5:49 pm na, pero ang dilim na sa labas.
Hintayin ko na lang sa kwarto si Iwee.
*BLAAAAAGGGGG*
Ano yon? Bakit may bumagsak ata sa baba?
"Parang awa mo na!"
Boses ni manang Lourdes!
Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko..at..
"Shhh..Kara.. M-mag t-tago ka dito. Huwag kang aalis" naiyak na lang ako at napatango kay yaya Lina.
Nag tago ako sa ilalim ng kama.
Lord. Ano bang nangyayari?
"HUWAG! MAAWA KA KAY MANANG LOURDES! WAG MO SIYANG PATAYIN!"
natatakot nako..
Ano nang nangyayari?
Nawala ang ingay at habang nakadapa ako sa ilalim ng kama ay nakita ko na bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
*dugdug*
Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa pag hikbi ko.
Nakita kong naglalakad ito ng dahan dahan..
Huminto sya sa tapat ko kaya ganon na lamang ang pag iyak ko at nagulat ako ng nasilip niya ako!
"Mag tatago kapa ha!"
"AAAAHHHHHH!"
sa sobrang taranta ko ay mabilis akong nakatakbo at nakalabas ng kwarto. Nakita ko na hinahabol parin ako.
Pag baba ko ng hagdan ay nakita ko na walang buhay si Manang Lourdes at si Yaya Lina at ang guard!.
Tumakbo na lang ako at tumungo sa Main door..
"Kara! What happen?!"
"Iwee! Umalis na tayo dito! Go!"
"Ha? P-pero bakit?"
"Basta!"
Nagulat ako ng may humablot ng buhok ko at sinaksak ako sa binti kaya napadapa ako sa sahig at nakita kong natulala lang si Iwee
"Iwee! Takbo!"
Huli na dahil agad siyang hinablot at inuntog sa pader ng paulit ulit hanggang sa maglabasan ang laman sa ulo ni Iwee
"B-bakit mo g-ginawa to?! Ang sama mo! " napaatras ako ng lumapit siya sakin.
Sinabunutan niya ako na kulang na lang ay dumugo ang anit ko
"KATING KATI NA AKO NA PATAYIN KA KARA! "
"NAPAKA SAMA MO! MAMAMATAY TAO! HAYOP KA!"
"MANG AAGAW KA KASE!"
Nagulat ako ng dukutin nya gamit ang daliri niya ang saksak sa binti ko
"AAHH! TAMA NA!" Halos mamilipit ako sa sakit lalo na nung halos nilaslas niya ang dalawa kong binti!napa higa na ako sa sahig
"ANO?! MASAKIT BA?! HA! KARA!? YAN ANG NAPAPALA MO!"
"M-mapupunta ka s-sa Impyerno!"
"ANONG SABI MO!" Sinunod sunod niya na pinag sasaksak ako..
Namanhid na ako at nakita ko ang mukha niya na napaka laki ng ngiti.
At nawala na ang lahat
BINABASA MO ANG
Si Kara.
HorrorKapag nakita mo siya, umiwas ka na. Kapag nakita mo ang mga ngisi niya, lumayo ka na. Kapag tinitigan ka niya, pumikit kana. Kapag hinawakan ka na niya, Tumakbo ka na. at makikilala mo na... si KARA.