Chapter 28[SEORI POV]
INIRAPAN ko ito bago muli itong tinulak palayo at padabog na nahiga sa kama. Narinig ko namang nagtawanan sila sa inasta ko kaya napanguso ako, nakakainis eh! Akala mo naman wala rin itinatago sakin kung makatampo sakin. Tss.
" Umayos ka nga, nahuhulog na unan mo oh!" Sita nito habang tinutulak ang unan pabalik sa pwesto nito. Inis na hinila ko ito palapit sakin bago pumikit, naramdaman ko naman itong nakatingin sakin kaya tumalikod ako dito. Psh!
" HAHAHAHA. Seryoso? Para kayong mga baliw." Natatawang saad ni kyoya kaya naramdam ko ang pag init ng mukha ko. Hindi naman ako ang nauna ah! Sumusobra na kasi ang lalaking ito.
" Kayo iyong mag jowa na parang mga baliw. Mag aaway at maglalambingan din naman. Haynaku!" Saad ni prince. Umupo naman ako dala ng pagkapahiya, pero hindi ko tinignan ang pangit na nakatingin sakin.
" kier? Pingi nga ako ng orange, please!" Nakangiting sabi ko. Ngumiti rin naman ito sakin bago dinala ang plato na may himay himay na orange.
" Thanks, kier" anas ko. Kumuha naman ako at kinain ito, napanguso naman ako. Ang tamis naman nito.
" Penge ako!" Saad ni agon. Pero umirap lang ako dito bago nilayo sa kanya 'yung plato.
" Amp, seori? Kami pwedeng kumuha?" Nag aalangang tanong ni kuya timothy. Tumango naman ako sa kanya bago ngumiti, bumukas naman ang pintuan at iniluwa non sila dion na may dalang mga pagkain.
" Ito ang kainin mo, Seori." Bago sakin binigay ang isang supot. Nang tignan ko kung ano iyon, napangiti ako. Namiss ko talagang kumain ng kanin, ang ulam ay menudo, adobo at afritada kaya tiyak akong mabubusog ako nito ng sobra.
" Thanks" saad ko bago inilabas ang mga ito. Nagulat pa ako ng may mag lagay ng table sa harapan ko. Hindi ko alam kung ano tawag doon.
" Ako na maglalagay sa plato mo." Pagpepresintang saad ni agon sa mababang boses. Pero hindi ko ito pinansin, bahala siya dyan.
" Nag away na naman ba ang dalawang iyan?" Tanong ni harry. Tumawa naman ang nakasaksi sa nangyari kanina.
" Well, ano pa nga ba?" Ngising sagot ni dion habang naiiling. *pout* abnormal kaibigan niyo eh. Nireregla siguro kaya pabago bago ng mood. -.-
" Kumain ka ng marami." Saad nito. Nagsimula na akong kumain, ganon din sila. Samantalang si manong agon mukhang nagpapaawa sa gilid habang nakatingin. Tss, sisimulan simulan tapos hindi mo rin pala kayang gawin.
" Kier?" Tawag pansin ko sa batang umok umok na ang bibig pero subo parin ng subo. Pfft.
" Nagseselos na ako." Natahimik kaming lahat ng marinig iyon mula kay manong agon. Pfft. Nagkatinginan kaming lahat kaya natawa sila at ako pinigilan ko lang.
" Tss." Singhal ko. Kinuha ko ang isang balot na para dito bago inilagay ang kanin sa plato at nilagyan ng sandamakmak na ulam. Nilapag ko ito sa tapat nito ng hindi sumusulyap o nagsasalita.
" Ang sakit.. hindi niya ako pinapansin." Mula sa peripheral view ko kita ko ang pagnguso nito. Naiiling na uninom ako ng tubig, kaya nila nasasabing napaka rupok ko dahil sa pagpapacute at pag papaawa nila eh. Nakakapikon!
" Kumain kana nga.. ang dami mong arte." Simangot na saad ko. Nagkanda haba naman ang nguso nito pero kinuha parin naman ang pagkain na inihanda ko para rito.
" Mommy?" Tawag pansin sakin ni kier, ito rin ang nakapagbasag ng tahimik na paligid kaya napatingin lahat dito. Ngumuso pagkaraan sakin.
" hmm?" Tugon ko. Hinintay ko naman ang sasabibin nito.
BINABASA MO ANG
THE INNOCENT GIRL IN SECTION D [On Going]
Teen FictionMula pagkabata puros training na ang ginawa ni seori dahil sa ama nitong nais siyang gawing tagapamahala ng organisasyon nito. Nang malaman ng kuya knight nito na ganon ang nangayayari sa kanya kinuha siya nito at nilayo sa ama, pinainom ng gamot pa...