Chapter 2

6 3 0
                                    

"Anong ibig mong sabihin?" Paglilinaw ko.

"Hindi mo kabisado ang mga mukhang nakakasalubong mo...right." mahinang tawa niya. He handed his hand on me and smiled.

"Josh."

I was taken aback. "Josh as in...that performer?"

"One and only," sabi niya. Tinignan niya ang kamay niyang hindi ko tinanggap kaya siya nalang ang nag shake hands sa sarili niya.

"Sorry, and...tama ka. Hindi ko talaga kabisado ang mga mukhang nakakasalamuha ko." Napakamot ako sa ulo bigla sa sobrang hiya. "Astra," I introduced myself.

"Nice to meet you." He sounded so polite. Ewan ko ba, but there's something about his voice na parang nagpapakalma sa akin.

"Mauna na ako sa loob?"

"Mag-usap muna tayo." Suhestiyon niya.

"Okay, anong pag-uusapan natin?"

"May pictures ka pa ba doon sa performance namin last time?"

Siguro kung nagsasalita ang mukha ko, tanging masasabi lang nito ay 'huh?' kasi bakit niya alam na kumukuha ako ng litrato nung mall show nila?

"Bakit mo alam na kumukuha ako ng litrato?" He just unleashed the overthinker inside me. Sa dinami-dami ba naman ng mga tao doon?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Maraming tao doon." Pangangatwiran ko. "Nasa unahan ako pero hindi ako sumisigaw o ano para mapansin-so why?"

He chuckled. His bunny teeth showed.

"Sabi ni Ken ang ganda mo raw."

This guy...he never failed to surprise me. Pero sino si Ken?

"Si Ken member din ng grupo namin, if you're asking. I mean, the way you look..." Dagdag niya. Now I feel so awkward, or I'm making him feel awkward.

"Okay." Ngumiti lang ako. Sanay naman ako makigpag-usap sa ibang tao pero ngayon sobrang sabaw ko talaga siguro na wala akong masabi.

O baka dahil naiintimidate ako sa kanya.

"Anyway here," inabot ko sa kanya yung camera na dala ko. "Just press this one to scan the other pictures. Uhm, maiiwan muna kita? Sa banyo lang ako."

"Okay. I'll stay here." He smiled.

"Paki-ingatan yung camera ko kasi nag-iisa lang yan."

"Right, I will." Sabi niya. Good. Mabuti at nagkakaintindihan kami.

Nahawakan ko slight yung kamay niya nang kinuha niya yung camera. Mukhang ako lang din yung nakapansin o baka sanay na siyang mahawakan yung kamay niya?

Pumanhik ako sa comfort room na hindi naman kalayuan mula sa kinatatayuan namin kanina at inayos ang mukha.

Nakakahiya naman. Nagawa ko talagang makigpag-usap sa Josh na yun tas ganito pala mukha ko? Namaga na agad yung mata ko kahit halos araw-araw akong umiiyak sa pagod. Nanghilamos kaagad ako at pinunasan ang mukha bago lumabas.

Pagdating ko, nandoon pa rin siya sa balkonahe at nakangiting nakatitig sa camera. He look just fine. Ang suot niyang maroon red suit ay bumabagay sa tema ng birthday party at sa proportion ng katawan niya.

"Punta na tayo sa loob?" I asked him. Ibinigay niya sa akin ang camera at ngumiti.

xXx

Dahil kinausap niya ako kanina, biglang nawala yung problema ko kahit panandalian lang. Huminga ako nang malalim nang makalabas ako sa hotel at naghahanap ng sasakyan pauwi, iniisip kung paano ko kokumprontahin si auntie para ibigay niya sa akin ang pera ko.

Kaya ko naman talaga bumukod, maghanap ng mauupahan, tumira mag-isa, pero yung thought na maiiwan ko yung mga pinsan ko dahil yung nanay nila sugarol at hindi gumagawa ng gawaing bahay? Parang hindi ko yata kakayanin.

"Going home?"

"Ay palaka!" Pagkalingon ko sa kanan, si Josh na naman ang nakita ko.

"Una na kami pre," sabi nung isang guest na hindi ko kilala.

"Sige, ingat sa byahe." Ngiti naman niya. Nang tumingin siya sa'kin, tinaas ko ang dalawang kilay ko kaya napatawa siya.

"I just thought I wanna be friends with you, syempre if okay lang sa'yo?"

Bakit parang ang random naman niya yata? Pero sino ba ako para humindi? Ganda ba ako?

"Bakit naman hindi?"

"Nice!"

Nagulat ako sa reaksyon niya. Nagulat din ako dahil gusto niyang makipagkaibigan. It's been years since I had new friends. Yung mga kaibigan ko noong highschool, panigurado hindi na nila ako kilala ngayon.

"Saka na muna ako uuwi kapag nakauwi ka na, maghihintay lang tayo ng taxi para safe."

"Uh, hindi ko afford e." Nahihiya kong sabi. "At kaya ko naman mag commute, salamat sa concern."

"Wag ka mag-alala, it's on me."

"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Kasi pumayag ka na maging magkaibigan tayo?"

Hindi ko na talaga siya ma gets. Magrereklamo pa sana ako pero may humintong taxi sa tapat namin kaya wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.

Nakarating na kami sa iskinita kung nasaan ang bahay namin. Kabado ako dahil baka husgahan niya ako o ano, kasi sa ganitong lugar lang ako nakatira at hindi ako sing yaman niya.

"Uh, thank you ha? Babayaran kita sa susunod na magkita tayo."

"Wala yun, wag mo nang isipin." Ngiti niya.

Bumaba na ako at kumaway nang tuluyang umandar ang taxi. Hindi ko alam pero napangiti ako bigla. Nag flashback sa isip ko yung tingin niya kanina at yung pagtawa niya.

Nakangiti akong pumasok sa bahay pero isang malutong na sampal ang sumalubong sa akin.

PASALUBONG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon