Nandyan lang siya kahit na nagkakaganito ako
walang judgment na makikita sa kanya
walang pamimintas at kung ano pa man
Ang aking mahal na kaisaisang nakakaunawa sa akin
Pinaramdam niya na mahal na mahal niya ako
kahit na mas mahal ko pa ang aking sarili,
Nitong aking napagtanto,
Hindi lang pala dapat sa akin umikot ang mundo
kasi hindi lang ako ang tao dito
hindi ako espesyal na tao
nakikisabay lang ako sa bilyong mga tao
na naglalakbay para sa kanikanilang takbuhin
oo, tama mahalin mo ang iyong sarili
pero kailangan paring may limitasyon
hindi palaging dapat ay maging makasarili
di ba nga, ako ang pinakamatalinong babae sa mundo?
pero dahil tao lang din ako, sa isang banda ay walang saysay ito
oo, nakikita ko kung ano ang mga dapat gawin
para maging mapayapa ang lahat
pero kahit anong gawin ko
intindihin ang iba, o mahalin ang aking sarili
wala pa ring malinaw na sagot
sapagka't you really can't please everyone
ganito talaga ang sistema ng mundo
kung hindi ito nangyari, mawawala ang balanse sa mundo
yin, yang
mabuti sa kasamaan, at kasamaan sa kabutihan
ganito kami ng aking minamahal
napakaswerto ko, kasi kahit dumating ako sa punto na ganito
mahirap intindihin at napaka komplikado
nandyan lang siya
siya ang tunay na mas matalino sakin
dahil hindi ni minsan sumagi sa isipan niya
na baguhin ang aking pag iisip
kundi ang mahalin ako sa anumang mga bagay
na nakikita niya sa akin
ang sarap sa pakiramdam ng ganito
na may magmamahal sayo kahit ano ka pa
kahit pa wasak na wasak ka
kahit walang wala ka.
May ibibigay at darating para sa yo.
Inilaan ng Diyos para sa yo.
Kahit magulo ang mundo
masarap pa din mamuhay dito
dahil kahit masama man ito, may kabutihan ba din dito
at kailangan nating tanggapin
na kahit na mabuti ang isang tao,
makakagawa at gagawa pa rin ito ng pagkakamali
yin, yang
Mapalad ako sapagkat ang minamahal ko
tanggap ako kahit kung minsan nakakagawa ako ng kamalian,
at alam niya na kahit ganun pa man
mabuti pa rin ako para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Isa lang Para sa Isang Pusong Tila ay Naliligaw
Short StoryMga bagay na ating nararansan, Tignan natin sa ibang paraan, Dito ka dyan ako. Samahan mo ako. -New chapters every Thursday