Chapter 5

7 2 0
                                    

May narinig kaming 'click'.

Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at mabilis na lumingon. Nakalimutan kong hindi naman pala basta basta itong kasama ko!

"Narinig mo ba yun?"

"Yeah." Tumango siya. "But I don't think they know us."

"Sira, paano kung fan mo yun?"

"Hindi nila ikakalat yon. Besides, I was just hugging you."

Kung sabagay. Pero ewan ko ba, ako yata ang mas kinakabahan kaysa sa kanya. Paano kung ipost iyon online? Paano siya?

"Feeling better?" Tumingin siya sa'kin.

Tumango ako.

Ilang segundo ay biglang umambon kaya hinubad niya ang cap niya at pinasuot sa akin.

"You should wear this."

"Paano ka?"

"Magc-commute ako pauwi. Ikaw, lalakarin mo lang kaya mas mababasa ka."

Nagpasalamat ako ulit sa kanya.

"Safe ba sa tinutuluyan mo?"

Napaisip naman ako sa tanong niya. "Siguro? Wala naman akong napapansin na may gulo."

"That's good." Sumulyap siya sa daan. "Gusto sana kitang ihatid pero kailangan ko na rin kasing umuwi,"

"Para naman akong bata neto." Hindi ko mapigilang matawa. Napaka protective naman niya at nagmumukha kaming magkapatid dahil sa ginagawa niya.

"Okay lang uy, tsaka alam ko naman na busy ka kaya hindi mo na ako kailangan ihatid. Samahan na kaya kita sa sakayan? Hindi na yata uulan."

"Baliktad yata, ihahatid na kita tsaka ako uuwi."

"Yung cap mo?"

"Sayo na yan, remembrance."

"Sure ka ba?" Tanong ko.

"Oo nga, sayo na yan." Sabi niya na parang nakukulitan na kasi ang dami kong tanong

Sabay na kaming naglakad patungo sa inuupahan ko. Bago ako pumasok, kinawayan ko siya at ngumiti. Hinubad ko ang sumbrero niya at tinignan nang mabuti tsaka inamoy.

"Grabe ang bango naman? Pinaliliguan niya rin ba to ng pabango?"

Hindi ako pamilyar sa amoy pero sigurado ako hindi ko afford ang pabango niya. Siguro kapag naaamoy ko to, siya ang maaalala ko at ang gabing 'to.

xXx

"Impressive shots, miss Silvestre."

Kinikilig ako sa feedback ng client. I smiled and shook her hand.

"Did you join any workshop? college degree for this, perhaps?"

"Uh, free lancer lang po. I'm interested in joining workshops po to improve my skills pero hindi pa po kaya ng budget."

I couldn't avoid this question every time I do my job. Nahihiya din akong sabihin yung totoo kasi baka makaapekto iyon sa impression nila sa'kin.

In reality, hindi na skills o talent ang basehan ng mga tao. Tinitignan nila kung nakapagtapos ka ba, o may kaya ba ang pamilya mo. Kung hindi, ligwak ka. Kaya nagpapasalamat ako kapag may tunay na nakakaappreciate ng ginagawa ko. Dito na nga lang ako magaling, hindi pa madalas nakikita ng mga tao.

"Really? I could tell you are a very skillful photographer. You have potential, ija. But I want to ask how did you learn to take photos?"

"Out of a hobby lang po." I smiled. "Through the years mas minahal ko po yung photography, I eventually bought something to help me achieve my dreams. I watched YouTube tutorials on how to use this camera po and basic photography skills."

PASALUBONG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon