Epilogue (Part I)

8 2 0
                                    

Ayoko namang pati dito, kailangan ko din hingin ang opinyon niya. I'm a grown up woman. I decide what's best for me and for the people around me.

Pero kanina pa ako nakahilata sa kama at iniisip kung paano sasabihin kay Josh yung tungkol sa pag-aaral ko sa California. Will it be okay? Hindi naman sa magpapaalam ako sa kanya dahil hindi ko naman siya boyfriend pero kailangan kong sabihin na kino-consider ko yung pag-aaral abroad.

Nag ring yung phone ko. Mabilis akong umupo at inayos ang nagulong buhok.

"Happy new year!"

"Happy new year!" I greeted back.

"Kumusta?"

"Kasama ko si mama kanina, sinalubong namin yung new year. Actually kauuwi ko pa lang dito," kwento ko. "Ikaw, kumusta?"

"Magkasama din kami ni mama at ni ate Yuna. Kinukumusta ka nga nila, sasabihin ko na kasama mo yung mama mo kanina kasi nag-alala sila."

"Talaga? Bakit daw?"

"Nasabi ko kasi na ikaw lang mag-isa sa bahay kaya inaya kita nung Christmas. I suppose your talk with your mom ended well?"

"Oo." I smiled. "Thank you nga pala sa konting push. Medyo magaan na yung pakiramdam ko after naming mag-usap."

"Masaya ako para sa'yo."

I smiled. Kahit hindi ko siya kausap nang harap-harapan, nakangiti pa rin ako sa sobrang saya.

Nagkaroon ng konting katahimikan pagkatapos niyang magsalita. Gusto ko sanang i-open up yung tungkol sa pag-aaral ko, pero tinawag na siya kaya naputol ang usapan namin. Baka sa susunod nalang.

Sinamahan ako ni mama para kausapin si Mrs. Yap kinabukasan. Kailangan kong pormal na mag sorry dahil hindi ako matutuloy sa inaapplyan kong workshop sana.

"Thank you po talaga Mrs. Yap." Niyakap niya ako ulit nang matapos kaming kumain at pauwi na kami.

"But still, if you need anything don't hesitate to call." Ngumiti siya at bumaling sa mama ko. "Mauuna na ako, take care you two okay?"

"Ikaw rin, Mildred. We should probably go now." sabi ni mama.

Naglakad kami papunta sa parking lot habang nasa kabilang side dumaan si Mrs. Yap at yung body guard niya. Nag seatbelt ako nang tumunog yung cellphone ko at nag flash yung mukha ni Josh sa screen.

"Ma, sasagutin ko po muna yung call." Paalam ko.

"Sige, I'll just wait here."

Bumaba ako ng kotse at sinagot yung tawag.

"Josh?"

"Hey, busy ka ba?"

"Hindi," I answered. "Hindi. Bakit?"

"Wala lang, hindi din ako busy. Kita tayo?"

"Okay." Pumayag ako. Hindi naman siguro magagalit si mama kung magkikita kami. "Saan ba?"

"Sa condo, I wanted to show you something. If that's okay?"

"Why not? I mean, bakit naman hindi?"

"Wala lang, baka may iba kang gagawin o hindi ka interesado kaya nagtanong muna ako." He chuckled.

"Curious ako kung anong ipapakita mo pero sige, magpapahatid ako kay mama, magkasama kasi kami ngayon."

"Talaga?" I heard a loud crack. "P-papunta na kayo dito?"

"Hindi nasa parking lot palang kami. Okay ka lang? Ano yun?"

"Yes, okay lang. And uh—sige take care! I'll wait."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PASALUBONG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon