KABANATA LABING TATLO+

177 3 0
                                    


Nagising ako.. nakita ko si Hanna na nakatingin sakin

"Hanna, nasan ako?"  Nakita ko na inikot nya ang paningin nya

"Hindi ka pa patay. Tss ano ba kaseng ginagawa mo sa cr? At nakita ka namin na sigaw ng sigaw habang kinakalmot yung mukha mo"

A-ano? Kinakalmot ko ang mukha ko? Pero diba-

"Anak! What happen ba? Anong bang nasa isip mo at pinag kakalmot mo yung mukha mo? "  sabi ni mommy habang hinahaplos ang buhok ko. Ano bang kasalanan ko? At sinabi nya na kailangan nya ang buhay ko? Sya daw si Kara. Bakit parang narinig ko na ang pangalan niya? Bakit? Sino ba talaga sya?

"Aira, uuwi muna kami ni Hanna sa bahay, babalik kami bukas, gabi na kase ngayon. So take care" lumabas na sila mommy. Bakit ganon? Kinikilabutan ako?

Madilim na, baka sinundan ako nung kara? Hindi.. ayoko na syang makita,

Ano yun? May naririnig akong yabag palapit sa pintuan ng kinalalagyan ko dito sa ospital.

Nanlaki ang mata ko ng dahan dahang bumukas ang pinto.

At-


"Hi, ok ka na ba?" Hooo, si Loki pala

"O-ok nako. Bakit pumunta ka pa? Gabi na ah?"  Lumapit sya sakin at hinatak ang upuan papunta sa Hospital bed sa gilid ko

"Wala ka kaseng kasama, sige na Aira, Matulog ka na,"  nginitian ko muna sya at pumikit na..

Nagising ako ng may naririnig akong iyak. Iyak ng babae! Iyak na parang may echo! Inikot ko ang paningin ko at nakita ko si Loki na nakahiga sa sofa at tulog na tulog. Umupo ako at hinahanap parin ang iyak na naririnig ko

"Huhuhuh..*huk* huhuhu*huk"

Bumangon ako at lumapit sa pinto.

Dahan dahan ko itong binuksan.

At walang ka tao tao sa hallway..

Sinara ko ang pinto at nagimbal ako Nang lumingon ako sa likod ko..

Kase-

May--


May babaeng naka tiwarik!

Naka apak ang paa niya sa kisame!

Kaya naka baliktad sya!

Yung ulo niya ay naka tapat sa mukha ko!


Ngumisi sya! Oh my god! Gusto kong sumigaw! Pero hindi ko magawa..

"Aira... Malapit na tayong mag sama.. Katulad ng dati.. Hindi kita mapapatawad sa Ginawa mo sakin! Pero wag kang mag alala..ako parin ito.. Si Kara.. ang Bestfriend mo, Aira"

"AHHHHHHHHHHHH!!"

"Aira!Aira!" Napadilat ako nang niyuyugyog ako ni Loki..

Nandito parin ako sa pinto! Nakasandal..

"Loki.." niyakap ko nalang sya habang humahagulgol.

Ano bang sinasabi ni kara? Paano ko syang naging bestfriend?

Si Kara.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon