Nasa hallway ako ng building ng school ng may kumalabit sa akin.
"Ate, Aira!"
"Oh bakit na naman Hanna?" Mataray kong sagot sa kapatid ko na si Hanna.
Ako si Aira Hernandez, 1st year college na ako dito sa Will University.
At yung kumalabit sa akin ay si Hanna, 16 years old siya at 17 naman ako
"Ate! Pwede na tayong lumipat ng bahay! Nabili na ni Mommy yung bahay. Kaso si Dad di parin makakauwi, dun parin siya sa paris"
"Oo na, ang dami mong sinabi"
+++++++
"Wow! Ang ganda pala ng bahay !" Parang bata na sabi ni hanna. Hindi ko gusto rito
"Oh,Aira. Di mo ba nagustuhan yung bagong bahay natin?" Tanong sa akin ni mommy at isang pilit na ngiti ang ginawa ko
"Of course not! Sobrang nagustuhan ko po! Mommy, what about the price? How much mo nabili?"
"2.5 Million" wow! Ang laki pala ng binayad nila
"Mommy! Akyat na ako sa kwarto! Woho! Uunahan kita na mamili haha!" Tumakbo na paakyat si hanna kaya sumunod na rin ako.
"Ate,ako na lang dito. Dyan ka nalang sa kabilang kwarto para mag katabi tayo" di ko na siya sinagot at pumasok na ako sa magiging kwarto ko.
Maayos na ang pag kaka ayos. Kaya napag pa siyahan ko na mahiga.
Nagising ako ng may marinig akong humihikbi .
"Hanna? Pinag titripan mo bako?
Nako! Wag mo akong inisin! Asan ka?! Lumabas ka dito sa kwarto ko!"*huk*huk*
Nag lakad ako sa kwarto ko hanggang malaman ko, na sa ilalim pala ng kama ko nagmumula yung hikbi.
Dahandahan akong lumuhod at bahagya kong iniangat ang naka sayad na bedsheet sa sahig
"Hoy Hanna! Umalis ka nga diyan!"
"Huk* magbabayad ka..magbabayad ka!"
Ganon na lamang ang gulat ko ng biglang gumapang ng mabilis ang babae na duguan at hinawakan ang paa ko
"AAAHHHH! BITAWAN MO KO!"
"PAPATAYIN KITA!"
"Ate! Huy!" Napamulat ako ng may nag yuyugyog sa akin
"Ate! Ano bang nangyari? Nanaginip ka ba?"
"Wala ka na don hanna. Bat ba nandito ka?" Tanong ko at bumangon na
"Ang sungit mo talaga! May bisita ka kase! Nandyan si Jowa mo! Si Loki! Hump! Makalabas na nga!" Aba! Halos ibalibag yung pinto.
Nag ayos na ako at bumaba. Nakita ko agad si Loki na nakaupo sa sofa sa sala
"Loki! Napadalaw ka?" Sabi ko at tumabi na sa kaniya
"Wala lang, gusto ko lang malaman if ok ka lang"
"Oo naman nuh!"
BINABASA MO ANG
Si Kara.
HorrorKapag nakita mo siya, umiwas ka na. Kapag nakita mo ang mga ngisi niya, lumayo ka na. Kapag tinitigan ka niya, pumikit kana. Kapag hinawakan ka na niya, Tumakbo ka na. at makikilala mo na... si KARA.