Aira P.O.V+
Nag lalakad ako papunta ng kusina ng nakita kong nakaawang ang pinto ang pinto sa kwarto ni Hanna. Maagang umalis si hanna kanina kaya alam kong hindi pa siya bumalik.
Pumasok ako sa kwarto niya ng may makita akong babae na nakatalikod habang nakadungaw sa bintana
"S-sino ka? Bat nandito ka sa kwarto ni Hanna?" Tanong ko habang unti unting lumalapit sa babae
"Haha.. konting araw na lang.. haha" napahinto ako ng marinig ko ang nakakakilabot na boses na nag mumula sa babae
"S-sino ka?!"
"Haha..haha" lumapit pa ako hanggang sa isang hakbang na lang ang pagitan ko sa kanya
"Humarap ka sakin!" Napatigil ako ng makita ko unti unti siyang humarap sa akin.
"Aaaahhhhhh!!!" Napasigaw ako ng makita ko ang mukha niya na puro dugo at nanlilisik ang mata niya sakin
"Natatakot kana ba Aira?"
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mag kabila kong pisngi gamit ang isa niyang kamay at hinigpitan ang pagkakahawak
"B-bitawan mo ko! Sino kaba?! Lumayas ka dito"
"Bahay ko to ! Kaya wala kang karapatan na paalisin ako dito! Tandaan mo Aira! Papatayin kita!" Pag ka sabi niya non ay malakas niya akong tinulak kaya napaupo ako sa sahig at biglaan nalang siyang nawala.
"Ate Aira! Anong ginagawa mo dito?!" Nakita kong nilapitan ako ni Hanna
"Hoy! Bat tulala ka diyan?!"
"M-may.. M-multo sa kwarto mo"
"Nanakot kapa ah! Alis!" Hinatak niya ako hanggang sa mailabas niya ako sa kwarto niya at naiwan akong tulala. Sino yung multo nayon?
BINABASA MO ANG
Si Kara.
HorrorKapag nakita mo siya, umiwas ka na. Kapag nakita mo ang mga ngisi niya, lumayo ka na. Kapag tinitigan ka niya, pumikit kana. Kapag hinawakan ka na niya, Tumakbo ka na. at makikilala mo na... si KARA.