Chapter 19

1.2K 62 0
                                    


Chapter 19

[SEORI POV]

Training!

Tuwing uwian mula sa school dumi-deretso na kaagad ako sa training ko kung saan sa agency mismo ng kuya knight ako nagpapaturo. Si kuya nix ang incharge sa pagtuturo sakin at pangatlong araw ko na ngayon. Overall okay naman ang kinalabasan ng pagtuturo sakin dahil mabilis ko naman na kukuha kung paano at kung ano ang mga parts ng baril. I know how to assembly it kaya natutuwa rin at nadadala rin ako sa mga training ko.

At sa tatlong araw na iyon umiiwas talaga ako sa buong section D, wala akong kinakausap ni isa sa kanila dahil yon ang initiation ko mula kay daddy. Kahit nagtetrain ako hindi ko parin naman kinakalimutan ang dahilan kung bakit ginagawa ko ito. Si michie mas naging pabida at mas naging malapit sila ni agon kaya ang sakit sakit na nila sa paningin, parang naisip ko bigla na si michie nalang ang gagawin kong target sa training na gagawin ko dahil sa tindi ng selos na nararamdaman ko. Pero lintek ha? Yung boyfriend mo mukhang kinacareer ang pagiging ubod ng landi, kung makipag tawanan at harutan akala mo wala siyang GIRLFRIEND na punyawa siya. Matapos lang ang isang buwan na initiation ko, lagot talaga siya sakin.

" Hey, patapos na tayo bakit naglagay kana naman ng magazine?" Tanong sakin ni kuya nix na nagtataka na sa ginagawa ko. Iwan ko rin, basta masama kong tinitignan ang target at iniisip na ulo iyon ni michie. Grr!

" Kainis!" Galit na sigaw ko, bago padabog na nilapag ang baril sa lamesa. Naiiling naman si kuya nix sa inasta ko, pagkalabas ko sa kwartong iyon agad akong nagtungo sa labas ng agency, uuwi na ako at gusto ko marefresh utak ko. Langya! Naiirita talaga ako.

" Saglit lang seori?" Sigaw na tawag nito sakin, lumingon naman ako dito.

" bakit kuya nix?" Sagot ko, iniangat naman nito ang kamay sa tapat ko dahil hinihingal pa ito.

" Bago ka raw umuwi daanan mo raw muna si daniel dahil meron itong sasabihin sayo na importante!" Daniel? Oo nga pala, hindi na ako doon umuuwi dahil may sarili naman palang bahay si daddy dito. Sa hotel mismo na pag aari nito, nasa penthouse kami nakatira ngayon.

" I see. Salamat kuya nix, sige po pupunta ako doon." Sagot ko bago ito tinalikuran, gamit ang kotseng ibinigay sakin ni daddy bilang regalo raw. May license na ako pang student nga lang, alam kong bawal pa pero wala akong gagamitin patungo sa bahay ni niel. Ayoko naman mag commute, habang nagmamaneho patungo sa bahay nila niel biglang sumagi sa isip ko iyong nangyari sa school.

Si michie meron siyang mga pasa sa binti't legs nito, noon hindi ko napapansin pero ngayon masyado na itong halata. Mahahaba iyon at maninipis na parang ginagamitan ng tingting bilang pamalo. Sa pulsuhan nito pansin ko ang pangingitim non na parang nakakapagtaka dahil ang kwento niya matagal na raw nangyayari iyon sa kanya pero bakit ngayon lang namin nakita? Iwan ko pero naaawa ako sakanya, pakiramdam ko parihas lang kami ng dinaranas dalawa.

Naipiling ko nalang ang ulo ko hanggang sa hindi ko na napansin na nakarating na pala ako sa bahay nila daniel, nakilala ko narin sa wakas ang tatay ni daniel na si tito damian, ito mismo iyong tumutulong sa daddy ko sa spain para mahanap ako.

*beep* *beep*

Dalawang beses akong bumusina hanggang unti unti ng bumubukas ang gate ng bahay nila, may dalawang guard na nagbukas non nakangiting siniluduhan ako. Pagpasok ng sasakyan nakita ko kaagad si daniel na hindi mapakali sa labas ng pintuan nito, naiiling na binusinahan ko ito dahilan para mapatalon ito sa gulat.

Pagkababa ko, sinalubong kaagad ako nito sabay hatak patungo sa garden nila. Ano bang problema ng isang to? Bakit parang aligaga ito at takot sa anong bagay.

THE INNOCENT GIRL IN SECTION D [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon