KABANATA LIMA+

215 3 1
                                    

Hanna P.O.V+

     Nakakainis si ate Aira! Ang sungit sungit sa akin! Tapos kay Kuya Loki ang bait niya! Bakit ba siya nagustuhan ni kuya Loki? Dapat ako na lang! Pareho naman kaming maganda! Mas mabait pa ako!

Nakakainis! Dapat ako na lang talaga! Gustong gusto ko talaga si kuya Loki

Napahinto ako ng may nakita akong babae na hinahawakan ang mga bulaklak sa garden. Nasa duyan kase ako malapit sa garden kaya kitang kita ko yung babae.

Lumingon siya sa akin at nginitian ako. Kaya ngumiti din ako, nag vibrate yung phone ko sa tabi kaya binasa ko yung text pero pag tingala ko ay nasa harap ko na yung babae

"Ah-eh.. sino ka? Bat nandito ka?" Tanong ko sa babae

"Anak ako ng dating may ari ng bahay niyo ngayon. Dinalaw ko lang yung mga flowers sa garden.
Ok lang ba?"

"Huh? O-oo! Ok lang! Tara tabi ka sakin!" Nginitian niya ako at tumabi sa akin

"Ang gaganda ng mga bulaklak noh? Dati kase talagang inaalagaan namin yan nila manang Lourdes" kwento niya pero bakit ang lungkot ng mata niya?

"Hayaan mo. Pwede naman natin silang alagaan. Ay! Yung parents mo nag migrate na daw sa states sabi ni mommy. Eh sinong kasama mo sa bahay niyo?"

"Marami. Marami akong kasama" sabi niya sabay ngiti ulit.

nakakainggit naman yung kulay ng balat niya. Ang puti,

"Uhm.. ilang taon kana?" Tanong ko at ngumiti ulit siya

"Mag ka edad lang tayo"

"Aah.. uhm, ako nga pala si Hanna"

Sabi ko at nilahad ang palad ko. Nakipag kamay naman siya

"Natutuwa akong makilala ka..
Ako nga pala si KARA"

Si Kara.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon