Chapter 9

9 1 0
                                    

Ilang segundo ko itong tinitigan. Akala ko talagang nagbibiro siya pero hinihintay lang niya yung reaksyon ko.

"Mahal 'to ah, ayokong tanggapin."

Nasa harapan ko ang isang Polaroid camera. Fujifilm Instax mini 9 ang nakalagay sa box. Alam kong mahal ito dahil may polaroid si kuya Ronin sa studio, regalo niya raw sa girlfriend niya.

"I don't know what else to buy, kaya camera nalang for personal use. And..." He paused. Kinuha niya ang box ng Instax at may stuffed toy na kulay yellow.

"Star plushie," he said.

"Sobra naman yata to 'e. Yung stuffed toy nalang yung akin."

"Hindi ba maganda yung camera?" Tanong niya.

"Maganda, hindi ko naman sinabing pangit. Kaya lang sobrang mahal niyan... yung regalo ko hoodie lang tapos isang chain necklace lang," I sounded so worried. Ang alam ko mahal talaga ang mga Instax, at least for me.

But I know him. Hindi niya ugali ang mag regalo ng sobrang mahal. He prefer saving his money than wasting them for a one-time thing.

"Astra, it's the thought that counts okay?" He said. "Thank you for the gifts. Di ako nag expect pero thank you pa rin."

"Ako din." I finally gave in. "Akala ko yung gift mo ay yung lunch lang with SB19 at dinner sa Family mo pero meron pa 'to. Thank you."

Tinutulugan niya ako sa pagbukas ng box ng camera. Binasa niya yung instructions doon sa papel at sabay naming sinet-up ang polaroid camera.

"For the first picture, should we take a selfie?"

Napalingon ako sa kanya. "Sure ka?" Tumango siya.

"Ayoko, ikaw nalang picturan ko?" Alok ko pero ayaw niya talaga.

"Isang shot natin, tapos solo. Game?" He asked. Pinagbigyan ko nalang siya dahil parang nagmamakaawa yung mukha niya. Pasko naman.

I sat beside him. Tinalikod ko yung camera tapos nag smile kami pareho. Naghintay muna kami ng ilang minuto para ma develop yung picture. Nang tinignan ko yung pic, it looked so cute because he smiled so wide and I was looking at him while smiling.

"Mukha kang inlove sa'kin." He whispered. Sa sobrang gulat ko, nahampas ko siya sa braso.

"Anong inlove? Tinitignan ko lang kung ready ka na ba."

But he just laughed. Mukha siyang masaya talaga. Yung ngiti niya kapag nakikita yung fans nila, yung A'tin, at yung ngiti niya ngayon ay parehong pareho.

"Okay, ikaw naman." I cleared my throat. Nag pose na siya habang hawak ang star na plushie.

Siya lang yung tinitignan ko habang kinukuhanan ko siya ng picture. I am trying to memorize every piece of this night so I could surely recall when the time comes.

"Family picture kayo? Ako magp-picture." I suggested. Nanonood pa naman yung mama at ate niya kaya tinawag niya.

"Okay, ready po." I positioned the camera and tried to adjust so I could have a perfect shot.

Naghintay muna kami ng ilang minuto para makita yung picture sa film. Pinakita ko sa kanila agad yung picture at natuwa naman sila. It was just a simple picture dahil hindi naman mahirap i-operate ang instax. The next shot, they included me with their family picture. Tinalikod ulit namin yung camera at clinick.

Yung family picture lang nila yung kinuha ni Josh. The rest, he told me to keep it. Sa balcony kami tumambay nung malapit nang mag 12 AM para pakinggan yung third single nila.

PASALUBONG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon