Chapter 20

1.2K 64 1
                                    


Chapter 20

[SEORI POV)

"Hoy! Anong sinasabi mo na ako ang malandi?" Habol nito sakin habang hinahawakan ang kamay ko. Hinayaan ko naman ito sa ginagawa dahil bet ko rin naman.

" Totoo naman ah! Kung makatawa ka halos makita ko na ang ngala ngala mo at maging gilagid mo. Ano? Sobrang saya lang!" Pasarcastic na sabi ko, ngumuso naman ito sakin kahit todo ang pagkakasalubong ng kilay. Tsk!

" Tawa lang naman ginawa ko ah? Malandi na kaagad sayo yon?" Medyo mababa ang boses na saad nito kaya napairap ako. Anong tawa lang pinagsasabi nito.

" Pati ba kamay mo tumatawa ha? Kung makahawak ka sa kanya akala mo walang nakakakita sainyong iba. Aba, bilang ko sa kamay ko kung ilang beses mo siyang kinapitan." Igting ang pangang sabi ko. Sumeryoso naman ang mukha nito bigla pero maya maya ay tumawa ito ng malakas kaya inis akong hinawakan ang kamay nito ng mahigpit kaya umaray aray ito sa sakit.

" baby naman, part lang iyon ng acting ko." Acting? Eh kung sakin nga na walang halong acting nagseselos na siya. Dahil una rin sa lahat wala naman talaga akong pakialam sa mga ginagawa ko.

" Kung ako kaya gumawa non sayo, baka mangisay ka sobrang selos dahil makita mo lang nga na hahawakan ko kamay ni daniel eh gusto mo na kaagad manakit." Pag aakusa ko, lumambot naman expression ng mukha nito at naglalambing na ipinulupot ang braso sa bewang ko.

" Walang gantihan asawa ko, ang sama mo sakin. Hindi ko naman iyon ginusto eh." Nakanguso pa nitong sabi kaya napayuko ako para ngumiti ng palihim.

" Tss. Kapag nakita na naman kita na hahawakan mo siya ulit puputulin ko na yan." Tinago naman nito ang kamay sa likod niya bago umiling iling.

" hindi na, promise!" Pfft. Ang cute niyang biruin mga pre!

" Good. Tara na nga baka maubos ang oras natin na hindi man lang tayo nag eenjoy na magkasama." Ngiting saad ko bago ito hinila sa kamay. Tumango rin ito at ito na mismo ang nag intertwined ng mga daliri namin kaya napangiti ako.

" wife?" Tawag pansin nito sakin ng makapasok na kami sa loob ng glass door ng main entrance. Ininspection pa ang dala ko na mini bagpack bago pinapasok sa loob.

" Hmm?" Tugon ko ng hindi ito tinitignan.

" alam ko na merong gumugulo sa isip mo kanina? Ano ba yon?" Bahagya akong natigilan dahil kahit ako ay nakalimutan ko rin ang isiping iyon. Marahil hindi ko masyadong binibigyan ng halaga ang mga nalaman ko, dahil alam ko sa puso ko na hindi iyon magagawa ni kuya neiji.

" May sinabi lang sakin si daniel kanina about sa mga nakalap niyang information," unang pagbahagi ko dahil totoo naman iyong sinabi ko pero hindi ko alam kung paano ko idedeliver sa kanya ng maayos ang mga iyon. Natatakot ako na baka mahusgahan niya kaagad si kuya neiji ng wala man lang nakukuhang ebidensya! Mahalaga sila sakin kaya mas nasasaktan ako kapag may isa sa kanila ang mapapaiba ng landas.

" Tungkol naman saan?" Maingat ang pagtatanong nito pero bakit parang hirap na hirap parin akong sabihin dito ang mga nalaman ko. Malaki tiwala ko sa boyfriend ko, pero pagdating sa ganitong bagay parang umuurong iyong tapang ko. May kung anong pumipigil sakin na itago nalang muna ang mga nalaman ko. *deep sigh*

" H-hubby?" Tawag pansin ko ng ilang minutong hindi ako nakasagot sa tinanong nito. Tumingin naman ito sakin saglit bago muling tumingin sa harapan.

" hmm?" Tugon nito sa malambing na paraan. Napanguso naman ako bago hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito. Hinigpitan din nito ang pagkakahawak sa kamay ko kaya napanatag ako kahit papaano.

" A-anong gagawin mo kung sakaling m-malaman mo na may tuma-traydor sa grupo niyo?" Medyo hesitant ako sa mga binitawan kong salita dala rin ng sobrang kaba. Ano kaya ang isasagot niya?

THE INNOCENT GIRL IN SECTION D [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon