AGON POVnapatingin kami kay seori ng bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo nito sa hagdanan, matalim ang bawat tingin na ipinupukol nito kaya kinabahan kami sa pwedeng gawin nito. Alam ko ang mga tingin na ganyan dahil ganyan din ang ginawa niya nung sumugod siya upang iligtas si neiji.
" Saan ka pupunta seori?" Pagpigil na tanong ni kuya knight sa kanya may halo na ring kaseryosohan sa boses nito.
Lumingon si seori sa kapatid nito and to our surprise nakita namin kung paano sunod sunod na pumapatak ang luha sa kanyang mga mata. Bagamat napakalalim nito kung tumingin mahahalata mo pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
" Magpapahinga na ako. Walang mang iistorbo sakin... Kuya, doon ako matutulog sa pinakadulong kwarto." Saad nito tatalikod na sana ito paalis ng hawakan ito ni kuya knight sa braso. Nagulat kami ng biglang umatake si seori kay kuya kaya natamaan ito sa pisngi ng suntok. Napabitaw si Kuya sa pagkabigla bago tinignan si seori ng seryosong tingin.
" Hindi dyan ang kwarto mo. Doon sa taas." Malamig ang boses na anas nito. Napamulagat naman si seori bago walang sali salitang umakyat ng hagdanan.
Pambihira! Kinabahan ako doon ah! Akala ko magsusuntukan na silang dalawa.
" Tatlo ang magbabantay kay seori mula sa labas ng pintuan niya at maging sa labas ng gate.. alam ko na may binabalak siyang hindi maganda, kaya mas mabuting bantayan niyo siya." Anas ni kuya knight sa mga tauhan nito. Nagkatinginan naman kami.
" Mag babantay na rin kami." Pagpresintang saad ni dion. Umiling naman si kuya knight.
" Hindi na. Alam kong kasing rupok niyo ang kapatid ko, kaya salamat nalang." Napakamot naman ang mga kasamahan ko sa sinabi ni kuya kaya natawa ako.
" Wag kang tumawa. Isa ka rin sa marupok." Dagdag na anas pa ni kuya bago ako nginisihan. Sabi ko nga.
" May ilang kwartong available dyan, kayo nalang bahala kung saan niyo gugustuhing matulog. Wag lang sa isang kwartong nakalock dahil pag aari iyon ni seori. Wala pang nakakaalam kong ano bang meron sa loob ng kwartong iyon. O siya Sige, mag pahinga na kayo." Tumalikod na ito pagkatapos sabihin iyon.
Kwarto? Anong meron kaya sa kwartong tinutukoy ni kuya knight? Bigla tuloy akong na curious sa kung anong meron sa kwarto na yon.
" Tol? Sa tingin mo ano kaya ang binabalak ni seori?" Napatingin ako kay dion nang tanungin nito si harry na katabi nito.
" Hindi ko rin alam, pero iisa lang ang sigurado ako. Tatakas siya mamaya at may gagawin na naman ng ikabibigla natin." Sang ayon ako sa sinabi niya dahil ganon talaga ang personalidad ni seori. Wala siyang pakialam kong gaano karami ang nag babantay sakanya ang Mahalaga sa kanya ay magawa niya ang gusto niyang gawin.
" Ako iyong kinakabahan para kay mommy seori." Mahinang boses na saad ni kier.
" Bat ka naman kinakabahan?" Takang tanong ni kyoya sakanya. Napanguso ito bago tumingin sa direksyon ng kwarto ni seori na may limang bantay na may malalaking pangangatawan.
" Sa mga bantay palang baka hindi pa nagagawa ni mommy seori na makatakas ay maibalik na agad siya sa loob ng kwarto." Nakanguso paring sabi nito. Nakakadiri talaga ang isang to, bat ba ang hilig ng lalaking to na ngumuso.
" Tsk. Mabuti nga iyong ganon di'ba? Sa gaanong paraan hindi siya mapapahamak." Saad ni tyler sa seryosong boses bago kami nilagpasan. Nagtungo ito sa kwarto na katapat lang ng kwarto ni seori, shit! Kailangan ko na silang unahan sa kwartong tutulugan. Tumakbo na ako pauna sa kanila kaya nagtaka sila sa ginawa ko, maging ang nag babantay na nakakatakot ay napakunot ang noo.
Hinihingal na huminto ako sa tapat ng kwartong napili ko. Sa mismong katabing kwarto ni baby ko, bubuksan ko na sana ng bigla akong harangan ng isang bantay ni seori.
BINABASA MO ANG
THE INNOCENT GIRL IN SECTION D [On Going]
Teen FictionMula pagkabata puros training na ang ginawa ni seori dahil sa ama nitong nais siyang gawing tagapamahala ng organisasyon nito. Nang malaman ng kuya knight nito na ganon ang nangayayari sa kanya kinuha siya nito at nilayo sa ama, pinainom ng gamot pa...