Chapter 22

1K 52 1
                                    


Chapter 22

[SEORI POV]

Matapos ikwento sakin ni agon ang lahat na nangyari sakanya noong naiwan ito at makatakas kami ni daniel, nasaktan ako para dito, dahil siya itong pinahirapan at hindi pinakain ng isang linggo. Iyong galit na nararamdaman ko sa nanyari sakin noon ay mas nadagdagan pa dahil sa naging situation ni agon noon. Kung naalala ko lang ng mas maaga edi sana inatupag ko na agad ang pagpapahanap sa mga taong involved sa kidnapan na naganap seven years ago. Nakakagalit sa sarili dahil wala man lang kaming nagawa, hanggang ngayon clueless parin kami sa mga nalaman namin, na kahit si daddy ay medyo nahihirapan rin. O baka may alam na ito sadyang tinatago lang nito sakin ang katotohanan, tsk!

" Nakakunot na naman noo mo?" Puna ni kuya neiji na ngayon ay naupo pa sa katabing upuan ng kama. Mamaya pa ako ididischarge dahil may chinicheck paraw sila sakin.

Si agon naman lumabas na muna dahil meron raw itong gagawin sandali, hindi naman nito sinabi sakin bagkus ay umalis lang ito na may seryosong expression.

" Meron lang akong iniisip kuya." Pilit ang ngiting sabi ko. Tinignan ko ito ng mariin na paraan bago sumeryoso. Hindi ko maiwasan na hindi mag isip tungkol kay kuya neiji, kung traydor siya sa grupo ang lakas naman ng loob niya para mag stay parin ng matagal dito at ang bait bait parin ng pakitutungo niya samin. Nakakalungkot lang na baka pag dumating na ang panahon na magkabunyagan na ano kaya ang gagawin niya? Sino pipiliin niya samin?

" hey! You okay?" Pukaw ni kuya neiji na nakatingin rin pala sakin habang may malawak na pagkakangiti sa labi. Naipilig ko ang ulo ko dahil natulala pala ako ng hindi ko namamalayan.

" Nakakamiss lang iyong dating samahan natin sa room. Haha!" Sabi ko dahil totoo naman talaga iyon. At sinasabi ko rin ito para malaman nito sa sarili na kami talaga ang pamilya niya at hindi ang kinakampihan niya ngayon.

" Oo. Ako rin namimiss ko na rin ang mga iyon!" Kita ko ang pag daan ng lungkot sa mata nito. Isang sign para sakin at matutulungan ko ito sa magiging desisyon nito.

" pwede pa naman nating gawin ulit yon?" Masaya kong sabi, nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Gaya nga ng inaasahan dadating sila ng hindi mo inaasahan. Napangisi lang ako dahil mukhang masisigla na naman ang mga loko.

" Sabi na eh, ang lakas talaga ng pang amoy ko. Nandito si pareng neiji!" Sabi ni harry na natatawa.

" Anong ginagawa niyo dito?" Kunwaring tanong ko. Mag isa lang kasi na pumunta dito si kuya neiji, kanina na we-weirduhan ako sa kinikilos niya dahil panay ang linga niya kung saan kahit na nandito naman siya sa loob ng kwarto. Hanggang sa marealize ko na baka minamanman din siya ng kung sinong kakampi niya ngayon, sabagay pwede rin naman mangyari ang pagmamatyag na sinasabi ko dahil open window ang tinutuluyan kong kwarto.

Napatunayan ko lang ang sinasabi ko dahil ipinapasarado niya ang bintana, tumango nalang ako at hindi nalang nagtanong pa. .

" Neiji? Bakit nawala ka kagabi?" Tanong ni tommy na busy sa binabalatang orange. Nagkamot naman sa ulo si neiji bago tumingin kay tommy.

" May inasikaso lang, hindi naman ganon kahalaga iyon." Sagot nito na siyang kinatango ng huli. Pansin ko ang ilan na nagmamasid sa kilos ni kuya neiji, May alam na kaya sila sa nangyayari?

Nang bigla nalang sumigaw si kier kaya napangiwi kami..

" Uy gago! Binili ko nga yan para kay mommy seori tapos ikaw pa ang kakain!" Inis na sigaw ni kier kay chase na bitbit na ang isang brown paper bag, mcdo?

" Nagugutom na ako pre, hindi kasi ako nakakakain sa bahay kanina eh!" Napaface palm naman si kier bago hinablot ang hawak nitong paper bag.

Kinuha nito ang burger bago ibinigay kay kier. Nagningning naman ang mga mata nito kaya napangiti ako sa nasaksihan ko. Lumapit ito sakin kahit na nakasimangot.

THE INNOCENT GIRL IN SECTION D [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon