"Ang dami naman yata niyan? Para sa'min ba yan?" Tanong ni Justin habang nagmamaneho siya.
"Oo, uhm...nakakahiya kasi kung wala akong dala."
"Hala siya, okay lang naman malakas ka sa'min kasi malakas ka kay Josh. Pero thank you, sana all binibilhan ng gifts."
Natawa ako. Hindi na ako nagsalita pa kasi may pinag-uusapan din ang dalawa. Nasa likod ni Justin si Josh at nasa gitna namin ang mga paper bag. Para tuloy naming driver si Justin.
"Saan tayo?" Tanong ko.
"Resto. Regalong lunch sa'min ni Tatang Robin tapos kami-kami lang kaya sinama na kita, baka ma bore ka sa bahay."
Palihim na tumatawa si Justin. Akala niya siguro hindi ko makikita pero nakatingin ako sa salamin.
"Magkakilala na ba kayo dati? Ang alam ko binigyan ko ng packed lunch itong si Astra nung isang mall show natin 'e."
"Hindi." Sabay naming sabi.
"Uh, nagkita kami sa isang birthday party." Sabi ko.
"We eventually became friends."
"Ay? Friends lang?" Tanong niya. Akala ko si Josh lang mapang-asar, siguro lahat ng members ng SB19 ganito?
"Siraulo." Si Josh ang sumagot.
Nakarating kami sa restaurant kung saan kami magl-lunch. Habang papalapit kami, mas lalo akong kinabahan. Kanina si Justin lang yun, paano na kapag nakita ko yung tatlo.
"Hi!" Nilapitan ako ng isa tsaka naglahad ng kamay. "Stell nga pala, ikaw yung Astra?"
Tumango ako. "Uh, hi. Yes, nice meeting you."
"Masyado ka namang pormal! Halika ka pumasok ka sa aming dining area!"
Masyado siyang bubbly. Parang kaugali niya si Thea.
"May gift pala ako sa inyo, dala ni Josh." I smiled.
"Talaga? Hala nag-abala ka pa, pero thank you ha. Kami wala kaming gift sayo, bawi nalang kami next year?"
Natawa ako. "Hindi ako sanay na may nagbibigay ng gifts kaya okay lang."
Dumating na yung isa pang ka grupo nila. Nag hi lang siya sa'kin tapos umupo sa gilid ko.
"Hi."
"Hi."
"Ken," naglahad siya ng kamay. "Jowa mo Josh?"
"Uh, hindi." I awkwardly smiled. Mukha ba kaming may relasyon? "Friends lang."
"Weh." Sabi niya, halatang di naniniwala. "Anyway nabanggit ni Jah may gift ka raw sa'min, thank you ha."
"Maka thank you naman kayo, konting gift lang yan."
"Thank you pa din. Thoughtful mo naman, swerte ni Josh sayo." Sabi ni Ken.
"Oo nga. Pero friends lang daw 'eh. Hindi pa gumagalaw ang ating charismatic member." Pang-aasar ni Stell.
"Nako Josh galaw galaw, wala kang kaagaw." Si Justin naman. "Walang kaagaw diba, star?" Nilingon niya ako.
"Ano ba kayo, magkaibigan lang kami." Natatawa ako pero pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko sa hiya.
"Star? Ahhh, medyo lag ako dun ah. Pero oo nga 'no? Diba meaning ng Astra is star? Star ka ng buhay ni Josh? Yieeee."
"Tumigil nga kayo. Maiilang yan di na yan sasama sa'tin." Si Josh.
"Yieeee, baka ikaw yung mailang. Diba sabi mo kanina isasama mo crush mo. Edi crush mo si Astra." Sabi ni Justin.
BINABASA MO ANG
PASALUBONG
FanfictionSB19 JOSH SHORT STORY FAN FICTION Inspired by Ben&Ben ft. Moira Dela Torre "Pasalubong" Copyright © 2021 sillysilhouette101 All rights reserved.