JANNETH P.O.V (mother of Aira&hanna)Pag kauwi namin ni hanna ay dumiretso na sya sa Kwarto. Bakit ba ganito? Simula ng lumipat kami sa bahay na ito ay kung ano ano na ang nangyayari..
Nakikita ko si Hanna na nag sasalita mag isa, at nakikita ko si Aira na sinasaktan ang sarili nya.
Natatakot narin ako. Lagi akong nananaginip.
Lagi nya akong tinatawag sa panaginip ko.
Nandyan parin ang malambing nyang boses..
Ang maganda niyang mukha..
Laging may luha sa mata niya..
Bakit ako ang nilalapitan nya?
Nalulungkot daw sya..
Bakit ba kase?
Bakit pinatay si Kara? Ang Bestfriend ni Aira.
Nung namatay si Kara ay grabe ang pag ka depress ni Aira. Kaya kinuha ko si Hanna mula sa paris upang matulungan nya si Aira na makalimot..
Nung nalaman ni Aira na patay na si Kara ay pinilit nyang makalimot.
Sumama sya sa Outing ng pamilya ni Zane ang Boyfriend ni Aira .
At doon nangyari ang Trahedya..
Ano yun! May umiiyak!
Ayun! Nakita ko! Nakatalikod sya sakin! Nakaharap sa kama ko! Lumapit ako..
Oh my god! Humarap sya sakin..
"Tita.. ayoko na, nahihirapan na ako, tita.." naluha ako ng makita ko si Kara! Umiiyak sya..
Nilapitan ko sya
"Kara.."
"Tita..Ayokong mag isa.. nalulungkot ako.. tita huhuhu" si Kara.. umiiyak sa harap ko
"Puntahan mo na ang dapat mong puntahan"
"Pupunta ako dun tita.. isasama ko ang bestfriend ko.. si Aira" nanlaki ang mata ko at napaatras ako nang makita ko ang ngisi sa labi nya
"Bakit tita? Diba yun naman ang hiniling mo? Na lagi kong sasamahan si Aira? Dahil di mo mapakita na mahal mo sya? Hahaha! Isasama ko sya! AT WALA KANG MAGAGAWA!"
BINABASA MO ANG
Si Kara.
HorrorKapag nakita mo siya, umiwas ka na. Kapag nakita mo ang mga ngisi niya, lumayo ka na. Kapag tinitigan ka niya, pumikit kana. Kapag hinawakan ka na niya, Tumakbo ka na. at makikilala mo na... si KARA.