"Hala okay ka lang ba?"
Tinapik ko ang likod niya. Buti nalang madali kong naabot sa kanya yung tubig. Bakit siya nabulunan sa sinabi ko?
"Huy sorry," nakokonsensya talaga ako. Kung napano 'to dito baka bukas ay nanghihimas na ako ng rehas.
"No, it's not your fault. Hindi ko lang talaga inasahan yung sinabi mo."
"Joke lang naman yun 'eh. Tsaka masyado na akong matanda para magkaroon ng crush, wala pa sa isip ko yun."
Tuloy kami sa pagkain. Nabaling yung pag-uusap namin sa show nila sa Negros nung isang araw at kung gaano siya kasaya dahil marami ang nanood na A'tin sa kanila. Nakakahawa yung saya niya habang nagk-kwento siya. Talagang mahal na mahal nila yung fans nila, walang duda.
"Astra," tinawag niya ako pagkatapos kong iabot sa tindera yung bayad namin.
"Hmm?"
"Pakilala kita sa mga ka grupo ko?"
"Ha!?" Nagulat ako. Napalakas yata yung pagkakasabi ko kasi lumingon sa'min yung ibang kumakain.
"I mean, kung gusto mo lang. Tsaka magkaibigan naman tayo, nababanggit ko na din kay mama kung bakit minsan late ako ng uwi sa condo."
Kinabahan naman ako bigla. Makikita ko talaga ulit ang SB19 ng libre? Tsaka mama niya?
"Sige...kailan ba?"
"Bukas?"
"Noche Buena?"
Tumango siya. "If okay lang, di kita pipilitin kung naiilang ka."
"S-sige." Sagot ko pero hindi talaga ako sigurado.
"Sure ka ba red lip girl?"
Tinignan ko siya nang masama. "Nang-aasar ka na ha?"
"Joke lang."
"Tsaka seryoso ako, gusto ko din kasi ma meet si Justin." Inasar ko siya. Ang totoo gusto ko ma meet yung apat. Nagiging fangirl na nila ako 'e, for me it would be an honor to meet them personally. Magp-picture na din kami para may remembrance.
"Okay. Sunduin ka namin dito bukas. Mga 11 para makapag lunch tayo kasama sila Sejun tapos sina mama yung kasama natin sa dinner."
Grabe. Sobrang planado na niya yata yung mangyayari bukas. Napaisip ko tuloy kung may presentable ba akong damit para bukas.
"Okay, game."
"Nice. Thank you ha?"
"Para saan?" Nilingon ko siya.
"Thank you lang. For letting me in your life, for...being my friend."
"Diba dapat ako yung mag t-thank you? Karangalan kaya ang maging kaibigan mo." Pinapasok ko siya sa munti kong tinutuluyan. Kampante ako na hindi niya ako huhusgahan dahil alam niya yung kwento ko.
"Josh, may nag offer sa'kin na siya mags-sponsor para sa workshop ko for photography." Share ko sa kanya.
"Talaga? That's good. May nahanap ka na ba? Tulungan kita?"
"Oo pero grabe ang mahal pala, parang nakakahiya naman."
Hindi muna siya umimik. Ilang sandali pa bigla siyang tumingin sa'kin at nagsalita. "Actually mas maganda if i grab mo muna yung opportunity, kasi sayang din. Tapos kapag mas marami ka ng natututunan sa workshop, marami nang kukuha sayo, eventually mababayaran mo din yung nagastos ng sponsor mo sayo."
Napaisip din ako sa sinabi niya. Pwede din naman. Kaya lang sobrang nakakahiya kay Mrs. Yap. Pero pwede kong gawin yung suggestion ni Josh, sure naman ako na mas mapapalago ng workshop yung skills at connections ko.
BINABASA MO ANG
PASALUBONG
FanfictionSB19 JOSH SHORT STORY FAN FICTION Inspired by Ben&Ben ft. Moira Dela Torre "Pasalubong" Copyright © 2021 sillysilhouette101 All rights reserved.