Pagkatapos kong paliguan si Champ, sinigurado ko muna na nalinis ko lahat ng sulok ng bahay para naman pag uwi ko ay matutulog nalang ako.
O kaya lalabhan ko muna damit nila.
O bibilangin ko pa kung ilang butiki ang nasa kisame.
O baka gagawin ko muna yung assignment ng pamangkin ko para naman may extra money ako sa gig na pupuntahan ko.
"Ano kaya pa? Sabihin mo lang kung hindi kasi bukas ang pinto para makalayas ka na dito tanginang bata ka." Hawak ng tiyahin ko si Champ nang pumasok sa kwarto ko.
"Kaya pa po," I smiled a bit.
Inismiran niya ako. Mabilis kong kinuha ang bag ko at lumabas kahit hindi pa pala ako nakapagsuklay. Bahala na. Doon nalang ako mag-aayos.
"Akala ko ba birthday party, Julie?" Hinarap ko siya nang ibinaba kami sa mall. Masyadong maraming tao ngayon kumpara sa mga ordinaryong araw. Ano ba ngayon?
"Akala ko rin! Eh dito daw eh!"
Nahihilo ako sa dami ng tao. Buti sana kung birthday party lang, closed area, may limit ang pumupunta, at isa pa, may handaan. Bongga. Di ko na kailangan kumain pa sa bahay, tapos dito? Anong kakainin, tinapay?
"Gandahan mo ha? Malaki magbigay ng tip yung amo ko basta maganda kuha!" Aniya.
"Natural, saan ba magandang pwesto? Tsaka bakit may stage? May concert ba?" Usisa ko naman.
Hindi talaga ako mahilig manood ng mga performance kahit sa TV. Dahil dito ginanap, baka local artists yung magp-perform.
"Parang? Mini concert siguro, di ko din kilala pero sabi ng amo mga gwapo raw!" Tumili siya kaya nag-iba ang timpla ng mukha ko. Tignan mo 'tong gagang 'to.
"Sige na sige na! Punta ka na dun! Ako dito! Tangina nakakapagod sumigaw bakit naman ang daming tao!"
"Okay! Kita tayo pagkatapos ha!"
"Aba syempre trabaho to 'no di ako uuwi nang walang bayad!"
Binatukan niya ako bago pumunta sa kabilang banda ng stage. Inayos ko muna yung camera ko at tinignan kung saan mas magandang pumwesto para naman maganda talaga yung anggulo. Hindi ko tuloy natanong kung ilan silang magp-perform ang sabi niya lang ay mga gwapo so marami?
Naging mas alerto ako dahil pumanhik na ang speaker sa stage. Ito ang unang beses na may gig ako sa isang performance kaya hindi pa ako medyo bihasa kung saan magsisimula. Sana nag seminar man lang sila bago ako pinapunta dito hindi naman ako professional photographer.
Balang araw siguro, oo.
"Please welcome, SB19!"
Boom. Basag ang aking eardrums sa sigaw at tili ng mga tao sa buong mall. Kahit yung mga nasa second floor na sumisilip kahit nakatalikod ang entablado sa kanila ay nakikisigaw din.
Nakatutok ang lens ng camera ko sa mga tao, wala pa sa mga nag peperform sa stage. Alam ko naman na sila yung bida dito pero namamangha talaga ako nang tignan ko ang mga tao na sobra ang suporta sa iniidolo nila to the point na umiiyak na sila sa saya. Kinuhanan ko iyon bago tumutok ang lens ko sa mga lalaking kumakanta at sumasayaw sa stage.
Lumingon sa gawi ko ang lalaking nasa may bandang kaliwa ng stage. May hawak siyang microphone at nakangiti siya habang sumasayaw. Kahit nasa gitna na siya at linya na niya ang kinakanta niya, lumingon pa rin siya kaya iyon ang nakunan kong litrato.
Tumili naman yung mga babae sa likuran ko.
"Ako yung tinignan ni Josh talaga! Sure ako!"
"Luh feeling 'to! Baka ako?"
"Ano ba kayo ako nga talaga diba may nireplyan siyang comment ko sa twitter? baka kilala na niya ako!"
"Josh uwi ka na di na ako galit!"
"Nakakainis naman 'to oh parang kahapon lang si Sejun amo mo ah? Tas ngayon si Josh naman!"
Amo? Sejun? Josh? Ano?
xXx
Hey A'tin! I always wonder why it took me so long to stan this group and now I can't stop watching their videos, show breaks, guestings, etc. I guess I'm now a baby in your fandom right?
That's why I decided to create this fan fiction story (habang hindi pa nags-start yung classes) because I feel happy that I met the men behind the inspirational songs I've been listening. So if you're an A'tin, thank you in advance for reading this! Sorry if there are some instances when I provide wrong information, I'm still trying to get to know them :))) hope we can be friends!
xXx
Orihinal na gawa at produkto lamang ng imahinasyon. Huwag kopyahin, o ilagay sa anumang plataporma nang hindi nagpapaalam sa may akda.
TW: Foul words and anxiety.
Copyright © 2021 sillysilhouette101
All rights reserved.
BINABASA MO ANG
PASALUBONG
FanfictionSB19 JOSH SHORT STORY FAN FICTION Inspired by Ben&Ben ft. Moira Dela Torre "Pasalubong" Copyright © 2021 sillysilhouette101 All rights reserved.