Papunta na sana ako sa kwarto ng marinig ko na may kausap si hanna
Sa kwarto niya kaya dinikit ko ang tenga ko sa pinto
"Ewan ko ba sa Aira na'yon. Sana talaga natuluyan na lang siya sa Car accident! Oo! Para akin na lang si kuya Loki. Ha? Anong sabi mo? Ah.. oo naman. Napaka sungit ni ate Aira at-"
Napahinto si hanna ng buksan ko ang pinto at nilapitan ako na tila hindi ako pinapapasok
"What? Bat ka nandito ate?"
"Ano kase.." patingin tingin ako sa kwarto niya
"Ano? Ok na sakin na hindi kita nakakausap." Sabi niya na tinaasan pa ako ng kilay
"Narinig ko na sinabi mo na gusto mong agawin sakin si Loki! What kind of sister are you?!"
"Ikaw dapat ang sabihan ko ng WHAT KIND OF SISTER ARE YOU! Wala kang kwentang Ate! Hindi mo ako pinagbibigyan sa lahat ng gusto ko! I want kuya Loki! Pero kinuha mo siya!"
"Akin si Loki! Kaya paanong kinuha ko siya? Kanino? Sayo? Ang kapal ng mukha mo Hanna! Boyfriend ko siya kaya hindi siya sayo!" Nagulat na lamang ako ng sunggaban niya ako at sinakal kaya napahiga ako sa sahig habang nasa ibabaw ko siya
"MALANDI KA KASE! ATE AIRA!" ang higpit ng pag kakasakal niya
"Ugh..Ha..nna..Ta..ma na"
"Diyos ko po! Hanna!" Hinatak ni manang lisa si hanna kaya nakahinga agad ako at nilapitan ako ni manang lisa
"Aira ayos ka lang ba?" Tango lang ang sinagot ko at inalalayan niya ako para makatayo
"Sa susunod wag kang pupunta dito sa kwarto ko! Iniistorbo mo kami ng kaibigan ko" pumasok na si hanna sa kwarto niya at malakas na ibinalibag ang pinto.
"Aira, halikat mag pahinga ka sa kwarto mo" inihiga ako ni manang sa kama ko
"Aira,ano bang nangyayari sa kapatid mo?"
"Ewan ko po dun. Manang, sino po yung kaibigan ni Hanna na nasa kwarto niya?"
"Ewan ko eh. Maiwan na kita" sinara na ni manang yung pinto ko.
Walangyang Hannang yon! Balak pa ata akong patayin
May narinig akong boses
"HAHA..hindi pa nga kita ginagalaw may gusto na agad pumatay sayo" kinilabutan ako sa narinig ko. Masyado lang siguro akong na stress kay Hanna.
BINABASA MO ANG
Si Kara.
HorrorKapag nakita mo siya, umiwas ka na. Kapag nakita mo ang mga ngisi niya, lumayo ka na. Kapag tinitigan ka niya, pumikit kana. Kapag hinawakan ka na niya, Tumakbo ka na. at makikilala mo na... si KARA.