Chapter 4

6 3 0
                                    

Matagal-tagal na kaming hindi nagkita.

Pagkatapos ng gabing iyon, nag desisyon siyang patulugin muna ako sa isang inn. Hinatid niya muna ako tsaka siya umuwi sa kanila. Pagkatapos nun, naghanap ako ng murang mauupahan.

Mag-isa, pero mas masaya ako dahil hindi na ako bumabangon sa umaga na labag sa loob ko.

Buti nalang may ibang gig akong nahanap. Maliban sa pagiging photographer, pinag-aaralan ko kung paano magbenta ng mga bagay bagay pang dagdag kita na rin para maipon ko ulit yung perang kinuha sa akin.

Gusto kong magtrabaho pero yung hinahanap nila, atleast college undergrad. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Josh na kung hindi niya nilagay sa resume niya na college undergraduate siya, hindi siya tatanggapin ng kompanya.

Kumusta na kaya yun? Huling balita ko, marami silang mall shows kaya siguro wala siyang time lumabas o ano. Active naman siya sa social media pero ayoko siyang ichat kasi baka ma distorbo ko siya.

"Salamat dito ha."

"Thank you din po."

"Kapag may nagtanong 'san ko to binili, contact kita agad."

"Sige po, maraming salamat!"

Nakangiti akong umuwi sa inuupahan ko. Ihinagis ko ang sarili sa kama na parang lantang gulay dahil sa pagod pero masaya naman dahil marami akong naibenta. Naisip ko, baka deserve ko naman ang kumain ng masarap sa ilang araw kong pagod para itaguyod ang sarili ko.

Naligo muna ako tsaka nagbihis ng desenteng damit saka lumabas ng bahay. Marami akong gustong kainin pero saka na yung iba kapag malaki na kinikita ko.

Tanaw ko ang street food vendor sa unahan. Kaagad akong lumapit at tinignan ang mga tindang kwek kwek, tempura, fish ball, squid roll, at mga isaw. Parang may fiesta.

"Kuya, pabili po."

"Kuha ka lang jan, iha."

Namiss ko 'to. Yung pakiramdam na pagkatapos ng klase dati bumibili ako ng street foods dahil nakakagutom yung mga ginagawa sa school. Hindi na naulit yung pag kain ko nito dahil kinailangan kong magtrabaho para mapag-aral ang sarili ko.

"Masarap ba?"

"Oo." Sagot ko naman sabay tango kahit puno ng kwek kwek yung bibig ko. Nagtaka ako kung saan galing yung tanong kaya tumalikod ako at tumama yung noo ko sa visor ng cap ni Josh dahil nakayuko pala siya.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakangiti siya. Nilunok ko nalang agad yung kwek kwek kahit hindi ko pa nangunguya masyado, mainit pa naman!

"Ba't ka nandito?" Hindi ko na yata kaya! Nabulunan ako dahil kinain ko yon ng buo, buti nalang inabutan kaagad ako ni manong ng buko juice.

"Ginulat ba kita? Sorry, eh kasi ang sarap ng kain mo sa kwek kwek kaya tinanong kita."

"Nakatalikod ako? Kilala mo na agad ako?"

"Instincts." He winked at me. Tumayo siya sa gilid ko tsaka kumuha din.

"T-teka, kumakain ka ba nito? Hindi ba sensitive yung tiyan mo? Baka allergic ka pala sa kung ano wala pa naman akong number sa mga hospital dito?" Sunod-sunod kong tanong.

"I eat street foods, Astra. Trust me, I'm fine." Ngita niya. Nahahalata ko na panay ang ngiti niya kapag nagkikita kami.

Kung sabagay, hindi ko idedeny na namiss ko siya kasi ilang araw din kaming hindi nagkita.

"Kumusta ka na? Nandoon ka pa ba sa bahay ng tita mo?"

Umiling ako. "Umupa lang ako ng murang tirahan malapit dito. Ikaw?"

PASALUBONG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon