Maloloka na talaga ako sa mga babae sa likuran ko. Halos itulak ba naman ako dahil tinitignan daw sila ng mga idolo nila!
"Grabe Justin bakit ang gwapo mo!?"
"Stell pagkatapos mo riyan umuwi ka sa bahay natin!"
"Ken wag ka magpakapagod hinihintay ka ng mga anak natin!"
Sumasakit ulo ko sa mga sinasabi nila sobra. Kahit nasa likod yung mga lalake at nagpapahinga muna saglit, panay ang kaway nila at pinapansin din naman sila in fairness.
"Ate?" Lumingon ako nang may kumalabit sa likod ko.
"Pwede palit po tayo? Ganda kasi ng pwesto niyo para makita po ako ni Sejun ng maayos."
Gusto ko talaga sumabog sa galit, ito yung kanina pa sigaw ng sigaw at kung anu-anong kabastosan ang sinasabi keyso hubaran daw, anakan mo ako...yuck.
Ngumiti ako sa kanya nang maloko sabay sabi, "pasensya ka na ha? Inutusan kasi ako nung isang member diyan na dito lang daw ako para makuhanan ko sila ng maayos."
Nanlaki yung mga mata niya pati na rin yung mga kasama niya.
"T-talaga? Kilala mo sila ate?"
"Oo naman!" Tse! Di ko nga alam sino sa kanila si Ken, si Stell o si Josh!
"Swerte mo naman ate! Sino amo mo?"
"Ha?" Nagulat naman ako. Bakit niya tinatanong kung sino amo ko?
"Amo ate?"
Hindi ko sila maintindihan!
"Bias ate?" Tanong niya ulit.
Tinuro ko nalang yung may bangs, matangos yung ilong tsaka malawak yung ngiti na kakaakyat lang sa stage.
"Si Justin! Naku ate andami na natin!"
Bakit ba ako nakikipag kwentuhan? Diba may trabaho pa ako? Ahh!
Tumalikod ako at humarap ulit sa stage. Napansin ko na puro mukha ito nang tumitingin sa gawi namin ang nasa camera ko kaya kinuhanan ko naman yung ibang miyembro.
They look so happy. I know sometimes I could be very observant and judgemental that's why when I looked at them, they look so happy while their fans are cheering for them.
Looks, check. Talent, check. Charisma, check. Kung funny sila at matalino at the same time, maiintindihan ko na kung bakit marami ang baliw sa kanila.
My job finished late. Siguro mapapatay na naman ako ng tiyahin ko dahil nakaligtaan ko na naman ang oras ng pagkain ni Champ at sa mga anak niya. Puno rin lahat ng jeep kapag rush hour at wala din sa isip ko ang mag taxi dahil hindi kasya ang perang dala ko.
Isinama ako ni Julie sa likod ng stage para ipakilala sa amo niya. Dahil siguro sa sobrang hectic ng schedule nila, ipinasa ko yung camera ko para matingnan nila yung mga shots tapos si Julie na at yung amo niya ang bahala. Naghintay lang ako sa labas ng dressing room, tinitignan ang mga posters na nakadikit.
SB19.
For a five member group, they're insanely famous. Most of the girls go for looks, I always say that because of my cousin. Ako? Hindi ko alam. I prefer guys that are intelligent over good looking. Wala lang, mas may dating sa akin ang lalaking matalino kaysa gwapo.
Pero kanina habang nakatingin ako sa mga audience, may mga kaedad ng auntie ko. May mga lalaki ding nanonood, mga bakla meron din. I wonder if there's something in them.
"Gusto mo?"
Napalingon ako sa gilid ko. Dibdib niya ang kaharap ko kaya inangat ko ang tingin ko at bumungad sa'kin ang matangos niyang ilong.
BINABASA MO ANG
PASALUBONG
FanfictionSB19 JOSH SHORT STORY FAN FICTION Inspired by Ben&Ben ft. Moira Dela Torre "Pasalubong" Copyright © 2021 sillysilhouette101 All rights reserved.