Sa pinakamatalinong babae sa mundo

6 0 0
                                    

Masaya, sapagkat alam ko kung bakit ganun kumilos ang mga tao

masaya, sapagkat ako ang kaisa isang

nakakaintindi

sa mga puso nilang nasawi

mga damdaming tila ay nagagalit

mga ugaling di maipaliwanag

ako ang tagapagbalanse ng mga hindi magagandang bagay

dahil ako lang naman

ang nag iisang pinakamatalinong babae

matalino sa larangan ng pag unawa sa iba

matalino sa bawat sitwasyon na aking nakikita

matalino sa pagsuporta sa iba.

ngunit ang nakakalungkot nga lamang,

bakit parang may mali pa rin

bakit kailangan ako lang ang may alam

bakit ako lang dapat ang nakakaintindi,

minsan naiisip ko nakakapagod rin ang ginagawa kong ito

umaasa ako na sana may isang tao rin na katulad ko

na nakikita kung ano talaga ang totoong mundo

at tutulungan akong baguhin ito

at tutulungan ako sa mga napagdadaanan ko

dahil ang mga pinagdadaanan ko ngayon

ay isang kapalit ng kakayahan ko

malungkot na pamumuhay

dahil ako ang may dala

ng mga hirap at sakit ng mga tao sa paligid ako

ako ang may pasan ng problema nila

ako nga lang naman kasi ang nakakaintindi sa kanila.

Isang araw sinabihan ako ng isang malapit sakin

"bakit ka ganyan?"

"Sawa ka na bang intindihin ako?"

Oo alam ko,

hindi ko dapat pang taluhin siya,

dahil alam ko na marami siyang problema,

pero pucha naman,

bakit kailangan ako lang lagi?

bakit ba ako lang ang dapat mag-adjust

sa mundong ito na ako lamang ang nakakaintindi.

Heto na naman ako,

nasa isang sulok,

nag-iisip,

umiiyak,

iniisip kung pano ko sila mapapasaya

umiiyak dahil gusto ko nang bumigay.

Hindi ko na rin naman kaya,

parati kong sinasabi sa mga taong nakapaligid sakin

"It's just a bad day, not a bad life"

pero bakit parang ang mga salitang ito

ay napakahirap na ring intindihin,

madali lang siyang sabihin

pero kapag ikaw ang nasa sitwasyong ito,

lalo ko na ring naintindihan

na hindi ko magagamit ang salitang ito,

kung nag-iisa lang ako.

Sana may isang tao

na kagaya ko

na kaya akong iligtas

sa kalungkutang bumabalot

sa kalungkutang pilit sa pumapasok sa buhay ko

kung maibabalik ko lamang ang panahon,

gusto ko lang ng tahimik

ako naman kasi

bakit ba napaka pakielamera ko.

pati problema ng iba 

pinoproblema ko na rin

Ayoko ko na ng ganito, ayoko nang makipagtalo.

Gusto ko namang piliin ang sarili

Piliin na lumigaya ako kahit saglit man lamang.

kasi di ko na rin kaya.

Lalo kong dinadama

ang mga katagang, "it's okay not to be okay"

Pero ang komplikado talaga isipin

na bitawan ang lahat ng aking dalahin

pakiramdam ko babagsak ang mundong ito

kapag binitiwan ko ang mga bagay na ito

ang hirap kasing maging matalino ngayon

matalino sa pagbasa ng isip ng ibang tao

nahanap ko ang sagot para sa iba

ngunit sarili kong dalahin

ay lalo lamang bumibigat

ano nga ba ang dapat kong gawin?

Sa lahat ng katanungan na kaya kong sagutin,

Itong tanong na ito ang naiwan sa akin

Hindi ba ako ang pinakamatalinong babae sa mundo?

Pero bakit tila hindi ko alam

kung paano sagutin

ang tanong na ito,

kasama ang tanong na "kailan ba ako sasaya?"

Isa lang Para sa Isang Pusong Tila ay NaliligawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon