Chapter 3
"Di'ba siya iyong sa section D na nag iisang babae?"
" oo, siya nga iyan! Ang ganda niya n0?"
"Kaya nga eh! Yong mukha niya grabe parang manika."
" Suus, baka naman nasa loob din ang kulo. Bait baitan sa una para magkaroon ng interes sa kanya mga kaklase niya. Ganyan ginawa ni michie di'ba?"
" manahimik ka nga dyan, laira! Mamaya niyan marinig ka pa niyan, sige ka?"
" Pakialam ko naman kung marinig niy--."
"OMO! sinasabi ko na kasi sayo eh! Uyy, anong nangyari sayo at namumutla ka?"
Napangisi ako matapos marinig iyon, kitams! Maangas lang kapag may kasama,Psh! lakas ng loob magsalita titiklop lang din naman pala. Tss. Daming chismosa sa earth, grabe! Grabe, ganito pala kasikat ang mga section D? Tsaka, sino ba yong michie na tinutukoy nila?
Iwan! Labas na ako doon, hindi ko dapat iniisip ang problema ng iba dahil wala naman akong kinalaman doon.
Napairap nalang ako sa hangin bago naglakad ng mabilis dahil parami na ng parami ang nagkukumpulan sa hallway, ayaw ko namang maging center of attention dahil tiyak akong lahat ng mga sasabihin nila ay hindi rin naman maganda. Bakit kasi sa taas pa ang room namin tuloy nakakapagod mag akyat baba, parequest kaya ako kay mommy ng elevator. Nah! takot ko nalang sa nanay kong mas malamig pa sa yelo ang pagkatao.
"Damn!"
"Shit! Ano bang problema ni damon at nagkakaganyan na naman siya?"
" Naalala mo ba iyong mga pinagsasabi niya sa group chat kagabi. Galit na galit siya kay seori!"
Suuus! Wala namang bago doon, simula palang naman may galit na talaga iyon sakin. Tapos ngayon nagwawala siya diyan sa loob ng room at ako pa ang dahilan? Ano na naman ba problema ng isang iyon sakin? Kada umaga nalang pagpapasok ako may ganito siyanng eksenang ginagawa.
" putcha dre, si seori nandito na pala?" Sabay dunggol ni prince kay tommy, halata sa mukha ng dalawa ang kaba kaya nagkibit balikat nalang ako. Dadaan na sana ako pero hinarangan naman ako nitong dalawa.
" A-Ah. H-haha, tangina din ni damon e. Amp! Seori, umuwi kana sa inyo...a-ano kasi m-may nagwawalang daga sa loob?" Daga? O si damon? Ngumuso naman ako dahil doon. Kung hindi ko lang narinig pinag uusapan ng dalawang ito maniniwala pa sana ako, kaso iyong dagang tinutukoy nila sobrang laki ng galit sakin.
" HOY! anong ginagawa niyong dalawa diyan at talagang kasama niyo pa talaga si seori ah? Damon o' iyong dalawa pinu-pormahan si-hmmmph!" Agad na natakpan ni prince ang bibig ni kier na ngayon ay hindi na nakakahinga dahil kasama sa pagtakip ay ang ilong at bibig nito.
" Prince bitawan mo na si kier, hindi na siya makahinga." Malumanay na utos ko na agad din namang sinunod ng huli, kaya kanda habol naman ni kier ang hininga sabay patakbong lumapit sakin.
" Mommy.. inaaaway ako nila." humihikbing parang batang sumbong ni kier na nakayakap pa sakin kaya nakatanggap ito ng pagmumura at masasamang tingin. Napangiwi pa ako dahil ang lulutong ng pagmumura nilang lahat, pakiramdam ko sakin bumabanda e.
" Damon? Sabihin mo na problema mo ngayon na nandito na si seori?" Pagsulsol ni timothy kay damon na todo simangot naman sakin.
" tss. Ayoko! Nakakainis lang dahil sa ating lahat ako lang iyong hindi niya friends sa facebook." Bulyaw niya samin dahilan para magtawanan ang mga loko sa sinabi niya. Kahit ako nagulat dahil iyon pala problema niya kaya siya nagwawala kanina. Pfft. Cute!
BINABASA MO ANG
THE INNOCENT GIRL IN SECTION D [On Going]
Teen FictionMula pagkabata puros training na ang ginawa ni seori dahil sa ama nitong nais siyang gawing tagapamahala ng organisasyon nito. Nang malaman ng kuya knight nito na ganon ang nangayayari sa kanya kinuha siya nito at nilayo sa ama, pinainom ng gamot pa...