Butterflies at Prince charming
Totoo ka pa ba?
Sa panahon kasi ngayon, uso na ang fake news.
Mahirap maniwala ng basta basta
Mahirap sumugal ng buong buhay
Mahirap mahulog kung di ka sigurado kung may sasalo sa iyo.
At ngayon natagpuan ko ang sarili ko
Kasama mo, sa tabi mo.
Ano nga ba talaga tayo?
Ang hirap naman kasi walang label.
Di ba sabi ni sarah labhati "Check the label mommy"
Eto nakalimutan kong gawin yun.
Ngayon dito na ichecheck kung ano man ang label natin.
gagawa na lang ako ng para sa atin.
Ano nga ba tayo?
Oo nga pala friends with benefits tayo.
Yun nga lang hindi katulad ng iba
Tayo yung friend with benefits na may feelings.
May feelings pa lang kasi hindi pa tayo pwede sa isa't isa.
Para tayong mga artista ano?
Iinterviewhin ka ng mga tao,
itatanong kung single ka pa ba,
syempre ang sasabihin ko ay oo at ikaw ay ganun din naman.
Ang hirap na sa sarili kong bibig manggagaling ang mga salitang iyon.
"Oo single ako" ang palagi kong sagot
Na sana ay "oo tayo na" lamang.
Puro lang tayo kilig
wala namang laman
walang kwento
tayo lang ang may alam.
hindi mo ba alam kung gaano ko kagusto
na ipagsigawan sa mundo
na ikaw ang mahal ko?
Lagi lang tayong nagtatago
sa ilalim ng maskara sa mundong ito
patago kung magkita
patago kapag magkasama
tuwing manonood tayo ng sine
mauuna ka munang lumabas
tapos pag malayo ka na
susunod ako.
Nakakawasa na rin laging na lang bang ganito?
sino ba talaga ang mahal mo
ako o ang estado mo?
sana nga sa mundo lang tayo nagtatago
pero pati magulang ko walang alam tungkol sayo
di nga nila alam
na nag-eexist ka sa mundong 'to
akala nila ako yung anak na masunirin lamang
yung anak na hindi sakit sa ulo
ang hindi nila alam
mas masahol pa ako sa ibang anak nila
ang hirap kapag may away tayo
kinikimkim ko lang ito sa sarili ko
sino ba ang mapagsasabihan ko
e nagtatago nga tayo
ang hirap dalhin
ng mga ganitong pagkakataon ng mag-isa
alam mo naman siguro iyon
kaya kung may pagkakataon
na hindi tayo magkakaunawaan
nagpapayara na lamang ako
ayoko na, na mag away pa tayo
ayoko lang ng gulo
ayoko lang kasi ay yung nabibigatan na ko
nabibigatan na nga ako sa pag-aaral ko
at pati na rin sa pamilya ko
dadadagdag pa ba ang relasyon na ito?
BINABASA MO ANG
Isa lang Para sa Isang Pusong Tila ay Naliligaw
Historia CortaMga bagay na ating nararansan, Tignan natin sa ibang paraan, Dito ka dyan ako. Samahan mo ako. -New chapters every Thursday