Chapter 32[SEORI POV]
NANG tuluyan na kaming nakapasok mula sa pintuan pababa ng basement, sinenyasan kami ni agon na ito ang mauuna kaya wala na kaming nagawa kundi ang tumango, habang sumusunod sa kanya pababa kinuha na namin ang baril na dala namin. Huminto si agon mula sa ika limang baitang pababa kaya nagtaka ako hanggang sa makita ko ang napakaraming kwartong nakasara at bawat kwartong iyon ay may tig dadalawan bantay. Pero bakit naman kaya nila babantayan ang lahat ng kwarto gayong si kuya neiji lang naman ang bihag nila, unless may iba pa silang binihag. Pero... ang narinig ko, tinapos na nila si kuya neiji.
" Don't let your emotions eat you, Seori!" Mapanuring bulong ni red na mukhang nakita ang pag iiba ng mood ko.
" Hindi ko lang talaga matanggap ang katotohanan na baka totoo iyong narinig kong patay na si kuya neiji. Napaka walang kwenta ko talaga para hindi sila mailigtas." May lumandas na luha sa mga mata ko kaya mas nataranta si red na nasa tabi ko.
" Hush now, pagbabayaran natin lahat ng mga gumawa non kay neiji. Kung gusto mo itorture natin lahat, ako pa ang bahala sa hide out eh!" Napatingin ako dito ng sabihin niya iyon. Sa tono ng pananalita niya mukhang pinapagaan niya ang loob ko.
" Shh. Nandito na sila." Seryosong anas ni agon na siyang nakapag pabalik sa walang emosyon kong mukha. Para saiyo ito kuya neiji at maging sa iyong dalawa west at geneses.
*bang*
Naalarma kami ng makarinig kami ng putok ng baril, nang silipin namin ay nakita naming may inilalabas ang mga lalaki sa isang kwarto at doon ko nakita ang walang buhay na si kuya neiji. Napaluha ako sa nakita ko mas lalo na ang kalagayan nito.
K-kuya neiji?!
" Sabay tayong lalabas okay?" Anas ni agon. Tumango kami at muling inalis ang emosyon sa buo kong mukha, tiim bagang na lumabas ako mula sa pinagtataguan at walang pag aalinlangang pinapukan sila mula sa ulo na siyang kinaalarma nila. Tatlo na kaagad ang napatay ko at iyon ang mga naglabas kay kuya neiji, please god! I begging you po, iligtas niyo si kuya neiji.
*bang*
Sunod sunod na pinapatukan nila kami kaya wala kaming chance para makalabas mula sa pinagtataguan. Nag aalala rin ako sa kalagayan ni kuya neiji ngayon dahil baka napano na ito ngayon habang nagpapaulan ang mga ito ng bala samin.
Hanggang ngayon pinapaniwala ko parin ang sarili ko na buhay pa si kuya at iyon ang sa tingin ko kaya iyon ang paniniwalaan ko. Nang matahimik ay padapa akong nagpaulan sa kanila ng bala, ulo kong ulo ang pinatatamaan ko. Hinila ako pabalik ni agon kaya mabilis kong hinugot ang magazine sa baril at pinalitan ng bago.
" Cover me up! Papasok ako sa loob." Malamig ang boses na anas ko. Napalatak naman ang dalawa pero wala naman silang nagawa kundi gawin ang gusto ko. Tumakbo na ako pababa kasunod nila na walang habas sa pagpapaputok sa kalaban, tinungo ang nakabukas na pintuan at binaril ang mga tauhan na makita kong naglabas rin ng kani kanilang baril. Tinakbo ko ang pagitan namin ng lalaki kasabay ng mabilis na pagkuha ko ng two bladed sword sa aking likod. Agad itong tinarak sa dibdib ng lalaki at nang hindi makuntento ay sa ulo naman nito ang sinunod ko.
Hinugot ko ito mula sa pagkakatarak sa ulo nito at malakas na sinipa ito mula sa dibdib palayo sakin. Tinakbo ko ang isang kwarto at agad na hinanda ang baril, nang makapasok agad kong kinilabit ang gatilyo sa mga ito. Napagulong ako ng makitang may lalaking nasa pintuan na ako ang pinupunterya, hinagis ko ang curve knife ko patungo sakanya at tumarak iyon sa kanang dibdib niya.
" Die! You dipsh*t!" Galit na sigaw ko kasabay ng pagkalabit ng gatilyo sa direksyon niya. Nakita ko si kuya neiji na nasa sahig kaya mas lalo lang ako nakaramdam ng lungkot. P*tang*na!
BINABASA MO ANG
THE INNOCENT GIRL IN SECTION D [On Going]
Ficção AdolescenteMula pagkabata puros training na ang ginawa ni seori dahil sa ama nitong nais siyang gawing tagapamahala ng organisasyon nito. Nang malaman ng kuya knight nito na ganon ang nangayayari sa kanya kinuha siya nito at nilayo sa ama, pinainom ng gamot pa...