Chapter 18

1.2K 61 3
                                    


Chapter 18

[TYLER POV] <first time mag POV>

DALAWANG LINGGO na ang nakakalipas sa wakas nagpakita narin si seori samin, but she's totally different, she's cold and distant. Well, alam naman namin na may kasalanan kami sa kanya pero hindi ito basta distansya na ginagawa niya, kundi binalak rin nitong magpalipat ng ibang room na agad din naman naming pinigilan. Until now, nasa proseso parin ang paglipat nito pero sinusubukan talaga namin ang lahat na pigilan siya sa abot ng makakaya namin.

" Mommy Seori?" Masayang bati ni kier habang tumatakbo palapit sa paparating na si seori. Martes na ngayon at katulad kahapon ganon parin kalamig ang pakikitungo saming lahat, ni hindi niya kinakausap ni isa samin.

Nakakabahala bigla pero wala naman kaming makuhang clue kahit na pinaimbestigahan na namin sa kaibigan ni harry ang nakalipas na dalawang linggo dito, wala parin itong nakuha na kahit na ano.

" Mommy Seori? Gusto mo? Binili ko ito para sayo.." pinapakita ni kier ang dalang chocolate na isang balot, pero wala parin naging reaction si seori. Kinabahan kami ng iumang ni kier ang nabuksan na chocolate mula sa bibig ni seori. *gulp*

F*ck kier, umalis kana diyan.

" Ano ba!!?!" Galit na sigaw ni seori dito sabay tabing ng kamay ni kier palayo. Nagsinghapan kami ng mahulog ang chocolate sa sahig samantalang si kier naman ay napayuko nalang bago pilit na ngumiti. Pero pansin parin ang luha sa gilid ng mata nito bago umalis doon, pero bago iyon may sinabi pa ito na nakapagbigay samin ng lakas.

" Mommy Seori, hindi porket cold at distant kana samin ngayon ay titigilan kana namin. Dahil naalala ko 'nung kami iyong may ayaw sayo noon, never mo kaming sinukuan at papakita namin sayo na kaya rin namin gawin iyon." Matapos sabihin iyon ni kier, nakita namin kung paano lumambot ng pansamantala ang expression ni seori bago muling bumalik sa pagiging malamig.

" Kier, ayos lang yan!" Pagpapalakas ng loob ni chase na tinatapik tapik pa sa likod si kier. Bumuntong hininga ako ng malalim bago tinignan si agon na kunot na kunot ang noo habang seryosong nakatingin kay seori.

" Bro? May alam kaba sa nangyayari kay seori?" Nagbabakasaling tanong ko dito. Natigilan naman ito saglit bago umiling bilang sagot sakin.

Wala rin pala itong alam, ano ba yan ang hirap naman ng ganito? Ganito rin ba pakiramdam ni seori 'nung mga panahon na binabalewala namin siya.

" Anong plano niyo?" Nakinig ako sa usapan nila dion na nasa likod ko lang din. Mukhang may plano na naman sila para bumalik na si seori sa dati.

" Edi ipaalala natin sa kanya lahat mula sa simula!" Ha? Ano nagka amnesia ba si seori para gawin nila iyon. Naiiling na pinagpatuloy ko ang pagsusulat, ang hirap ng gagawin nila kung iyon ang planong gagawin nila.

" Tanga po, mahirap iyon. Wala naman kwenta naisip mo bro eh!" Natawa ako sa sinabi ni tommy.

" Edi ikaw na umisip, ikaw may utak samin di'ba? Edi ikaw na!" Asar na sagot ni prince, tsk! Walag mangyayari sa plano nila kung gaganyan ganyan sila.

" Psh! Suyuin niyo nalang at wag tigilan gaya ng sinabi ni kier kanina. Wag kayong sumuko sa kanya." Biglang pag singit ko sa usapan nila. Napa 'oo nga' ang tatlo sa sinabi ko kaya para silang tanga.

" Tumigil nalang kayo, hindi rin yan effective. Alam natin kung gaano karupok si seori...pfft kitams!" Tinignan namin si seori na kinuha ang chocolate mula sa sahig bago ito binalot muli at inilagay sa isang tabi. Tama nga si agon! Pfft. Ang cute niya talaga.

" Pero gagawin parin namin iyon, malay niyo pansinin kami bigla." Ngising sabi ni chase na nakikinig rin pala sa usapan namin.

" tss. Bahala kayo, but know your limits!" Ani agon na kinangisi ko. Psh! Suuus, selos na selos lang?

THE INNOCENT GIRL IN SECTION D [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon