ko,


"Hindi ka nakikinig?" 


Tumayo ako at napayuko na lang. Naramdaman kong umiling iling siya saakin at pinaupo na lang ako muli. Napabugtong hininga ako, hindi ko talaga narinig yung tanong ng guro ko.



"Nagpakamatay siya. Nilason niya yung sarili niya. Mataas pride ni pareng Simoun. Mas gugustuhin mamatay kaisa sumuko sa mga sundalo."

Volunteers of a LassieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon