Sa aking paglalakbay

14 0 0
                                    

Ako ay uuwi na mula sa aking paaralan

Papunta sa sakayan na tila dagat ng tao ang nasilayan,

Singitan ang puhunan, Hunger games ang labanan,

Nakasakay ako na may konting panggugulang,

Ano ba ang magagawa ko, ganun lang kasi talaga.

Hindi pa natapos doon ang problema,

Dagat naman ng mga sasakyan ang susunod na pakikipagsapalaran.

Busina dito, busina doon.

Mga tao ay di magkandatuto,

"Malalate na ko!" aniya sigaw ng mga tao.

Dito ko nakita kung paano tumakbo ang mundo.

Na walang magpaparaya para sa yo.

Ikaw at ikaw lang din ang gagawa ng paraan,

Paraan para sa pang sarili kagustuhan lamang.

Pag baba mo sa sasakyan akala mo tapos na ulit ang lahat,

Sapagka't sa kanto may tatlong lalaking nag-aabang.

Kinakabahan, napaparanoid, at kung ano pa man.

Buhay ko ba ay hanggang dito na lamang?

Nalagpasan ang masasamang akala mong mga nilalang.

Isang patak ng tubig naman ang nanggaling mula sa itaas,

Akala mo lang may dumura, iyon pala ay uulan.

Buti na lang hindi ito ang pinakamalas na araw,

May payong na sumilay na  nagmula sa aking bag.

Naglalakad ako na masayang bitbit ang aking payong,

Habang nakikita ko ang mga taong nagsisiksikan sa silong,

Pag-ngisi ng mga labi ay hindi naiwasan,

Mapayapang pag-uwi  ang nasa isipan.

Patak ng ambon, hanggang naging ulan.

Patak ng ulan, hanggang sa tila ay bagyo na nga.

Ngayon ang isip isip, makakauwi ba ng payapa?

Akala ko sapat na, pero hindi pa pala.

Ang payong kong dala na sa akin ay nagkasya na.

Nabasa na nga ako, nagsimula sa mga paa,

Ngayon ko lang napansin na ang waterproof na bag ay tila di waterproof.

Umakyat mula sa paa, patungo sa mga binti.

At binti, patungo sa mga damit.

Akala ko sapat na pero hindi pa pala,

Ang bitbit na payong na nagsilbing aking silong.

Lumakas at lumakas pa ang ulan,

Umabot na nga ito sa aking mukha,

Hindi ko na alam kung ulan pa o luha.

Kalungkutan bumalot sa aking isipan,

Mga alaalang binaon ko na sa aking diwa.

Naipong sakit na sa akin ay itinago.

Lumabas na parang halamang tumubo.

Habang papalapit sa aming bahay, 

Papalapit na din ako na malunod.    

Dahil hindi dito nagtatapos ang aking kwento,

Patuloy pang bubuhos ang mga problema,

Lalo na dito sa amin tahanan,

Tahanan nga ba o hukuman?

Sapagka't bawat paang aking ihahakbang,

Sigaw na lamang ang umaalingawngaw.

Mga bagay na nagliliparan,

Akala mo salamangka lamang ang may alam.

Sigawan dito sigawan doon.

At habang nandito ako sa aking tahanan,

Lalo ko pang napagninilayan.

Parang mas maganda na ako'y maglakbay na lamang.

Isa lang Para sa Isang Pusong Tila ay NaliligawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon