Episode 1

409 5 0
                                    

      Alas singko ng madaling araw ng magising ako. Bumangon na ako upang kumain ng almusal. Naramdaman ko ang pagkulo ng kalamnan ko. Lumabas ako ng kwarto ko upang kumuha ng makakain. Nakapagtataka naman na wala akong naririnig na ingay na nagluluto sa kusina?

Nang ako'y makababa ng hagdan ay palingon-lingon ako.

"Yaya Lina? Manang lourdes?" Tawag ko sa mga kasambahay.

Sumilip ako sa sala pero wala.

Patay ang ilaw.

Mga tulog pa yata.

Si mommy at daddy tulog pa rin iyon.

Dumiretso ako sa kusina.

Grabe ang dilim a? Binuksan ko ang switch ng ilaw at dumiretso ako sa ref. At kumuha ng isang slice ng cake.

Pinatong ko iyon sa lamesa na nasa gitna ng kusina namin at inumpisahan kong kumain.

"Nakakalungkot kumain mag isa." Habang kumakain ako ay may nakita akong babaeng nakatalikod na nakatayo sa tapat ng T.V sa sala. Tanaw na tanaw ko iyon dahil nakabukas ang pintuan dito sa kusina.

"Yaya Lina ikaw ba'yan? Yaya?" Hindi pa rin gumagalaw yung babae. Tumayo na ako at dahan dahang nag lakad pa punta sa babae.

"Uy? Yaya? Ikaw ba'yan?"

Limang hakbang nalang ang layo ko sa kanya. Bakit kinakabahan ako?

Humakbang pa ako.

Apat na hakbang na lang..

HAKBANG.

tatlong hakbang na lang

HAKBANG.

Dalawang hakbang na lang

HAKBANG.

isang hakbang na lang.

HAKBANG

"Uhm.. Excuse me?"

Hinawakan ko ang balikat nung babaeng nakatalikod at dahan dahan itong lumingon

"AAAAHHHH!!!"

Napasigaw ako dahil ang nakita kong babae na nakatalikod ay walang iba kundi AKO!

Si Kara.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon