Sa aking pamumuhay

10 0 0
                                    

Sa aking pag pasok tumigil ang sigawan.

Basang basa mula sa ulan,

Naligo naman ako, pero naligo lang ulit.

Naligo na nga talaga pagkat ang ulan pala,

Ay umabot na sa laylayan ng aking buhok.

Hindi na mabilang ang bawat hiblang nabasa,

Sindami ng problema na nadarama,

Ang sakit sa damdaming sa akin ay walang naghihintay,

Sa munting pamamahay na aking minamahal. 

Umuulan na rin dito sa loob ng bahay,

Pagkat ang luha ay walang humpay sa pagtulo,

Di akalaing ganito pala kalungkot,

Malamig na palagid na sa puso'y bumalot.

Bago ko pa makalimutan, may ibang tao nga pala dito,

Ayoko na lang silang pikaramdaman, 

Para lang silang anino.

Kinakamusta ka nila, pero di galing sa puso,

Ginagalingan din ang pag acting mula daw sa kaidbuturan ng puso.

Bakit ba ang tao ay mapagpanggap?

Pag humarap sa yo okay kayo,

Pag talikod mo, may masamang balak pala sa yo.

Ganito na ba kasama ang tao sa mundo?

O nasanay lang ba ako na palaging inaamo?

Sa araw araw na pagbalik ko sa aming bahay,

Sa bawat katok sa pintong nakapinid,

Umaasa akong wala ang taong sa akin namimilit,

Pinipilit sabihin na ako ang taong dapat nilang makita,

Makita sa kanilang kagustuhan,

Pasensya na, ako ang taong hindi magpapasakal,

Sakal sa mga kagustuhang kayo lang ang may pakinabang.

Tao lang di naman akong nabubuhay,

Tila ayaw ninyo yata ng patas na laban,

Ako na walang ginagawa ang lumabas na masama,

Samantalang wala naman akong ginagawa.

Sige, ano masunod lang ang kagustuhan?

Kahit isakripisyo ang buhay na pilit lumalaban?

 Ang pinakamalungkot sa mga nangyari sa akin,

Ang pagkatok kong muli sa mga pintong nakapinid,

Umaasang wala nang taong doon ay sisilip,

Umaasang hindi na ulit ako kakatakot sa pintuang yaon.

Ayoko nang umuwi sa bahay na iyon,

Sakit at paghihirap ang dinanas doon.

Paghihirap sa damdaming nais kong mailahad,

Kung mailahad man, ako na naman ang masama.

Mahirap talaga ang mamuhay sa mundo,

Kahit ikaw ang tama ikaw pa rin ang dapat sumuko,

Ano na ang nangyari sa sistema ngayon?

Patuloy na ba tayong kakainin nito?

Tila wala na yata sa atin ang may kayang labanan iyon,

Dahil sa lahat ng magtatangkang galawin iyon,

Tiyak na walang araw ang lilipas,

Na hindi mo mararamdaman lahat ng sakit.

Ngayon ay walang magagawa kundi ang mag masid.

Pakiramdaman ang paligid kung may umaaligid,

Tignan mo kung pano tumatakbo ang buhay

Di ba parang gulong

kung sabagay bilog nga ang mundo.

Kung umuulan man ngayon,

Sana bukas ulan ay tuluyan ng tumigil.

Isa lang Para sa Isang Pusong Tila ay NaliligawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon